CHAPTER 5

5 2 0
                                    

CHAPTER 5: WHAT'S GOING ON?

Morning na, as usual andyan na naman ang bungangera kong Mommy. Andyan na naman siya sa paggising sa amin ni Kuya ng ke aga-aga na naman.

"Mommy naman eh. Ang aga-aga pa ginigising mo na naman kami eh. Wala bang isang araw na hindi mo kami gigisingin ng ganito ka-aga?" hinila ko ulit yung kumot ko at nagtaklob. Inaantok pa talaga ako

"Crystal, you need to get up. Your daddy is going to show you something kaya 'wag kang mag-inarte dyan" sabi ni Mommy habang hinihila yung kumot ko. Tuloy nakikihila ako kay Mommy. Parang kaming nagtutug of war nito. Binitawan ko na lang yung kumot at bumangon na.

"Nag-iinarte ka pa dyan eh. Maligo ka na at may pupuntahan kayo ni Daddy at Kuya mo." Sabi ni Mommy at sabay labas sa kwarto ko.

Ano naman kaya gagawin namin ni Daddy ng ke aga-aga. Wala naman siyang nabanggit saakin hah. Pumasok na lang ako sa CR at nagpalit. Bumaba na ako para kumain. Nakita ko si Kuya na antok na antok pa rin kahit naligo na siya haha. Nakakatuwa lang kasi si Kuya minsan pag inaantok eh, kulang na lang yung mukha niya mapunta na sa pagkain niya.

"Alex, gumising ka nga dyan! Ano ba kasing ginawa mo kagabi at inaantok ka pa ngayon hah?" sigaw ni Mommy sa kaniya.

Napatawa na lang ako kay Kuya kasi kahit anong sabihin ni Mommy parang wala lang kay Kuya.

Kung nagtataka kayo kung naiintindihan ba ni Daddy pinagsasabi naming lalo na't Korean si Daddy. Hindi masyadong marunong si Daddy sa Filipino pero nakakaintindi siya kaso nga lang hindi siya nagsasalita ng Filipino. Hindi kasi bagay ni Daddy, tatawanan lang namin siya.

Umupo na ako sa tabi ni Daddy yun lang naman kasi bakante eh. Tumatawa at umiiling lang si Daddy kila Mommy at Kuyang nag-aaway. Kasi naman si kuya, tango at iling lang ang ginagawa niya habang nagtatanong si Mommy sa kaniya. Hindi pa angkop yung pag sagot niya.

Kumuha na ako ng kakainin ko sa nakahanda. Habang busy na nagkukulitan sila Mommy at Kuya dahil hindi talaga sumasagot ng maayos si Kuya kay Mommy. Feeling ko nga sasabog na anytime si Mommy sakaniya eh.

"Daddy, why do we need to wake up this early? Where are we going?" tanong ko kay Daddy. Bihira lang kasi mag-set si Daddy ng ganitong ka-aga eh.

"I just have something to show to you and your brother." tanging sinabi ni Daddy saakin.

Tumango na lang ako, hindi naman sasabihin ni Daddy eh kahit pilitin ko eh. Pag-surprise surprise kasi para kay Daddy. Malalaman lang naman pag andun na kami.

Nang matapos kaming kumain, sinabi na ni papa na hintayin namin siya sa kotse. Susunod na lang daw siya.

"Crys, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong ni Kuya saakin.

"Kuya, kung alam ko edi sana sinabi ko na diba?" sabi ko. Nanahimik na lang ako baka sapukin ako ni Kuya eh. Sinalpakan ko ng earphone yung tenga ko at nagpa-music na lang habang hinihintay ko si Daddy na dumating.

Maya-maya dumating na si Daddy na may hawak na briefcase. Ewan ko kung saan kami pupunta pero parang feeling ko, pupunta kami sa ayaw naming puntahan ni Kuya.

♪ Finesse – Bruno Mars ft. Cardi B ♪

Sa ilang oras na byahe naming simula bahay hanggang kung saan lupalop ng mundo, nakarating din kami. Nakita naming ang isang malaking building. Naka-kulay ang building ng Navy Blue. May bawat bintana ang bawat floor. Malakas ang aura ng building ng lumabas kami ng kotse ni Daddy. Parang mas naging tense pa nga nung lumoob kami sa building eh.

*****

Unexpected (SHORT STORY)Where stories live. Discover now