Chapter 1:

1.6K 61 2
                                    

"Ahrg............."

Nandito ako ngayon sa isang sitwasyon kung saan buhay ang nakataya. Buhay, dito na yung hindi ko alam ang susunod na mangyayari sa akin.

Kaharap ko nga pala ngayon ang isa sa alagad ng kadiliman, si Laxemire. Tatay ko sya.......

Ako si Xian Cazer, hindi ako kagwapuhan at lalo na ung author nito. Isa akong 4th year student ng MLQHS. Kakasimula palang ng klase at sana makagradute ako at makapasok sa magandang eskwelahan sa college.

Naranasan mo na bang mapasok sa isang mundo kung saan ang inaakala ng mga tao na kathang isip lang ay totoo. Hindi natin 'to napapansin o nakikita ngunit nararamdaman....

Habang nasa room ako ay tinawag ako ni Aira, nakasuot sya ng school uniform na white long sleeve, may blue necktiemaroon ang palda na hindi lampas sa tuhod, mahaba na itim na medyas na hanggang sa kanyang sa dulo ng palda Sa lalaki naman ay white long sleeve dark blue long sleeve na ang kwelyo ay nakataas black pants, brown na medyas at black shoes. Wala kaming teacher kaya pinuntahan ko sya.

"Uy Xian!"

Sya si Aira, mahaba na itim ang buhok medyo sinkit at katamtaman ang katawan,

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"May kumakalat na balita sa 5th floor ng building, narinig ko kanina na nag-uusap yung mga teacher tungkol sa isang bank robbery kanina." pabulong nyang sinabi sa sa'kin

"Eh ano ngayon?"

"Ang sabi nung isang teacher, estudyante daw ng school yung lalaking pumigil sa mga magnanakaw, at nakita yun sa CCTV"

Biglang may tumawag sa akin, isang teacher ng school. Nagkatinginan kami ni Aira at naisip ko na baka itanong sa akin yung sinabi sa akin ni Aira.

"........................................."

Katahimikan ang sumalubong sa akin sa 5th floor faculty at nakatingin sa akin ang mga teacher at ang iba ay nagbubulungan. Pinaupo ako ni Sir Anthony sa harap ng kanyang table at nagsimula syang magtanong. Kinuha nya ang kanyang laptop at iniharap nya sa akin ito.

"Okay, Mr. Xian Cazer sorry sa abala pero maaari ba kitang tanungin? Tungkol sa video na ito?" tanong niya sa akin

Iniharap nya sa akin ang laptop nya at ipinanood nya sa akin yung video kung saan pinigilan ng isang lalaki yung mga magnanakaw sa bangko. Nagulat ako na nakita ko, may puting pakpak yung lalaki at kamukha ko nga. Medyo malabo yung video kaya naisip ko na kaya ko naging kahawig yung nasa video ay dahil dun.

"Isang tanong isang sagot... Ikaw ba ang nasa video?" pabulong nyang tinanong sa akin.

"Ump..."

Hindi ko malaman kung sasagutin ko sya o tatahimik nalang ako dahil baka kapag sinagot ko sya ng "Hindi" eh baka kung ano ang gawin nya sa akin at kapag sinagot ko naman sya ng "Oo" eh baka ipagkalat naman nya eh hindi naman ako yun.

"Umm.... Eh... Sorry po ah.. Pero hindi po ako yan..." sagot ko

"Okay, salamat Mr. Xian Cazer, salamat sa paglilinaw. Maaari ka nang bumalik sa klase mo" malakas na pagkakasabi nya.

Parang pinaparinig nya sa lahat, kailangan bang ipagsigawan?

Paglabas ko ng faculty room ay nakita ko si Aira na nag-aabang sa akin sa labas sa tabi ng bintana ng hallway. Nakangiti sya at nakakaloko yung ngiti nya.

"Bakit?" tanong ko

"Wala naman... Ano nga pala ang sinabi sa iyo?" sabi ni Aira

Pinag usapan namin ang tungkol sa tinanong sa akin ni Sir Anthony at tungkol dun sa CCTV footage na nasa laptop ni sir.

