NINE

4.2K 151 22
                                    

PUPUNGAS-PUNGAS si Jax nang bumalik ang kaniyang malay-tao. May tumining na sakit sa kaniyang ulo. Napapikit siya at hinintay na mawala ang kirot. Naalala niya na hinampas nga pala siya ng tubo doon no’ng babae na si Lauren. Ang buong akala nila ay patay na ito pero nagkamali sila. Buhay na buhay ang naturang babae.

Iminulat niya na ang mga mata. Nasa mini pool pa rin sila ni Boris. Magkatabi sila nito at nakasandal sila sa gilid. Wala pa rin itong malay at may malaking sugat sa ulo. Nagulantang siya nang makitang may nakatali na kadena sa kanilang mga paa. May malaking padlock pa iyon. Pati ang mga kamay nila ay nakatali din gamit ang kadena! At mukhang hindi sila papaalisin ng gumawa niyon sa kanila dahil nakakabit ang dulo ng kadena nila sa malaking bato na nasa gitna ng mini pool.

“Hoooy!!!” Malakas na sigaw niya. “Pakawalan mo kami!!! Putang ina ka!”

Sino pa ba ang gagawa nito sa kanila ni Boris? Walang iba kundi si Lauren.

Maya maya ay nakarinig siya ng yabag ng paa. Nakita niya si Lauren na paakyat sa hagdan. Walang ekspresiyon ang mukha nito. “Mabuti naman at nagising na kayo. Ah, ikaw pa lang pala. Baka naman patay na 'yang boyfriend mo kaya hindi pa rin nagigising!” Nakakaasar na ngumisi ito. Dala pa rin nito ang tubo na pinanghampas sa kanila kanina.

“Hindi ko siya boyfriend! Pakawalan mo ako ditong bruha kaaa!!!”

“Sandali nga…” Nilapitan nito si Boris. Sinabunutan ang buhok at inilublob ang mukha sa tubig. Sa ginawa ni Lauren ay biglang nagising si Boris. Habol nito ang paghinga at gulat na gulat. “'Ayan, gising na kayong dalawa! Ang tagal ng tulog ninyo. Malapit na tuloy dumilim.”

Papalubog na ang araw pero may kaunti pang liwanag. Kinakabahan si Jax sa gagawin ni Lauren sa kanila ni Boris. Alam niya na gaganti ito sa ginawa nila dito at sa nobya nitong si Sarah. Sa poot na nakikita niya sa mukha ng babae ay mukhang hindi sila nito bubuhayin.

“Anong gagawin mo sa amin? Bakit mo kami kinadena?!” takot na tanong ni Boris.

Malakas na tumawa si Lauren. “Tanga ka ba? Hindi mo pa rin ba alam ang gagawin ko sa inyong dalawa? Papatayin ko kayo. Uunahin ko kayong dalawa at isusunod ko naman iyong dalawang demonyo na kasama ninyo! Nasaan na nga pala sila?”

“P-parang awa mo na. M-mayaman kami. M-magkano ba ang kailangan mo? Sabihin mo! Ibibigay namin! Huwag mo lang kaming patayin!”

“Sa tingin mo ba ay makakalimutan namin ang lahat kapag binigyan niyo kami ng pera?! Hindi!” Parang nabuksang gripo na tumulo ang luha nito. Walang tigil. Pero kahit umiiyak pa ito ay hindi pa rin nawawala ang walang hanggang galit sa mata nito. “Habangbuhay na nakatatak sa alaala namin ni Sarah ang pambabababoy ninyo sa amin! At ngayon, alam ko na kung bakit ang lakas ng loob ninyong gumawa ng masama. Dahil mapera kayo! Siguro, lahat ng masamang ginagawa ninyo ay nabubura dahil sa pera. Tama ba ako? Pwes, iba sa pagkakataon na ito. Sisingilin ko na kayo sa lahat ng kahayupan at kademonyuhan na ginawa ninyo!” Matapos magsalita ni Lauren ay pinalis nito ang luha gamit ang mga kamay. Tumalikod ito at naglakad palayo sa kanila.

“Hoy! Saan ka pupunta?! Anong gagawin mo sa amin?!” takot na sigaw ni Jax.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Lauren hanggang sa pumasok na ito sa loob ng cabin.

“B-bro, mamamatay na ba tayo?” Umiiyak na tanong ni Boris sa kaniya.

“Putang ina ka! Kung iniisip mong mamamatay tayo, ikaw na lang! At huwag ka ngang umiyak diyan. Para kang bakla!”

“B-bakla naman tayo, 'di ba?”

“Ikaw lang! Ulol!”

Mataman na nag-isip si Jax. Hindi pwedeng wala siyang gawin. Kailangan niyang kumilos para makawala sa mga kadena. At kapag nangyari iyon, ipapatikim niya kay Lauren ang impyernong dapat ay kinaroroonan na nito ngayon!


Two GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon