CHAPTER 11: THIS CAN'T BE
Lumabas ako sa office ni Daddy. Ayoko munang lumoob parang feeling ko anytime, iiyak na ako dun eh.
Nakasalubong ko si Kuya sa pintuan ng kwarto. Pinipilit kong pumasok pero hinaharangan ako ni Alex
"Hyung, please. Just let me in first." Tanging sinabi ko kay Kuya pero ayaw niya pa rin akong papasukin sa kwarto ko
Anubayan! Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa pintuan at lumabas na ako ng bahay. Tutal hindi naman ako pinapakinggan eh. Sige ipilit nila ako sa mga ganyang bagay.
"Saan ka pupunta, Crys?" sigaw ni Kuya saakin. Hindi ko na lang pinansin ang sigaw ni Kuya saakin. Hindi rin naman ako iintindihin eh. Nakakasawa na, all my life. Laging ako na lang ang iintindi. Oo, sa buong buhay ko si Kuya ang may alam ng mga bagay sa family business at hindi ako kabilang dun.
Sila lang ang nagkakaintindihan samantalang ako parang wala lang. I've been innocent long enough to understand the people in this house.
Lumabas na ako sa subdivision naming, knowing na walang hahabol saakin o lalapit lang man saakin. Ayoko munang may kasama, baka masuntok ko pa siya eh.
*beeepppp beeeepppp*
Nagulat tuloy ako sa nagbusina. Bwisit 'to, batuhin ko ng bato eh, nang masira ang sasakyan niya nang wala na siyang pambili niyan.
Tinignan ko yung kotse na busina, pinagmasdan ko kung sinong driver nun at awayin ko na sana para masaya ang buhay ko nito. Naiirita na ako, dadagdag pa 'to. Gusto niya bang mawala sa mundo?
Laking gulat ko ng lumabas si Joshua sa kotse niya. Akala ko ba umalis na 'to, 'wag mong sabihin hindi pa siya bumabalik kanina at hinihintay niya ako? Ang hangin ko naman kung ganun diba.
"Ailue, are you okay?" paano ba naman kasi ang nanay niyo biglang yumakap sa kaniya. Siraulo din ako eh! Akala ko ba sasapakin ko yung taong bumusina.
Hindi na ako sumagot sa tanong niya bagkus umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya. Nahihiya na ako eh, basa na ata yung polo niya dahil sa luha ko.
"Everything's going to be fine, Ailue" comfort niya saakin. "I'm sorry" Iyak lang ako ng iyak sa kaniya hanggang sa makatulog na ako.
Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang kasalanan ha.
*************************
"Ailue, bangon na" sabi ng taong di ko alam kung sino. Sino ba 'to? Kaninong boses naman kaya 'to. Unti-unti kong binuksan ang mata ko, at nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin.
May himala bang nangyari? Panaginip ko lang ba lahat nun? Baka nga. Di ko narinig ang malakas na boses ni Mommy, ang hinhin ng boses niya
"Goodmorning Mommy. Anong oras na po?" tanong ko kay Mommy kasi diba ang aga mang-gising ni Mommy malay mo, 6:00 am na diba
"9:00 am baby. Why?" Ayy wow! Himala ata 'to hah.
"Bumaba ka na, AIlue. Hinihintay ka ni Daddy mo dun. May sasabihin ata sa'yo" sabi lang ni Mommy saakin. Naligo na ako at nagbihis. Ang saya-saya ko pang bumaba kasi alam kong panaginip ko lang ang mga sinabi ni Daddy saakin at mga nangyari saakin.
Pagkaupo ko sa hapag-kainan tila parang naging madilim ang mood. Ayaw magsalita nila Kuya at Mommy. Hinihintay nilang magsalita si Daddy. Parang bad news ba ang darating.
"Ailue after you finish eating. Wear something decent and elegant. We are going to meet the Lee's this afternoon" madiin na sabi ni Daddy saakin, yung parang wala na akong choice magsalita o magquestion man lang
"But Dad ...."
"No buts you are going whether you like it or not" sigaw ni Daddy saakin.
Myghad! This can't be. Ayokong mai-arrange sa taong di ko mahal at the same time hindi ko rin naman mahal. The fact that we don't know each other.
*****
YOU ARE READING
Unexpected (SHORT STORY)
Roman pour Adolescents"Your plans were never meant to happen, sometimes life can be full of surprises" ©jane_janyaaang23 Start:June 20, 2019 Full Polished and Edited: June 17, 2020