"Kamukha mo ba talaga yung nasa video?" tanong niya sa akin

"Oo. Pero baka sa video lang yun kasi medyo malabo yung kuha nung CCTV kaya siguro naging kamukha ko yun." sagot ko

"RINGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!"

Tumunog na ang bell ng school at hudyat ito na breaktime na. Ito ang pinaka favorite na subject ng lahat ng estudyante mula Grade 1 hanggang 4th year college dahil dito sa time na ito nagkakausap ang mga magkakatropa, mag-BF, at iba pa.

Habang kumakain kami ni Aira ay tinanong nya ako.

"Xian... Pa'no kung ikaw yung nasa video at ikaw yung lalaking may pakpak, anong gagawin mo?"

"Syempre, tulad nga nung ginawa nung nasa video pipigilan ko ang mga masasamang loob at poprotektahan ko ang mga mahal ko sa buhay."

Kahit sino naman di ba? Kapag nagkaroon ka nang ganung kakayahan gamitin mo na sa mabuti.

"Paano kung malaman mo na ikaw talaga yung nasa video? Ikaw yung lalaking may pakpak. Gagawin mo ba yang sinasabi mo?" tanong nya ulit

Nagtataka ako kung bakit tinatanong sa akin yun ni Aira at para bang sinasabi nya na ako yung lalaking may pakpak.

"Imposible kaya yun.... Saka... Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa likod ko saka kung ako yun edi may bakas pa yung mga damit ko walang butas yung likod."

"Sabagay.... Lampa ka...." sabi nya sa akin sa mapang asar na tono.

Sinang ayunan ko nalang ang sinabi nya at tumawa, pero saloob loob ko ay na aasar ako at parang gusto kong gumanti. Joke lang...:)

Matapos ang breaktime at ang klase, sabay kaming umuwi ni Aira dahil halos magkalapit lang ang bahay namin. Dalawang bahay ang pagitan at isa lang ang daan naming dalawa.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula nung nagkakilala kami ni Aira.

Nagkakilala kami sa school ng hindi sinasadya.

Nakatayo sya nun sa isa sa mga poste ng covered court ng school, pangatlo sa kaliwa hilaga, at nagpapraktis naman ako ng badminton at kalaban ko ang kaibigan ko sa sobrang tidi ng laban namin ay hindi ko sya napansin at BOOM!!! nabangga ko sya habang umaatras ako papalayo sa net para habulin yung shuttle cock. Sa sobrang lakas nang impact ay gumulong ako kasama sya at nang paghinto ay nakayakap kami sa isa't-isa. Syempre hindi ko ito sinasadya na mangyari at ang pagkakayakap ko sa kanya.

Pagdilat nya ay nagkatitigan kami saglit at nanlaki bigla ang mga mata nya at natakot ako na baka sampalin nya ko kaya agad kong tinanggal ang mga braso ko sa pagkakayakap ko sa kanya at tumayo ako. marami ang nakakita nun at nakapalibot sila sa amin. Tumayo rin sya kasunod ko at nakatalikod sya sa akin, nagsosori ako sa kanya habang nagpapagpag sya. at kakalabitin ko sana sya nang malapit na ang mga kamay ko sa balikat nya ay bigla syang humarap, hinawakan ang braso ko at pinilipit ito sabay sipa sa ano ko, alam mo na, napaluhod ako sa sakit at sinampal pa ako at sabay sigaw ng BASTOS!!!!!.

At tumagbo na sya papalayo. Nilapitan ako ni James at sinabing "Ilan nahuli mo? Isa? Nice one!" sinuntok ko ang lulod nya at sinabi kong "SIRAULO!!! YARI ako!!!" yari kapag nalaman ng Guidance office ang nagyari at madidiin ako dahil babae eh...

Pero hindi nangyari yun. Hindi sya nagsumbong.

Xian CazerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon