CHAPTER 7: I'M BACK, CHANGE OF PLANS
Kanina pa sila nasa loob ng Conference Room kahit pati si Kuya hindi pa lumalabas. Siguro interesado nga talaga si Kuya sa company naming. Ewan ko ba kahit anong pilit kong alamin ang business world hindi ko ata makukuha eh.
*tiiiing tiiiinngggg*
Biglang tumunog yung cellphone ko. Mukha sa message ko. Sino naman kayag magtetext sa akin ng ganitong oras?
--------------------------------------------------------------
Lee Shua Soonyoung
Active Now
: Hi Ailue
--------------------------------------------------------------
Tinupad niya nga talaga ang sinabi niya. Hahaha
--------------------------------------------------------------
Lee Shua Soonyoung
Active Now
: Hi Ailue
Hi Joshua. :
: Any plans for today?
--------------------------------------------------------------
What's with him? Kakakilala niya lang saakin, 'wag mong sabihin makikipag-meet siya saakin. Ang lakas din maka-damove hah.
--------------------------------------------------------------
Lee Shua Soonyoung
Active Now
: Hi Ailue
Hi Joshua. :
: Any plans for today?
None, why? :
: Nothing. I'm just wondering if you want to meet or something?
--------------------------------------------------------------
Sabi na eh, may hidden Agenda 'tong lalaking 'to. There's no harm in trying naman siguro diba? Besides matagal pa sila Daddy at Kuya sa Conference Room
--------------------------------------------------------------
Lee Shua Soonyoung
Active Now
: Hi Ailue
Hi Joshua. :
: Any plans for today?
None, why? :
: Nothing. I'm just wondering if you want to meet or something?
Sure, where? :
: Where are you right now?
At my dad's business, why? :
: Where specifically?
Seoul. Kwon Family Business :
: Oh, okay. I'll pick you up then
Okay :
/ Seen
--------------------------------------------------------------
Bumaba na ako, hinintay ko na lang siya sa lobby. Hindi naman siya siguro paasa noh? Mahirap na. Maghihintay ka sa wala.
After 30 minutes of waiting, nakita ko ang isang red Chevrolet na sasakyan. Mukhang bagong-bago pa ang kotse. Hindi ganun ka luma pero parang yung kotse na hindi pa nailalabas sa lungga niya.
Kasabay nun ang paglabas ng isang lalaki sa sasakyan. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at naka-shades ito. Hindi ko mapin-point kung sino siya pero parang nakita ko na siya somewhere.
Ohmyghad! Don't tell me si ano 'to. No, it can't be. Ang tagal niya nawala sa Korea tapos ngayon babalik siya dito. Napatingin siya bigla saakin na para bang ang cool-cool niya na ngayon
"Well, Well, hello Ai" sabi niya sabay hubad ng shades niya. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago itong lalaking 'to
"Drake, hindi ko alam na uuwi ka ng Korea ngayon. Sinabi mo sana para hindi na ako sumama kay Mommy" sarcastic na sabi ko. Totoo naman, ever since were little laging niyang pinagsisiksikan ang sarili niya saakin.
Hindi siya hard-to-get kunno. Ako, sadyang ayoko lang kay Drake. Ewan ko ba sa taong ito, parang head-over-heels siya sa akin. Hindi sa pagiging mahangin pero totoo yun. Drake was one of the company's model, sumikat siya dahil sa modelling niya. Hindi ko naman ipagkakaila na magaling sa field na yun.
*FLASHBACK*
Pumasok na ako sa classroom ko kasi malalate na ako sa first class ko. Major pa naman yun. Bago atang walang sumusunod sa aking asungot ngayong araw na 'to.
Drake Evans Lim ang lalaking may gusto saakin ever since nung naging neighbor kami. Ewan ko ba kung paano siya na-fall saakin eh hindi naman kami masyadong naglalarong dalawa. Lagi ko kasing kalaro si Kuya nung bata ako.
Naku! Kakasalita ko nito, malalate na talaga ako. Malapit na ako sa classroom naming ng parang nakaramdam ako ng kakaiba ng malapit na ako. Feeling ko may mangyayari ng hindi ko gusto.
Dahan-dahan kong ipinihit ang pintuan. The moment, na binuksan ko ng napakalaki ang pintuan. Nagsisisi na ako. Gustuhin ko man isarado ulit yung pintuan, hindi na pwede. Hinila na ako ng mga classmate ko papunta sa upuan na nasa gitna, kung saan nakatutok yung kaisa-isang ilaw sa loob.
Maya-maya may kumakanta sa likod ko. Mukhang kilala ko na kung sino yung kumakanta. Hindi nagtagal, nagpakita din yung lalaking kumakanta. Hindi nga ako nagkakamali si Asungot nga.
You Are The Reason – Calum Scott
♪ I climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I broken
Ooohh
'Cause I need you to see
That you are the reason ♪
Di na ako nagtaka kung kaninong boses yung kumakanta basta ang nasa isip ko ngayon. Sana matapos na ang kalokohan na ito.
*END OF FLASHBACK*
Nung araw na sumali siya sa company namin for modelling, hindi ko na siya nakita. Naging busy siya sa career niya at kahit todo iwas at tulak ko sakaniya nun, support naman ako sa gusto niya. Besides, may pinagsamahan naman kami eh. And to top all of that, I started to find his presence nung nawala siya pero syempre hindi ko ipapakita yan sakaniya.
******
YOU ARE READING
Unexpected (SHORT STORY)
Teen Fiction"Your plans were never meant to happen, sometimes life can be full of surprises" ©jane_janyaaang23 Start:June 20, 2019 Full Polished and Edited: June 17, 2020