Kabanata 1

6.6K 70 0
                                    

Fired

Tahimik parin ang lahat at halos kinakabahan dahil malamig ang titig na binibigay sa amin ni Sir King. Halos lahat sa amin ay nakayuko at nakatingin na sa sahig dahil sa sobrang kaba at tensyon. Biglaan lamang ang pagbisita niya dito sa aming department at dahil narin siguro sa presensyang naidudulot niya sa amin kaya naman ganito nalang kalamig ang ihip ng hangin ngayon dito sa opisina.

Nilalaro lamang at pinagsalikop ko ang daliri ko sa aking likuran upang mabawasan ang kaba. Konti lamang ang naririnig kong paguusap na nagaganap ngayon sa pagitan nila Ma'am Charo, Sekretarya ni Sir King at si King mismo pati na rin ang tatlong matandang lalake na pinag hihinalaan kong matataas din ang posisyon dito sa kumpanya niya kung saan sunod sila ng sunod sa kanya.

Matapos ang ilang minutong pag uusap ng masinsinan agad naman silang humarap sa amin. Umabante naman ang maganda at sexy na Sekretarya ni Sir King. Naagaw niya ang attensyon naming lahat kaya naman sa kanya kami ngayon nakatingin.

"There will be a new product that we will launch next month and within this month we need to closely monitor this department. Sir King will visit this department once in a while for personal updates and evaluation of your progress. That will be all thank you." Titig na titig ako sa kanyang Sekretarya at sa bawat bigkas niya ng salita ay napapahanga ako.

She's not just pretty and sexy but you can also sense her passion and professionalism. Nang umatras siya at tumalikod ulit para makausap si Ma'am Charo ay medyo nakapag relax naman ang tense kong mga muscles.

Magiging busy at magulo na naman itong department namin. Kakatapos lang ng launching event nung nakaraang produkto at hindi ko inaasahang may panibago na naman kaming gagawin. Worst case the deadline is very near.

Dahan dahan at maingat kong inangat ang ulo ko upang pumuslit ng sulyap kay Sir King. Nakatingin lang din siya sa kawalan at paminsan minsan rin itong nag sasalita at nakikinig. Sa pangalawang beses kong sulyap ay nakatingin naman siya sa kanyang relo. He is so handsome and its giving him that kind of aura right now. Sa pangatlong beses ko namang pagsulyap still admiring his presence despite of the tension bigla naman akong umiwas dahil nagtama ang aming mata.

Agad akong nangamba lagpas ata sa balat at buto ang kanyang tingin kahit na ilang segundo lamang iyon.  Nagwawala na ang aking katinuan sa pag iisip at gusto ko nalang ibaon ang sarili ko sa lupa ngayon. Gayon paman ganito pala ang idudulot ng kanyang presensya ay mas mabuti pang tignan siya sa malayo kaysa dito sa malapitan.

I can still feel his dark and cold eyes staring at us. Nararamdaman ko rin kung paano mas bumigat ang pakiramdam ng lahat lalo na't napansin namin ang kanyang paghakbang patungo sa aking kinaroroonan. Sa sobrang kaba ko ay napapalunok laway ako ng ilang beses dahil parang nanunuyo ang aking lalamunan habang naririnig ang kanyang mga yapak.

Tumahimik ang lahat at yumuko naman ako nang lumapit siya sa aking harapan. Nakita ko ang kanyang mamahaling sapatos at huminto ito saglit sa aking harapan. Pero agad din itong lumiko at nagtungo sa kinaroroonan nila Blue at Erick.

Tumingin ako banda kung nasaan ang dalawa at nakita ko kung gaano ka putla ang kanilang mukha dahil sa sobrang kaba.

"Both of you are fired." All it takes is one sentence for me to feel so much fear in my entire life. I saw how cold and intimidating he was in saying those words na parang casual lang sa kanya iyon banggitin at dahil doon hindi na nakapagsalita pa sina Blue at Erick na ngayon ay bigo at malungkot ang mga itsura.

Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon