Kabanata 23

2.3K 41 11
                                    

Rendezvous

Pauwi na kami ngayon galing sa hotel nila Nathan. It may not be obvious to Harold and Ricky right now. Pero alam kong sinusundan niya kami ngayon pauwi. Alam kong sasakyan niya ang nakasunod sa amin.

Although he's left behind by three cars. He's following us quietly. Hindi sana mangyayari 'to kung hindi dahil kay Harold.

"Ayla, I'm gonna drop Ricky along the way. Sabi niya may pupuntahan pa raw siya. Tapos ihahatid nalang kita sa inyo." Sabi ni Harold sa'kin pagkatapos niyang kausapin si Rachel. Sa lakas ng boses at pagkakasabi niya alam kong naagaw niya ang attensyon ni Nathan na ngayon ay may kinakausap sa telepono.

Binaba niya ito at iritadong tumingin sa direksyon ni Harold. Ngumiti lamang ako ng hilaw at hindi ko na nagawang sumagot pa. Kahit na kanina ko pa iniiwasan si Harold pilit naman niya akong pinapansin at nilalapitan. Napilitan rin akong sumabay ngayon sa kanyang sasakyan upang hindi maghinala ang dalawa.

"Ihinto mo nalang diyan." Sabi ni Ricky at tinuro ang isang mall malapit lamang sa kumpanya.

Ngumisi naman ng nakakaloko si Harold sa kanya. Hindi ko rin maiwasang mapangiti kay Ricky.
"Take care and drive carefully." Bilin niya sa akin at kay Harold. Pagkababa kumaway lamang ito sa amin gayon rin ako.

"Take care of Jessica too!" Sigaw ko sa kanya. Bago sinara ang bintana ng sasakyan ni Harold.

"I really never expect for both of them to be in a relationship." Sa gitna ng katahimikan bigla namang nag salita si Harold. Abala naman akong paminsan minsang tumitingin sa rear view mirror at hinahanap ang sasakyan ni Nathan.

"Love is really unexpected right? Ayla?" Tanong niya.

"Oo nga." Sagot ko na parang wala sa sarili. Para naman akong balisa habang tumatango. Despite of the uneasyness I tried my best to act like normal so that Harold won't notice.

Pagdating sa basement parking lot agad naman akong bumaba.

"Bye Harold!" Sabi ko bago sinara ang pinto ng kanyang sasakyan.

Napansin ko namang pumarada ang sasakyan ni Nathan banda kung saan mayroong bakante na mapag pa-parkingan niya.

Buong akala ko aalis na si Harold ngunit bumaba ito sa kanyang sasakyan at biglang lumapit sa akin.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"May gusto lang sana akong sabihin sa'yo." Hinintay ko naman siyang magsalita.

"Ayla, I like you." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Lumapit ulit siya ng kaunti sa akin.

"Actually it all started since you came into our office." Tahimik parin akong nakikinig sa kanya. Bothered by him in closing our distance. Unti-unti akong napapa atras.

"I just wanna ask you if is it okay to like you?" Yumuko ako at umiling.

Sandaling nanahimik si Harold. Mayroon naman akong naririnig na yapak papunta sa amin ngayon. Unti-unti kong inangat ang ulo ko. In one swift move he grabbed my hand guiding me as we walked away from Harold.

Hindi na ako muling lumingon pa. Ang buong attensyon ko ay nabaling kay Nathan at sa kamay namin ngayong magkahawak. Kahit na halatang galit at iritado magaan at hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin ngayon.

Nang makarating sa harap ng pinto agad naman niya akong binitawan.

"Sorry." Sabi niya at yumuko. He was clenching his jaw. Halatang nagpipigil ng galit.

I slowly turned around and I opened my door.

"Do you want to go inside?" I felt him stiffened a bit. He's obviously surprised by my sudden invitation.

Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon