TEN (Final Chapter)

5.7K 209 47
                                    

ISANG simpleng bakasyon lang naman ang ninanais ni Lauren kasama ang minamahal na si Sarah. Isang bakasyon kung saan magiging malaya sila sa mata ng mga mapanghusgang tao. Iyong makapunta sila sa lugar na sila lang. Walang mga bibig na pag-uusapan sila kapag hinalikan nila ang isa’t isa. Walang manlalait kahit ipakita pa nila ang pagmamahal nila. Ang buong akala nila ay nakuha na nila ang inaasam na bakasyon ngunit nagkamali silang dalawa. Ang lugar na inakala nilang ligtas sila ay lugar pala kung saan mararanasan nila ang impyerno.

Hindi inaakala ni Lauren na magagawa niyang pumatay ng tao. Pero lahat ay nagbago nang makita niyang nasasaktan si Sarah. Gagawin na niya ang lahat para lang maipaghiganti ang nangyari sa nobya at sa kaniya. Kahit ang pagpatay ay kayang-kaya niyang gawin!

Habang kaharap niya si Veronica ay nanggagalaiti na siya sa galit. Gusto na niya itong gilitan sa leeg pero kailangan niyang pigilan ang sarili. May kailangan pa siyang malaman sa matanda.

Malinaw na binayaran nina Arkin si Veronica kapalit ng susi sa cabin. Ipinagpalit nito ang buhay nila sa pera. Sabihin nang kailangan nito ng pera pero kung buhay naman ang nakasalalay, hindi tama na gawin nito iyon.

Mabilis na kumilos si Lauren. Sinabunutan niya si Veronica sabay tutok ng kutsilyo sa leeg nito. “Putang ina ka! Binenta mo kami sa mga demonyong 'yon!” gigil niyang turan habang nanlilisik ang mga mata.

Nanginig sa takot si Veronica. “H-hindi ko alam ang sinasabi mo—”

“Magsisinungaling ka pa! E, kanino galing ang pera sa drawer mo?! Hindi ako tanga, Veronica!”

“P-patawarin mo ako! H-hindi ko naman gustong tanggapin ang pera nila pero natatakot din ako na baka pati ako ay patayin nila. Huwag mo akong papatayin, Lauren. M-maawa ka sa akin. Parang awa mo na!” Umiiyak na ito sa takot.

“Bubuhayin kitang matanda ka pero sasagot ka sa tanong ko sa iyo!”

“O-oo! Oo!” Natataranta nitong tugon.

“Nasaan sina Arkin?! Iyong mga demonyong lalaki na pinagbigyan mo ng susi?! Saan sila nakatira dito sa gubat?!”

“H-hindi ko alam—”

“Ah, talaga ba?!” Idiniin niya ng kaunti ang dulo ng kutsilyo sa leeg ni Veronica. Bumaon iyon ng bahagya at may kaunting dugo na lumabas mula sa sugat na nilikha ng kutsilyo sa leeg nito.

Malakas na sumigaw si Veronica. “S-sasabihin ko na! Tama na! Masakit!” iyak nito.

“Nagbago na ang isip ko. Hindi mo na sasabihin. Sasamahan mo na ako!” aniya.


-----ooo-----


ALA-SIETE na ng gabi pero nagda-drive pa rin si Arkin. Kasama niya si Flash na natutulog na. Hindi sila pauwi sa kani-kanilang bahay kundi pabalik sila sa bahay niya na malapit sa gubat. Kailangan niyang bumalik dahil naiwanan niya ang isa pa niyang bag kung saan nakalagay ang mahahalaga niyang gamit. Gaya ng cellphone, ATM cards at credit cards. Hindi pwedeng mawala iyon sa kaniya dahil nasa cellphone niya ang contact niya sa mga pinagbibilhan niya ng droga. Wala rin siyang maipanggagastos kapag wala sa kaniya ang mga cards niya. Balak pa naman niyang magbakasyon ng matagal.

Hindi na niya sana kailangang bumalik kung sinasagot lang nina Jax at Boris ang cellphone ng mga ito. Kanina pa kasi nila tinatawagan ni Flash ang dalawa pero walang sumasagot. Nakatulog na nga lang si Flash kakasubok na tumawag. Imbes na nasa kanila na siya at nagpapahinga ay nagda-drive pa rin siya sa oras na ito.

Makalipas ang ilang oras ay narating na nila ni Flash ang bahay niya sa bungad ng gubat. Hindi na sana niya isasama sa loob si Flash pero nagising ito nang pababa na siya. Nakita niya na naroon pa rin ang sasakyan ni Boris.

Two GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon