“LET ME GO! Mga bastos!”
“Hindi ka makakawala diyan! Huwag ka nang pumalag at mapapagod ka lang!”
“Mga hayop kayo! Sinasabi ko na nga ba, hindi kayo mapagkakatiwalaan! Pakawalan niyo ako sabi! Tulong!!!”
Tinawanan lang ng malakas nina Arkin at ng mga kabarkada niyang sina Jax at Boris ang pagwawala ng babae. May isa pa silang barkada na si Flash pero hindi ito nakikitawa sa kanila. Nasa isang sulok lang ito at nakayuko. Kaya ito ganoon ay dahil girlfriend nito ang babae—si Kyline.
Kasalukuyan silang nasa lugar na tinatawag nilang “hideout”. Ito ang lugar kung saan madlas silang tumambay na apat. Pagmamay-ari ito ni Arkin. Isa iyong bahay na malayo sa kabihasnan. Halos hindi na nga naaabot ng ibang tao dahil sa sobrang layo. Nasa bungad iyon ng isang malawak na kagubatan. Meron namang kalsada ngunit walang masyadong dumadaan na mga sasakyan. Sobrang dalang lang na may maligaw na sasakyan sa kalsadang iyon.
Hindi naman kalakihan ang naturang bahay. May dalawang kwarto sa itaas. Sa ibaba naman ay may maliit na salas, kusina at isang banyo. May mini bar din iyon dahil sa mahilig silang mag-inom na magkakaibigan. Gamit ang pera ng kaniyang mga magulang ay nagawa niyang mabili ang lupa na iyon at makapagpatayo ng bahay.
Mayaman ang pamilyang kinabibilangan ni Arkin. Nagmamay-ari lang naman ng malawak na taniman ng mga gulay sa Baguio ang mga magulang niya. Bukod pa doon ay may pagawaan sila ng corned beef na solong pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang. Lumaki siyang spoiled dahil nag-iisa lang naman siyang anak. Medyo may edad na kasi ang daddy at mommy niya nang makapag-asawa. Kaya isang miracle baby daw siya. Menopause na kasi ang mommy niya nang mabuo siya. Bihira daw na mangyari iyon.
Walang trabaho si Arkin? Sa edad niyang twenty nine ay hindi pa niya nararanasan ang magbanat ng buto. Trabaho? Kailangan pa ba niya na gawin iyon kung kaya namang ibigay ng mga magulang niya ang lahat? Milyon-milyon ang pera niya sa banko kahit na wala siyang trabaho.
Ang bahay na iyon ay hindi lang tambayan nina Arkin. Doon din nila ginagawa ang mga bagay na trip nila. Katulad ng pag-iinom, paggamit ng droga at pagdadala ng babae. Malakas ang loob niyang gumawa ng ilegal dahil naniniwala siyang kaya siyang ilusot sa kahit na anong krimen gamit ang pera ng kaniyang magulang. Ilang beses na niya iyong napatunayan. Kapag may nagagawa siya at ang mga kabarkada niya na ilegal at nahuli sila ng pulis ay kumikilos agad ang mommy at daddy niya. Hindi siya hinahayaan ng mga ito na makulong. Pera lang naman ang katapat ng batas para sa kanila! Lahat ay magagawa nila dahil sa meron silang pera.
Katulad na lang ngayon. Natrip-an ni Arkin ang girlfriend ni Flash na si Kyline kaya inutusan niya ang kaibigan na gumawa ng paraan para madala dito sa hideout ang babae…
“Mga bro, ito nga pala ang girlfriend ko. Si Kyline!” Proud na proud na pagpapakilala ni Flash sa kanila habang nasa isang bar sila ng gabing iyon. “Kyline, sila naman ang mga bro ko. Si Arkin, Boris and Jax.” Isa-isa sila nitong itinuro habang binabanggit ang kani-kanilang pangalan.
Medyo madilim at patay-sindi ang ilaw sa bar pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Arkin si Kyline. Napakaganda nito! Makinis at maputi. Malaki ang hinaharap. Kitang-kita iyon sa sexy nitong dait na hapit sa magandang hubog ng katawan ng babae. Malaki din ang balakang. Mahaba ang tuwid na buhok. Akala mo ay isang anghel ang mukha sa sobrang amo.
Hindi na rin naman siya nagtataka kung magkaroon ng ganoong kagandang syota si Flash. Sa kanilang apat, si Flash ang pinaka gwapo. May hitsura din naman sila pero ito talaga ang habulin ng mga babae. Baby face kasi ito at mukhang inosente. Siya naman ay brusko ang ayos. May manipis na balbas at bigote. Naka-undercut ang gupit ng buhok. Sina Boris at Jax naman ay normal lang pero mga mukhang manyak. Halos magkakaedad lang sila. Nabuo ang kanilang grupo dahil sa iisang supplier ang pinagkukunan nila ng droga. Isang beses silang nagkaroon ng session at doon na iyon nagsimula. Nagkasundo silang apat at naging palagi nang magkakasama.
BINABASA MO ANG
Two Girls
Mystery / ThrillerMagkasintahan sina Lauren at Sarah. Hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang pagkakaparehas nila ng kasarian. Isang lugar na malayo sa panghuhusga ng tao ang kanilang pinuntahan. Ngunit paano kung ang inakala nilang tahimik na bakasyon ay m...