Nakaupo ako ngayon sa harap ng soon to be my father at mother in law ko. Kinakabahan talaga ako dahil ngayon ko lang ulit nakita ang papa ni dimple since lagi itong busy sa trabaho.
Nakaupo lang ako, not daring to talk baka kasi maipahiya ko lang ang sarili ko. Tahimik lang hanggang sa dumating na si Yvan at Yasmine.
Tito tita. Kamusta na po kayo? Sabi nito sabay lapit at nagmano sa kanila.
Kaawaan ka ng diyos, maupo ka. Sabi ng papa ni dimple.
Hinigpitan ni dimple ang pagkakahawak bg kamay niya sa kamay ko.
Hi Gio~ Seductive nitong sabi.
Tumabi siya sa tabi ng papa ni dimple at tumabi naman si Yvan kay dimple.
Ngayong nandito na rin tayong lahat, didiretsuhin ko na at hindi na magpapaligoy ligoy pa. Gio I don't want you to marry this girl, marry Yasmine. Diin ng papa ni dimple.
Agad na napatayo si dimple at nakatingin sa papa niya na hindi makapaniwala.
Seryoso dad? Kahit anong gawin mo papakasalan ko si Amira at wala akong pakialam kung hindi mo ako susuportahan at itatakwil mo ako sa pamilyang ito! Galit na galit nitong sabi.
You have no choice sweety. Sabi naman ng mama niya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha nito.
Mom? Akala ko ba kakampi kita!? Bakit pati ikaw? Gigil nitong sabi.
Dahil buntis ako! Sigaw ni Yasmine.
Nanlaki ang mata ko at tila bang tinamaan ako ng kidlat sa mga narinig ko.
What!?
Totoo ang sinabi niya anak, naipa-dna test na namin siya ng mama mo at positive na anak mo ang dinadala ni Yasmine. Pinapunta ko dito si Amira para malaman niya agad at hindi siya pagmukhaing masama. Pagpapaliwanag ng papa niya.
Hindi pa rin ako naniniwala, wala akong pake. Si Amira pa rin ang papakasalan ko at hindi ang bitch na yan. Diin nitong tugon.
Nananahimik lang ako at hindi na nakisali sa pagtatalo nila pero mas sumasakit para sa akin ang mga naririnig ko.
Gusto ko na itong matigil.
Sinenyasan ko si Yvan na ihatid ako at sabay kaming umalis sa kwartong iyon.
Yvan please iuwi mo na ako. Pagmamakaawa ko.
Hindi ko na kayang makinig dahil mas lalo akong nasasaktan.
Sigurado ka ba? Paninigurado nito.
Tumango ako at dumiretso na ng garahe pero bago pa kami makaalis naabutan na kami ni dimple.
Saan ka pupunta? Sabi nito.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
Uuwi, pagod na kasi ako napag-isipan kong sa bahay na magpahinga. Pagdadahilan ko.
Ginagago mo ba ako? Sa tingin mo ba hindi ko alam yang binabalak mo!? Gigil nitong tanong.
Lumapit siya sa akin at hinigpitan ang kapit sa mga balikat ko.
Nasasaktan na ako. Sagot ko.
Kaya mo ako iiwan dahil lang doon!? Hindi ko nga alam kung totoo ba ang sinasabi nila, papakawalan mo kaagad ako!? Katulad ka rin nila eh, iiwan ako kapag nagsawa na at hindi na ako mahal. Tinanggap naman kita ah kahit na may nakagamit na sayo. Tuloy tuloy niyang pang-iinsulto.
Hindi ko napigilang sampalin siya ng marinig kong sinabi niyang may nakagamit na sayo, masakit sa akin yun bilang babae kaya napasagot ako.
Akala mo ba madali sa aking iwan ka!? Oo iiwan kita hindi dahil sa nagsawa na ako o hindi kita mahal, iiwan kita dahil mahal kita. Ayaw kong may taong nagagalit sayo lalong lalo na ang papa mo. Masaya nga ako dahil meron akong ikaw na nagmamahal sa akin pero para sabihin mong tanggap mo ako kahit na may bumaboy sa akin nakakainsulto na. Bakit nung nakipag sex ka rin sa babaeng yun, tinanggap din naman kita ah! Bakit mo kailangang pagmukhaing ako ang may kasalanan ng lahat!? Kung ganito rin lang mas mabuti pang maghiwalay na tayo at ipatigil na natin ang kasal habang maaga pa.
