Realization no. 4: Sweet/happy moments (ni-legal pero naghiwalay pa rin)

9 1 0
                                    

Eto pinakamasakit mga kaigan! Iyong ni-legal ka naman pero hiniwalayan ka rin naman. Ano yun? pakitang tao?( kung tao ka nga ba) hoy mahal nung pamasahe papunta sa bahay niyo tapos iiwan mo rin naman? bayaran mo yun! refund ganun!

Ito pinakamasakit mga bes eh. Iyong legal na kayo both side pero wala eh. Mas pinili niya paring bitawan ka. Di niya man lang naisip na masakit sa part nung maiiwan dahil hindi niya alam kung may mali ba. Kung saan siya nagkulang at kung may pagkukulang nga ba siya. Sana nung nagpasya kang iwanan ako ay sinabi mo man lang ang pinaka tunay na rason mo hindi yung idinahilan mo pa yang pag-aaral mo. Eh anong panlaban ko diyan diba? Alam mo namang I value education very much diba? Kaya nung sinabi mong magbe-break muna tayo dahil nga sa ganyang rason ay hindi na ako nagdalawang isip na pigilin ka dahil alam ko kung gaano ka importante ang pag-aaral. Pwede naman nating pagsabayin ang pag-aaral natin at the same time ang lovelife ah! Bakit ganon? Bakit ambilis mong sumuko? Hindi ba ako worth i-keep? Hindi ba ako worth i-prioritize? Hindi ba ako worth mahalin? (inner me: HINDI! kaya ka nga iniwan diba?)

The Broken Pieces💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon