.Cookie and Dimple.

2 1 1
                                    

(Amira POV)

Ano to? Bakit? May pagkukulang ba ako? Binigay ko naman sayo ang lahat, pati pamilya ko tinalikuran ko para lamang sayo tapos iiwanan mo na lang ako ng parang walang nangyari.
Humahagulgol kong sabi.

Hindi mo kasalanan, mahal kita pero napamahal ako sa kanya. You always act like my mother, pakiramdam ko tuloy wala akong asawa at ang nanay ko ang kasama ko.
Binitawan niya ang kamay ko at kinuha ang kanyang maleta.

Huminto siya sa may pinto at sinabing.

Patawarin mo sana ako, minahal kita ng tapat pero hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang asawa na hinahanap ko. Siguro hindi ako ang binigay ng dyos para sayo, sana makahanap ka ng lalaking hindi ka iiwan katulad ko. Maging masaya sana tayo sa ating buhay. Paalam at salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo sa akin.

Binuksan niya ang pinto at tuluyan ng lumisan. Bumagsak ako sa aking tuhod at walang nagawa kundi ang umiyak.













AND CUT! Sigaw ng direktor/classmate ko.

Thank you Amira and Liam! Magiging successful ang event natin for School Festival this year! I can feel it, VICTORY! Excited nitong sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin at ininom ang inabot na tubig sa akin ng isa ko pang kaklase.

Nice acting Amira. Papuri naman ni Liam ang co-actor ko.

Ikaw din, mauna na pala ako may gagawin pa ako. Pakibilin na lang ako kay Cheska alam kong hindi na naman ako maririnig ng babaeng yan lalo ng nagmomoment pa siya. Pagpapaalam at paghingi ko ng pabor.

Sige ako ng bahala, mag-ingat ka.

Umalis na ako ng set at dumiretso sa gate. Tumayo lang ako doon at naghintay.

Darating kaya siya?

Napabuntong-hininga na lamang ako at naghintay.

Cookie!

Agad akong napalingon at napangiti ng makita ko ang Dimple ng buhay ko.

Sorry kung na-late ako, kanina ka pa ba? Hingal na hingal niyang sabi.

Oo, bakit ngayon ka lang? Akala ko hindi ka na darating. Nakasimangot kung sabi.

Oh huwag ng magtampo heto binilhan kita ng paborito mong cookies. Tara na? Nakangiting sabi niya.

Dadaanin mo na naman ako sa pagpapacute mo at sa cookies na dala mo. Tara na nga, nakakinis ka. Sabi ko habang nakatingin sa baba.

Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

Umiiwas pa rin ako ng tingin sa kanya, napansin niya ito at napangiti.
Pagkasuot ko ng seatbelt, iniangat niya ang mukha ko hanggang sa magkatitigan kami.

Pakiramdam ko naging slowmo ang lahat na nasa paligid namin. Napapikit ako ng mata at hinintay ang inaasam kong halik pero biglang may narinig akong click.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita siyang natatawa. Inayos lang niya pala yung seatbelt ko.

Namula ang mukha ko at pinagsasapak siya.

I hate you! Napakasama mo! Sigaw ko.

Hahaha sorry na. Hindi na mauulit hahaha, sorry.

Nasalo niya ang braso ko at niyakap ako bago ako halikan.

Sorry na? Pagpapacute nito.

May choice pa ba ako? Alis na nga tayo iniinis mo lang ako.

8 YearsWhere stories live. Discover now