.Leaving.

1 0 0
                                    

(Amira's POV)

Patuloy lang ang pag-iyak ko siya kotse at hindi ko talaga mapatawad ang aking sarili.

Ayaw ko siyang iwan pero kailangan, hindi ko siya kayang bitawan at lalong lalo na naipagpalit niya ako sa iba.

Mahal na mahal ko siya pero kailangan siya ng batang dinadala ng babaeng yun.

Gabi na rin nang makarating na kami ng bahay, pinunasan ko ang luha ko at bumaba na ng kotse. Ibinaba ni Yvan and bintana.

Hey are you going to be alright? Pasensya ka na at nasabi yun ng pinsan ko pero alam kong hindi niya yun sinasadya at gagawin niya ang lahat para maayos ang lahat. Tugon nito na may halong pag-aalala.

Salamat, don't worry I'll be alright. Siguro kailangan lang namin ng panahong malayo sa isa't-isa. Sabi ko naman.

Tumango siya at sinabing Kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang tumawag, I'll help you lalong lalo na kung gusto mong makipag-usap at makipagkita kay Gio. Bago tuluyang umalis.

Huminga ako ng malalim bago pumasok ng bahay, natanaw kaagad ako ng papa ko na nakaupo at nagbabasa ng papeles sa sofa.

Ah anak nandito ka na pala, gusto mo bang kumain? Nasaan si Giovanni? Di ba't magkasama kayo? Sunod sunod niyang tanong.

Hindi ako sumagot dahil sa sama ng loob at alam ng papa ko ang ibig sabihin nun.

Tumayo siya at nilapitan ako, niyakap ko siya at ibinuhos ang sama ng loob ko.

Papa... Huhuhuhuhu.

Niyakap din ako ng papa ko.

Tama na anak, ano bang nangyari?

Bumitaw ako sa pagkakayakap at sinabing.

Papa ayoko na dito, sasama na lang ako kay tito sa Germany. Ang sakit sakit pa, hindi ko kaya.

Niyakap niya ulit ako at sinabing gamit ang malalim niyang boses.

Aayusin ko na ang passport mo at sasabihan ko na rin ang tito mo tungkol sa pagsama mo sa kanya. Mag-iingat ka dun anak, I want you to be strong there lalo na hindi mo ako kasama. Bibisitahin kita kapag nagkaroon ako ng free time, I promise.

Tumango ako at pumasok na ng kwarto, humiga ako sa kama at nilabas ang sama ng loob ko. Umiyak ako magdamag hanggang sa makakuha ako ng text.

Huwag ka ng umiyak, nasasaktan ako sa tuwing nakikita kang umiiyak. Nandito lang ako if you ever need me, I'll make you happy. Kung ako lang sana ang pinili mo edi sana masaya ka ngayon at hindi umiiyak. I Love You.

-Unknown number

Ibinato ko lang ang phone ko at pinilit na matulog pero mahirap. Biglang may kumatok sa pinto kaya pinunasan ko ang luha ko at pinagbuksan ng pinto ang taong kumakatok.

Bumunyag sa harapan ko ang kaibigan kong si Daryl. Alam kong alam na niya ang nangyari kaya siya nandito, agad akong napayakap sa kanya.

Daryl wala na kami, iniwan ko siya. Ang hirap Daryl, ang sakit. Hindi ko kaya, huhuhu.

Kinomfort naman niya ako, pumasok kami ng kwarto at nag-usap.

Its okay, normal lang yan. Huwag kang mag-alala alam kong magkakabalikan din kayo. Kayo pa, ang romeo at juliet sa campus at barkada natin. Tugon nito.

Kasalanan ko ang lahat, nasampal ko siya at may mga sinabing nakakasakit. Hindi ko naman sinasadya, I don't deserve him. Patuloy kong pag-eemote.

8 YearsWhere stories live. Discover now