Natatakot na ako at nanginginig dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Amira okay ka lang? Sabi ng isang pamilyar na boses.
Agad akong lumingon at nakita si Yvan na may nag-aalalang mukha.
Agad akong napayakap sa kanya.
Thank goodness. I blurted.
Ayos ka lang ba? Nag-away ba kayo ni Gio? Tanong nito.
Hindi, ayos lang kami. Tinakot mo kasi ako. Ikaw anong ginagawa mo dito? Tanong ko naman.
Ahh, dito kami nag-stay ni Liam, Hans at Wally. Since ikakasal na kayo ni Gio, napag-isipan naming mag hang out at pinapagaan lang namin ang loob ni Wally dahil kakahiwalay lang nila ni Diana. Pagpapaliwanag nito.
Why? Ang sweet naman nila ah at wala akong matandaan na nag-away sila. Pagtataka ko.
Hmm, nalaman kasi ni Diana yung tungkol sa one night stand ni Wally. Pinaliwanag naman namin na aksidente lang naman ang nangyari pero hindi pa rin siya naniwala, sabi niya boys are boys hindi ko nga maintindihan. Sabi nito sabay kamot sa ulo.
Dahil siguro kadalasan kayo ang nanloloko even though may mga babae ding manloloko. Hindi niyo rin naman kami masisisi dahil marami na kaming nasaksihan na ganyan, sabi nga nila man are loyal but not faithful. Sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko at napasandal sa katabing kotse.
Alright hindi ko naman maipagkakaila yun, by the way nasaan si Gio? Akala ko ba kayong dalawa ang pinapapunta ni tita sa bahay. Pagtatanong nito.
Nasa kwarto pa siya nag-aayos, paano mo nalaman na pinapapunta kami sa bahay nila. Pagtataka ko.
Nakalimutan mo atang pinsan ako ng papakasalan mo, pinapapunta din ako sa bahay kasama si Yasmine (a.k.a naka one night stand ni Gio/ ex bestfriend namin ni Daryl). Pagpapaliwanag niya.
Agad akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ng mamention niya ang pangalan na Yasmine. Dahil sa kanya muntik na kami maghiwalay ni Gio.
Hey don't worry, ikaw ang papakasalan ni Gio at hindi siya. Sabi nito.
Pero siya ang gusto ng dad ni Gio para sa kanya since magkapartner sa business ang pamilya nila sa business nina Gio. I said.
Ano ka ba, sa tingin mo ba papayag si Gio? Mas sinusunod ka pa nga niya kaysa sa mama niya. Pagbibiro niya.
Tama naman siya dun, naalala ko tuloy nung araw na may date dapat sila ng mama niya pero dahil nag-emote ako sa kanya napostpone and date nila.
Napapasarap na ang usapan namin ni Yvan at hindi matapos tapos.
Amira! Nasaan ka! Amira! Paulit ulit na sigaw ng isang lalaki.
Napalingon kami ni Yvan sa pinanggagalingan ng boses, nakita namin si Gio na sumisigaw at alalang alala.
Dimple! Nandito ako! Sabi ko as I wave my hand.
Nang lumingon siya sa direksyon ko, kitang napanatag ang kalooban niya. Nagmadali siyang tumakbo papalapit sa amin at niyakap ako.
Sabi ko hintayin mo ko, bakit ka umalis? Sabi nito.
Naiinip na kasi ako at walang mapanood na maganda pero wala namang nagyari. I said just to make sure na hindi na siya mag-alala.
Ahem. Pag-iinterupt ni Yvan.
Bumitaw ako sa pagkakayap kay Gio.
Dimple nandito pala si Yvan. I said
YOU ARE READING
8 Years
Teen FictionAfter 8 years nagkita ulit tayo pero hindi na tulad ng dati, mahal kita pero mahal mo ba ako? -Giovanni After 8 years hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot nang makita kita, mahal pa rin kita pero tanggap mo pa rin ba ako? -Amira Dalawan...