THREE

5K 149 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





WALANG nagawa si Flash kundi ang lumabas nang palabasin na sila ni Arkin kahit ayaw niyang iwanan doon mag-isa ang kaniyang nobyang si Kyline. Totoo naman na mahal na mahal niya ang babae. Proud lang siya kaya ipinakilala niya ito sa mga kaibigan. Malay ba niyang matitipuhan pala ito ni Arkin. Kaya walang ibang dapat sisihin sa nangyayari ngayon kundi siya lang. Wala nang iba.

Bakit niya iyon hinayaang mangyari sa babaeng minamahal? Anong klase siyang nobyo? Hindi man lang niya kayang ipagtanggol si Kyline kay Arkin. Para siyang hindi lalaki. Hindi man lang niya nagawang ipagtanggol ang babaeng minamahal. Mas nanaig sa kaniya ang takot kay Arkin. Takot siya sa kaibigan dahil kilala niya ito at ang kaya nitong gawin. Sadista ito at kung ano ang maisipan na gawin ay gagawin. Walang makakapigil dito na kahit na ano o sino!

Ang tanging nagawa na lang ni Flash ay umupo sa tapat ng pinto ng kwarto kung saan naroon sina Arkin at Kyline. Nakayuko siya at nangingilid ang luha. Tila mga kutsilyong isa-isang bumabaon sa dibdib niya ang bawat kalunos-lunos na palahaw ni Kyline. Gusto niyang takpan ang tenga at lumayo para hindi na mapakinggang ang paghihirap ng nobya pero ayaw din niyang umalis. Gusto niyang makasiguro na hindi ito papatayin ni Arkin.

“Hoy!” Napaangat ang ulo ni Flash nang marinig ang boses ni Jax. Nasa harapan niya ito at may inaabot na bote ng beer. Umuusok pa ang butas ng bote. Malamig na malamig.

Umiling siya. “A-ayoko…”

“Umalis ka nga diyan. Kami pa ang susunod kay Arkin pagkatapos niya.”

“H-hindi pwede. Tama na si Arkin. Maawa naman kayo kay Kyline. Girlfriend ko siya.”

“Gago ka ba? Bri-neak ka na niya kanina, 'di ba? Hindi mo na iyan syota! Kami muna. Panigurado naman na naka-sex mo na iyon.” Muli nitong inabot ang beer. “Kunin mo na ito. Umalis ka na diyan at baka mas maasar lalo si Arkin sa iyo paglabas niya ay maabutan ka niya diyan. Ikaw din!” Natahimik na lang si Flash.

“Kilala mo si Arkin. Alam mo ang mangyayari kapag nabwisit siya sa iyo.” Ngingisi-ngising patuloy pa nito.

Naisip niya na may punto ang sinabi ni Jax. Kaya tumayo na siya at inabot ang inaalok nitong alak. Inakbayan siya nito. Bagsak ang balikat na bumaba sila ng hagdan. Sinamahan nila si Boris sa salas. Patay na ang telebisyon. Walang ibang ingay na maririnig kundi ang iyak ni Kyline at ungol ni Arkin.

Kung kaya lang sana niya, kanina pa niya pinasok si Arkin sa kwarto at binugbog. Ngayon na nga lang siya ulit nagseryoso sa isang babae tapos ganito pa ang mangyayari. Mapaglaro kasi siya pagdating sa babae. Sex lang ang habol niya. Pero nag-iba nang makilala niya si Kyline. Hindi ito mayaman na katulad niya pero minahal niya ito. Bukod sa maganda ay responsable ang babae. Nagmo-modelo ito sa maliliit na fashion show at print ads para makatulong sa pamilya at mapag-aral ang sarili.

Hindi namalayan ni Flash na naubos na pala niya ang laman ng bote ng beer.

Tinapik siya sa balikat ni Boris. “Gusto mo?” Inaabot nito sa kaniya ang binilot na foil.

Two GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon