“PUTANG ina ka!” Malutong na mura ni Arkin sabay sampal sa babaeng nasa ibabaw ng kama. Sa lakas ng sampal niya ay tuluyan itong napahiga at hindi nakagalaw. Umikot ang mata niya sa kabuuan ng kwarto. May nakita siyang dalawang shoulder bag. Kinuha niya ang isa at may nakitang ID. Pagmamay-ari iyon no’ng tumalon sa bintana. Nalaman niya na Sarah pala ang pangalan niyon. Ang laman ng isa pang bag ang hinalughog niya. May ID din na pagmamay-ari naman ng babaeng kasama niya sa silid. Si Lauren pala ito.
Tumango-tango siya. “Sarah at Lauren pala, ha. Mag-ano ba kayo? Mag-syota? Pero parehas naman kayong babae…” Tumanghod siya kay Lauren na bagaman nakabukas ang mata ay nanghihina na.
“D-demonyo ka!” At talagang kahit nanghihina na ito ay talagang sumasagot pa. Dinuraan siya nito sa mukha. Sapol siya sa kaliwang pisngi.
Tinawanan lang niya si Lauren sabay punas ng laway nito gamit ang palad. “Compliment ba 'yan? Yes, I know. Demonyo ako!” Isang suntok ang pinatama niya sa mukha nito. Dumugo ang ilong ni Lauren.
Maya maya ay dumating na sina Flash, Jax at Boris. Malakas na nagtatawanan ang tatlo habang bitbit ang isang babae na walang malay. Kapansin-pansin na bali ang isang paa nito at puro gasgas sa iba’t ibang parte ng katawan. Ikaw ba naman ang tumalon sa mataas kung hindi ganoon din ang mangyayari sa iyo.
“S-sarah…” gulat na sabi ni Lauren.
“O, ano? Anong akala mo? Makakatakas kayo sa amin? Wala pang nakakaligtas sa amin. Alam mo ba iyon?” Nakakalokong sabi niya sa babae. Inutusan niyang itali sa isang upuan si Sarah habang si Lauren naman ay pinahawakan niya kina Jax at Boris.
Hindi na ito pumalag nang gahasain niya. Baka naisip na rin nito na wala na rin naman itong laban sa kanilang apat.
-----ooo-----
PAKIRAMDAM ni Lauren ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa nang makita niyang bitbit ng tatlong lalaki si Sarah. Sugatan, walang malay at bali pa ang isang paa. Ang buong akala niya ay nakatakas ito, hindi pala. Nahuli pa rin pala ito ng mga hayop na iyon!
Pinanghinaan na siya nang husto sa nakita. Itinali ng mga ito si Sarah sa upuan kahit walang malay. Habang siya naman ay tuluyan nang ginahasa ni Arkin habang hawak pa siya ng dalawang lalaki. Nagpaubaya siya hindi dahil gusto niya kundi naubusan na talaga siya ng lakas. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang umiyak ng tahimik habang inaangkin siya. Inakala niya na pagkatapos ni Arkin ay tapos na ang lahat. Hindi pa pala dahil sumunod iyong ang pangalan ay Jax. Hindi pa man nakakapagpahinga ay ginamit na agad siya nito. Sumunod naman ay si Boris at ang huli ay si Flash. Nalaman niya ang mga pangalan ng mga lalaki kapag nag-uusap-usap ang apat.
Nang makaraos na ang apat ay lumabas na ang mga ito ng kwarto. Mukhang umalis na ang mga ito.
Ang dumi-dumi niya. Iyon ang nararamdaman ni Lauren. Masakit ang pagkababae niya at ibang parte ng katawan. Pero hindi iyon naging hadlang para bumaba siya ng kama at lapitan si Sarah na wala pa ring malay na nakaupo at nakatali. Nakayukyok ang ulo nito.
Inalis niya ang pagkakatali nito at maingat na inihiga sa sahig. “Love, gising ka na. Wala na sila. Aalis na tayo dito…” Mahigpit niyang hinawakan ang isang kamay nito at hinagkan iyon. Sana lang ay walang masamang nangyari sa kaniyang nobya.
Ganoon na lang ang saya niya nang marahang bumukas ang mata ni Sarah at ngumiti nang makita siya. “L-love?” Iyon agad ang sinabi nito.
“Salamat sa Diyos at gising ka na! S-sandali lang, ha? Huwag ka munang gagalaw.” Kumuha siya ng malinis na damit at binihisan si Sarah. Inuna niya muna ito bago siya naman ang nagpalit ng damit.
BINABASA MO ANG
Two Girls
Mystery / ThrillerMagkasintahan sina Lauren at Sarah. Hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang pagkakaparehas nila ng kasarian. Isang lugar na malayo sa panghuhusga ng tao ang kanilang pinuntahan. Ngunit paano kung ang inakala nilang tahimik na bakasyon ay m...