Trying
Pagkabalik sa opisina agad ko namang inasikaso ang mga papeles at mga dokumentong pina paayos sa akin ni Ma'am Charo.
"Congrats!" Bati sa akin ni Daphny. Halos lahat ata sa aming department binabati ako pagkatapos nilang makita ang dala kong mga samples.
Masaya man ngunit parang may kulang. I am still waiting for his feedback. We were too distracted about what happened earlier and I missed my chances of asking him about it.
Pagkatapos kong gawin ang lahat ng trabaho bigla namang pumasok si Rachel sa aming opisina. Nilapitan ako nito at binigay ang susi ng aking sasakyan.
Kitang kita naman ang taka ng mga titig ng lahat sa akin. "Thank you." Sabi ko kay Rachel at tuluyan ng umupo.
Dumiretso naman siya kay Ma'am Charo at unti unting lumapit sa akin si Daphny. "Uy, ano yan?" Tinignan ko naman siya ng mahinahon.
"Susi ng sasakyan ko." They can't find out that I was in his car and he was also there.
"Ahh." Patango tango naman siya. Mabilis ko namang ginawang abala ang sarili ko sa pagliligpit. Nung inakala kong okay na sana ang lahat may sumunod pang isang tanong.
"Bakit naman niya ibibigay ang susi ng sasakyan mo sa'yo?" Think Ayla! Think.
Ilang segundo rin akong nag isip bago siya sinagot. "She helped me earlier Daphny." Kitang kita parin sa mukha niya ang pagtataka. Umiling nalang ako sa kanya.
Eto yung klaseng tao na kahit anong explain mo hindi na maniniwala dahil ang tanging paniniwalaan niya ay kung anong meron sa utak niya ngayon. Kaya hindi ko na siya sinagot pa kahit patuloy parin ang pagtatanong nito sa akin. I don't actually know why's that she's way too curious about it.
Kanina kasi pinabibigay sa akin ni Sir King ang susi ng sasakyan ko upang makuha ito doon kina Greg. Pumayag naman ako pero hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari.
I don't want to spark another rumors.
"Daphny saan sila Jessica at Ricky?"Pag iiba ko ng usapan.
Luminga linga naman ang baliw sa paligid at pati narin ako hinahanap ang dalawa.
Nagkibit balikat lamang ito ng hindi makita ang dalawa. Napansin namin na simula noong nangyari ang insidente doon sa bar kinabukasan tuwing hapon nawawala silang dalawa dito sa opisina.
Iniisip naming abala lamang ang dalawa sa kani kanilang task. Kaming dalawa lamang ni Daphny ang nakakapansin nito kaya naman ang bruha napatingin sa akin at sabay kamimg tumango sa isa't-isa.
Pareho kami ng ini-isip. Nauna namang lumabas ang bruha at ako naman dinala itong mga papeles at dokumento kay Ma'am Charo.
Kakatok na sana ako ng narinig ko ang paguusap nila ni Rachel.
"So far he really like the design of the bottles and he seems satisfied about the result so there's nothing to worry about it." I am too shocked right now and those words kept on repeating on my mind.
Saglit akong napa tulala dahil sa narinig. Bumalik lamang ako sa katinuan nung narinig kong papalabas na si Rachel. 'Tsaka naman ako kumatok. Nang magkasalubong kaming dalawa sa pintuan nginitian niya lamang ako bago tuluyang umalis.
"Ma'am here's the documents." Tinanggap naman ito ni Ma'am Charo.
"Thank you, Ayla!" Sabi niya sabay ngiti ng malapad. Nag paumanhin naman akong lalabas at tuluyan na ngang sinundan si Daphny.
Habang hinahanap siya nakita ko naman itong tulala lamang sa gilid ng emergency fire exit.
"Huy! Nahanap mo na?" Tanong ko sa kanya na siya namang ikinagulat nito.
BINABASA MO ANG
Steps to You
RomanceWorking as an intern in K Empire is everyone's dream in college and I'm one of the luckiest applicants that has been accepted here despite the competition. This company is owned by King Nathaniel Creig one of the most prominent powerful bachelor and...