.8 Years.

0 0 0
                                    

    (Giovanni's POV)

Nagmadali akong tumakbo at sumakay ng taxi. Hindi ko kayang mawala siya. Masyadong masakit.

Tinignan ko ulit ang relo ko, (3:55 a.m.)

Manong malayo pa po ba tayo?? Tanong ko.

Malapit na po sir wait lang po. Sabi ng driver.

Shit I only have 35 minutes sana maabutan ko pa siya sa bahay nila.

(4:08) Huminto ang taxi at natanaw ko ang mansyon ng cookie ko.

Manong pahintay na lang po ako.

Tumango naman ito at nagmadali akong tumakbo sa pinto ng bahay nila. Kumatok ako ng kumatok hanggang sa pagbuksan ako ng yaya nila.

Kayo po pala sir, sayang po hindi niyo naabutan sina mam at sir. Sabi agad ng yaya.

Alam niyo po ba kung saan sila pumunta? Pagmamadali kong tanong.

Sa pagkakaalam ko sa Tnoy Private Airport po ang punta nila. Napaaga daw po ang flight nila eh 4:20.

Tumakbo ako agad sa taxi at sumakay.

Manong sa Tnoy Private Airport po, please lang pakibilis po ng pagmamaneho.

Binilisan naman ng driver ang pagmamaneho.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko. Hindi pa ako handang pakawalan siya at kahit kailan hindi ako magiging handa.

(4:16) Nakarating na kami at paspasan ang pagtakbo ko papunta sa boarding pass. I only have 4 minutes.

Pumunta ako sa boarding pass papuntang Germany pero agad akong napahinto nang makita ko ang eroplanong papuntang Germany ay lumipad na.

Agad akong bumagsak sa tuhod ko at umiyak ng umiyak. Wala na akong pake kung nakakahiya ang ginawa ko.

Hindi ko maimagine na mabuhay na wala siya.

Ikaw ba yan Gio iho? Boses ng isang matandang lalaki.

Napalingon ako sa likod at nakita ang papa ni Amira.

Tito, humihingi po ako ng tawad. Hindi ko po ginusto ang mga nangyari. Pangako po hindi ko siya sasaktan sa muli naming pagkikita kaya po sana hindi niyo po ako kamuhian. Sabi ko habang nakaluhod.

Iho tumayo ka dyan at nakakahiya yang ginagawa mo. Mag-usap tayo kung saan tayong dalawa lamang. Tugon nito.

Nag-usap kami sa isang restaurant na malapit lang sa airport.

Sa totoo lang galit na galit ako sayo dahil sa ginawa mo sa anak ko. Pagsisimula nito.

Pinagkakatiwalaan kitang hindi sasaktan ang anak ko pero hindi mo ito ginawa pero hindi yun magiging dahilan para kamuhian kita. Mahal ko ang anak ko kaya bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon. Gusto kong ipakita mo sa akin na magiging isa kang successful man at ibibigay ko sayo ang address kung saan sila titira. Pagpapatuloy nito.

Bigla akong nagkasigla at nagkaroon ng kulay ang mundo ko sa sinabi niya.

May pag-asa pa ako. Gagawin ko na lamang ang kondisyon niya.

........................................................................

Nagsikap ako magmula sa araw na nag-usap kami ng papa ni Amira. Sa pagdaan ng araw nakuha ko ang kompanya ng papa ko at naging CEO.

Naging matagumpay naman ako sa pagpapalago ng kompanya namin. Nalaman ko ang tungkol sa batang dinadala ni Yasmine at agad ko siyang pinalayas sa pamamahay ko.

8 YearsWhere stories live. Discover now