.Best and Worst Day.

0 0 0
                                    

Ano kaya ang sasabihin ng dimple ko ngayong gabi. Hindi na ako makapaghintay.

Naglalakad-lakad ako sa hotel ng mag-isa dahil sabi ng dimple ko may aayusin pa siya at pupuntahan na lang niya ako sa room namin ng 8:30.

Napahinto ako at biglang napangiti, sa tingin ko kasi alam ko kung ano yun. Ayokong mag-assume pero sa mga oras na ganito I love assuming things.

Mukhang ang saya mo ngayon, may nangyari bang maganda? Tugon ng isang lalaki.

Bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina sa restaurant, lumingon ako sa kaliwa at nakita ang lalaki kanina na nakasandal at nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Binilisan ko ang paglakad pero naabutan niya kaagad ako at hinawakan ang braso ko.

Let me go! How dare you! Sigaw ko.

Don't be like that I just want to talk. Sabi ng lalaki.

Sorry sir pero busy ako at pwede ba!? Hindi kita kilala kaya please lang bitawan mo na ako kung ayaw mong ipadimanda kita! Sigaw ko pero may halong takot dahil sa higpit na pagkakakapit nito.

Sorry din miss pero napag-utusan lang ako. Sabi ng lalaki bago niya tinakpan ang bibig at ilong ko ng panyo.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, bigla na lang akong nanghina at nawalan ng malay.




(Meanwhile)
     (Giovanni POV)

Ready na ba ang lahat?

Oo tol, nakaayos na ang lahat. Pero are you sure tol na papakasalan mo si Amira? Alam mo tol na kapag nagpakasal na kayo wala ng bawian. Sabi ng kaibigan ko si Miko.

Oo tol, nararamdaman ko na tol eh. Siya talaga ang babae na panghabang-buhay ko, siya ang babaeng gusto kong makasama sa pagtanda. Sabi ko naman.

Napakaromantiko mo talaga tol kaya siguro maraming humahabol sayo pero stick to one ka eh. Tugon nito ulit.

Totoo yan, kung hindi lang talaga naging sila ng best friend ko baka isa ako sa mga humahabol sa kanya. Sabi naman ni Daryl, best friend ni Amira.

Hindi naman kita papatulan kahit na hindi naging kami ni Amira hahahaha. Pang-aasar ko.

Tumawa si Miko at si Paul (boyfriend ng ate ko). Umalis naman si Daryl na may inis sa kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ang paligid at nilabas ang box sa bulsa ko. Bigla akong napangiti ng maisip ko na ang babaeng mahal ko ang makakasama ko sa pagtanda.

Iho pwede ba tayong mag-usap? Sabi ng dad ni Amira.

Ano po yun sir?

Huwag mo na akong tawaging sir, dad na lang. Sabi nito.

Ano yun? Dad. Nahihiya kong tugon.

Hahaha, hayaan mo at masasanay ka rin. Gusto ko lang sabihin sayo na pinapayagan kitang pakasalan ang anak ko para mahalin ito ng totoo at hindi siya iiwan. Nag-iisa yan sa buhay ko, sana'y maintindihan mo na nag-aalala lang ako. Tatay niya ako kaya sa oras na malaman kong pinaiyak mo siya gusto kong magdivorce na agad kayo, wala ng dahidahilan. Seryoso nitong sabi.

Don't worry dad hinding-hindi ko po siya paiiyakin at iiwan. Mamahalin ko po siya ng lubos at totoo. Makakaasa po kayo sa akin. Sabi ko naman.

Niyakap ako nito bago umalis. Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras.

Tol alis na ako, mag-aayos lang ako at malapit ng mag-alas otso. Sabi ko.

8 YearsWhere stories live. Discover now