Hinubad ko ang singsing at ibinigay sa kanya at tumalikod.
Mahal kita sana tandaan mo yan kahit hindi ako ang makakasama mo sa pagtanda, masaya ako dahil pinaranas mo sa akin na may taong nagmahal at nagpahalaga sa akin. Paalam.
Bago ako sumakay ng kotse at umalis. Patuloy lang na lumabas ang mga luha ko at tuluyan ko ng iniwan ang mahal ko na nakatayo at hindi makaimik at may luha sa mata.
(Giovanni's mother POV)
naiwan kami ng asawa ko at impaktang ito sa sala. Galit na galit ako sa sarili ko dahil alam kong mali itong ginagawa ko.
Hindi ko naman apo ang dinadala ng babaeng to pero dahil isa sila sa pinakamayamang tao sa mundo gusto ng asawa ko na ipakasal siya sa nag-iisa kong anak.
Siguro iiwan na ni Amira si Giovanni. Sabi ng babae.
Buti kung ganon pero naaawa ako sa batang iyon, mabait at mahinhin siya. Sabi ng asawa ko.
Don't worry tito, mamahalin ko ng totoo ang anak ninyo at sisiguraduhin kong maipagsasama ang kompanya namin at kompanya ninyo. Nakangiting sabi ng babae.
Ngumiti na lamang ang asawa ko at hindi mapigilang magalit. Tumayo ako at hinanap ang anak ko.
Pumunta ako ng garahe at nakita ang anak ko na nakatayo lamang.
Anak? Ayos ka lang ba? Mahinahon kong tanong.
Iniwan na niya ako ma. Mahina nitong sabi.
Bigla kong pinagsisihan ang pagsisinungaling ko at niyakap siya.
Bumagsak siya sa tuhod niya at patuloy ang pag-iyak niya.
Hindi ko sinasadya ma, ayaw kong saktan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal ko talaga siya ma. Mahal na mahal. Tugon nito habang umiiyak.
Okay lang yan anak, tao din tayo. May mga pagkakataong nagkakamali pero kung itinadhana talaga kayo sa isa't-isa, magkakatuluyan kayo sa bandang huli. Pagpapaginhawa ko sa nararamdaman niya.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at hindi ko rin mapigilang umiyak.
Nakita kami ng asawa ko at pinanood na lamang kaming umiyak.
Tapos na ba kayong umiyak? Pag-usapan na natin ang kasal niyo ni Yasmine. Blanko niyang sabi.
Masaya ka na? Masaya ka ng makita ang anak mong nagdurusa!? Galit kong sabi.
Binitawan ko sa pagkakayakap ang anak ko at hinarap ang asawa ko.
Nakakatuwa bang makita ang anak mong umiyak!? Mas pipiliin mo pa rin ba ang pera kaysa sa kaligayahan ng anak mo!? Nung nambabae ka tiniis ko yun dahil mahal kita at ayaw kong masira ang pamilya natin. Kaya kong tiisin ang lahat para sa pamilyang to pero ang makitang umiyak ang anak ko. Para lang sa putang inang perang yan! Kayang kaya kitang iwan, kaya ilabas mo ang malanding babaeng yan at ayaw ko na siya makita sa pamamahay ko, kung ayaw mong palayasin kita! Diin kong sabi.
Tinawag ko ang butler ng bahay at inutusang dalhin ang anak ko sa kwarto niya.
Bago ako umalis hinarap ko ang babaeng sumira sa buhay ng anak ko at sinabing.
Walang kasalang magaganap at ikaw wag na wag kang magpapakita sa akin at lalong lalo na sa anak ko!
She scoff at tinaasan lang ako ng kilay, doon na naubos ang pasensya ko at tuluyan na siyang sinampal.
You little bitch, can't even show respect to someone older. Pinangarap mo pang pakasalan ang anak ko? In your fat dream, hinding hindi siya mapapasayo. Tugon ko bago umalis at puntahan ang nagdurusa kong anak.
YOU ARE READING
8 Years
Teen FictionAfter 8 years nagkita ulit tayo pero hindi na tulad ng dati, mahal kita pero mahal mo ba ako? -Giovanni After 8 years hindi ko alam kung masaya ba ako o malungkot nang makita kita, mahal pa rin kita pero tanggap mo pa rin ba ako? -Amira Dalawan...