Real
Umagang umaga at hindi ko naman maiwasan ang ngumiti dahil sa sobrang saya at ganda ng gising ko. Nung natapos ko na ang pagaayos naghanda na ako upang bumaba.
Sakto lang pag labas ko patungong basement parking lot. Bumungad sa akin ang isang guwapong nilalang na naksandal habang naka halukipkip sa kanyang sasakyan suot ang simpleng v-neck black shirt, cream trousers at Dr. Martens black boots. Kahit na naka wayfarer siya alam kong nakatingin siya sa direksyon ko.
Nahihiya naman ako sa suot kong Chanel blue tweed sleeveless dress. Hindi ko inakalang susunduin niya ako ngayon. Eh 'di sana nakapag ayos pa ako. Nakalimutan ko rin mag lagay ng kahit kaunting make up dahil sa pagmamadali.
"Nathan." Sabi ko at nginitian siya. Maybe he didn't expect me to call him that way at bahagya siyang umubo at umiwas sakin. Umikot naman siya upang pagbuksan ako ng pinto sa kanyang sasakyan. Hinintay naman ako nitong pumasok bago sinarado ang pinto 'tsaka umikot at nagsimula ng magmaneho.
"Bakit mo ako sinundo?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng byahe.
"I just want to see you first in the morning." Sabi niya at hindi parin tumitingin sa akin.
"Hmm, kanina kapa doon naghintay?" Tumango lamang siya.
"I-text mo ako or tawagan sa susunod." Tumingin naman siya sa akin saglit.
"I-I don't have your number."
"Pwede mo naman ipakuha kay Rachel anytime ah?"
"That's different and not good." Nagkibit balikat lamang ako.
"I'll give you my number then." Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa at binigay ito sa akin.
"Password?" Tanong ko. Ngunit ng buksan ko ito ay wala pala itong password.
I typed my number in his phone at sinubukan itong tawagan. I briefly showed him his phone and my number that is finally saved in his contacts.
I can't believe that I'm doing this with him. And I'm confidently interacting like this to him. Pag nalaman ito ng lahat they would probably throw shades at me. The richest man and the owner of K Empire is together with me right now.
I gave him his phone at patuloy na siyang nagmaneho patungo sa kanyang kumpanya.
Pagkababa palang namin sa kanyang sasakyan ay sinalubong na kami ng kanyang mga bodyguard at si Rachel mismo. This is my first time witnessing this actually. Tinignan naman ako ni Rachel pagkababa ko sa kanyang sasakyan ngunit agad din itong yumuko nang makita si King sa aking tabi.
She's probably shocked about it too.
"Sir, We had lost our track of you for an hour already. We are just worried so I called for an extra help." Ani ni Rachel habang nakayuko parin."I told you not to follow me." Namilog naman ang mata ko sa mga nasasaksihan ngayon. This is my fault.
Well who wouldn't be worried right? A lot of bad people is out there waiting for an opportunity to kidnap him or do something bad at him.Tinignan ko naman siya. I feel so guilty right now. Pero parang wala lang ito sakanya. He lazily removed his wayfarer as he bore his eyes into me. "Sorry about this." Pagpapaumanhin niya. Umiling naman ako. "No, this is my fault. I'm sorry." Yumuko naman ako dahil na gui-guilty masyado ako.
Bumuntong hininga naman siya at bahagyang tumingin sa kanyang mga tauhan bago nakuhang tumingin sa akin at nagyayang umalis.
"Let's go." Sabi niya at iniwan ang kanyang mga body guard at si Rachel. Sumunod naman ako sa kanyang likod. Humina naman ang kanyang paglalakad upang makasabay sa akin.
BINABASA MO ANG
Steps to You
RomanceWorking as an intern in K Empire is everyone's dream in college and I'm one of the luckiest applicants that has been accepted here despite the competition. This company is owned by King Nathaniel Creig one of the most prominent powerful bachelor and...