FOUR

4.5K 141 11
                                    

“ANG damot mo naman sa impormasyon! Makapag-luto na nga lang ng almusal! Hmp!” Dinig pa rin ni Sarah ang malakas na bunganga ni Aling Erika kahit naisarado na niya ang pinto. At siya pa talaga ang lumabas na masama para dito, ha. Ito na nga ang parang lintang sumisipsip ng ma-i-tsi-tsismis nito sa mga kapwa nito tsismosa.

Tama lang naman siguro ang ginawa niya na hindi siya nagkwento dito nang buo. Masyado nang pribadong bagay ang itinatanong nito. Tama na ang sinabi niyang tomboy silang dalawa ni Lauren. Bahala na itong hindi makatulog sa pag-iisip kung may relasyon ba sila ni Lauren o wala.

Ngayon lang niya napatunayan na may mga tao palang tila nasisiyahan kapag nakakaalam ng kung ano sa ibang tao. 'Yong sa tingin nila ay ikakasira ng taong iyon.

Inalis na lang ni Sarah si Aling Erika sa isip niya. Dapat ay good mood siya. Hindi niya hahayaan na tuluyang masira ng isang tsismosa ang buong araw niya. Nagpatugtog na lang siya ng masayang musika nang i-connect niya ang cellphone sa bluetooth speaker. Naligo na siya at nagbihis ng kaniyang uniform sa ospital. Nag-apply ng light make up, nagpabango, inayos ang buhok at lumabas na ng bahay. Siyempre, hindi niya nakalimutan ang payong dahil mainit. Mainam na may proteksiyon siya laban sa sikat ng araw.

Matapos masigurong nakakandado na ang pinto ay binuksan na niya ang payong. Maglalakad na sana siya nang makita niya si Aling Erika na may kausap na tatlo pang mga nanay sa bahay na katapat ng bahay nila. Lahat ay may hawak na walis.

Requirement ba sa isang tsismosa ang walis? Pigil ang pagtawa ni Sarah sa naisip niyang iyon.

Biglang napatingin si Aling Erika sa kaniya. May sinabi ito sa tatlong kausap at tumingin ang lahat sa kaniya. Obviously, siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagawa pang kumaway at ngumiti ng mga ito sa kaniya. Siya naman ay hindi na pinansin ang mga tsismosa. Ang dapat niyang isipin ay ang trabaho niya. Malapit na siyang ma-late kaya inumpisahan na niya ang paglalakad ng mabilis papuntang ospital.

Hindi naman siya nahuli sa pagpasok. Eksakto lang ang pagtime-in niya.

-----ooo-----

“AHHH! Shit! Ang sarap! Putang—Lalabasan na ako! Ahhh!!!”

Nakatulala at walang reaksyon na pinapanood lang ni Flash ang panghahalay ni Boris sa wala nang buhay na katawan ni Kyline. Kahit patay na ito ay nagawa pa rin itong babuyin nina Boris at Jax. Dala na rin siguro ng droga at alak kaya nagawa iyon ng dalawa.

Nauna na kanina si Jax at sumunod na dito si Boris. Nagbihis na ang dalawa sa harapan niya. Panay ang tawa. Masarap pa rin daw si Kyline kahit patay na.

“Ikaw ba, ayaw mo?” tanong ni Jax sa kaniya.

Iling lang ang isinagot ni Flash.

“Kung ganoon, itatapon na natin ito. Wala na naman iyang silbi. Ang sabi ni Arkin ay doon daw sa may gitna ng gubat. Doon sa malalim na sapa. Kumilos na tayo habang gabi pa. Baka may maligaw na tao sa gubat, e,” turan ni Boris.

Kinalagan na nila ang pagkakatali ni Kyline at muling binihisan kahit na sira na ang damit nito. Siya na ang nagprisintang magbuhat dito. Sasama na rin siya kina Jax at Boris sa pagtatapon ng bangkay ng kaniyang nobya at baka kung ano pa ang maisipang gawin ng mga ito sa katawan ni Kyline. Lalo na at kilala niya ang mga ito.

Paglabas niya ng kwarto ay buhat na niya si Kyline. Nakita niya na nakabukas ang pinto ng silid ni Arkin. Nakahiga ito sa kama habang brief lamang ang saplot. Mahina itong humihilik.

Tumiim ang bagang niya. Aaminin niya, takot siya kay Arkin. Hindi lang siya kundi maging sina Jax at Boris. Mas mayaman ng ilang daang beses ang pamilya nito kesa sa kanila. Lahat ay nagagawa nito gamit ang pera kaya mahirap itong banggain. Kaya kung ano ang sabihin nito ay sinusunod na lang nila.

Two GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon