“LOVE, please… Please…”
Tiningnan ni Lauren si Sarah na tila nag-iisap. Tinagalan niya ang pagsagot para asarin ito. Mahina kasi ang patience ni Sarah at gusto niya ang reaksyon ng mukha nito kapag naiinis. Sisimangot ito at hindi na magsasalita. Tatahimik na lang ito na para bang batang paslit na hindi napagbigyan na ibili ng gustong laruan.
“Okay. Kung ayaw mo doon, fine!” Nakasimangot na nga si Sarah at nakahalukipkip pa.
“Oo na! Sige na, payag na ako!” Natatawa niyang turan.
Lumiwanag ang mukha ni Sarah. “Really?! Payag ka na?”
“Oo nga. Paulit-ulit lang? Kung doon gusto ng love ko, edi, doon.”
Sa sobrang saya ni Sarah ay napatayo ito at mahigpit siyang niyakap. Paulit-ulit itong nagpasalamat. Masaya na rin naman siya dahil masaya ito kahit na hindi niya masyadong trip ang gubat. Mas gusto niya sana ay sa beach. Iyong may dagat tapos makakapaglangoy sila, makakapag-relax sa tabing-dagat at kung anu-ano pang beach activities. Pero dahil sa gusto niyang bumawi kay Sarah ay pumayag na lang siya sa gusto nitong puntahan na lugar.
Matagal din bago kumalma si Sarah dahil sa tuwa. Pagkatapos nilang uminom ng tea ay naglinis na sila ng katawan at pumanhik sa itaas para matulog na. Magkatabi silang humiga sa kama habang nakatingin sa kisame.
“Kumusta pala ang buong araw mo, love?” tanong niya sa kasintahan. Nakasanayan na kasi nila na bago matulog ay kinukumusta nila ang isa’t isa dahil hindi nila nakasama ang isa’t isa ng maghapon. Talagang hindi pwedeng mag-usap sila kahit sandali bago ipikit ang mata sa gabi.
Bumuntung-hininga si Sarah. “Toxic. Sobra. Nalipat na ako sa ward, e. Pero nawawala naman kahit papaano ang pagod kapag nakikita ko na masaya ang mga pasyente sa serbisyo ko sa kanila. Saka iyong mga smile nila sa akin… Nakakawala ng stress! Ikaw ba, love?”
“Ayos naman. Walang bago. Oo nga pala, love. Bakit mo ba gustong magbakasyon tayo doon sa gubat? Remember, one week tayo doon, ha. Wala tayong ibang makikita kundi mga puno at iba’t ibang halaman.”
“Maiba naman, love. Saka may falls daw doon. Saka para tayong dalawa lang talaga. Walang istorbo. Hindi tayo maiilang kahit maglambingan tayo!” Mahinang humagikhik si Sarah.
Sinundot niya ito sa tagiliran. “Ikaw, ha! Gusto mo lang talaga akong iskoran kaya gusto mo akong masolo!” biro niya. “Seryoso na ulit. Baka naman delikado doon.”
“Love, lahat naman ng lugar ay delikado. Lahat ay pwedeng mangyaring aksidente at hindi natin iyon kontrolado. Ang tanging magagawa na lang natin ay mag-ingat. Bakit, love? May ibang lugar ka bang gustong puntahan?”
“Hmm. Gusto ko sana ay dagat.”
“Edi, kahit three days tayo doon sa gubat tapos three days sa dagat. Marami namang magagandang beach sa Quezon Province, 'di ba? Pwede tayo sa Borawan. Okay daw doon, e. Nababasa ko sa Facebook at sa mga blogs. Then, 'yong isang araw na natitira ay ipahinga na lang natin dito sa bahay. Ano sa tingin mo?”
“Good idea 'yan! Sige, ganiyan na nga lang, love. Atleast, magagawa natin iyong gusto mo at gusto ko. Salamat, love!” Kinabig ni Lauren si Sarah at hinalikan sa noo.
“Ganoon naman talaga dapat, 'di ba? Bigayan lang. I love you, love. Matulog na tayo? Anong oras na rin, e…”
“Good night, love. I love you more!”
-----ooo-----
KINABUKASAN, pagkauwi ni Sarah mula sa trabaho ay tinawagan na niya iyong may-ari ng cabin na pupuntahan nila ni Lauren. Sinabi na niya ang araw kung kailan sila pupunta at kung hanggang kailan sila mananatili. Nag-transfer na rin siya ng kalahati ng bayad at iyong kalahati ay ibibigay nila sa mismong may-ari kapag nagkita sila doon. Sinabi na rin nila ang mga kailanga nila at mga pagkain na gustong ipabili para mabili na iyon ng may-ari.
BINABASA MO ANG
Two Girls
Mystery / ThrillerMagkasintahan sina Lauren at Sarah. Hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang pagkakaparehas nila ng kasarian. Isang lugar na malayo sa panghuhusga ng tao ang kanilang pinuntahan. Ngunit paano kung ang inakala nilang tahimik na bakasyon ay m...