CHAPTER 9: NA SAAN BA AKO?
"Awwww" sabi ko ng bigla ako bumangon. Hinahawakan ko kaagad yung ulo ko. Bakit yun? Ang sakit ng ulo ko. Hindi naman ako uminom kagabi hah.
Ano ba Ailue, tandaan mo! Ano bang kagagahan ang ginawa mo kagabi? Sa kakaisip ko, linibot ko yung mata ko sa kwarto ko.
WAIT! HINDI KO KWARTO 'TO HAH. Bakit ang dilim sa kwartong 'to?
"WAAAHHHH!" sigaw ko. Agad-agad kong tinignan ang damit ko, nakasuot pa naman ako ng damit pero hindi akin 'to. Waaaah! Ano bang kagagahan ang pinasukan mo Ailue. Isipin mo yan! Rinape ba ako? Pero bakit parang wala namang masakit saakin?
Hmmmmm......? Kasama ko si Drake kagabi, tapos yung sinabi niya. Halah! Sige isipin mo yang ginawa mo Ailue. Ahhhh, mamaya ko na nga isipin yung sinabi ni Drake. Anong nangyari kagabi?
So, Ailue. Umuulan kagabi diba? Umiiyak ka nun. Tapos may nakita kang kotse na pumarada sa gilid mo. Tapos ... Taposs...? Hmm .... Nahimatay ako.
So kaninong kwarto 'to? Grabe namang ang dilim dito sa kwarto niya. Ano yun, may kababalaghan bang nangyayari dito sa kwarto niya kaya madilim. Tumayo ako sa kama at pinagmasdan ang buong kwarto. Isipin mo Ailue, pag dumating ang may-ari ng kwarto 'to sapakin mo kaagad ah. Hindi ko damit ang suot ko.
Napansin ko ang isang table sa gilid na puro pictures ng isang bata. Ang cute nung bata hah.
Maya-maya narinig kong bumukas ang pintuan, laking gulat ko ng makita ko kung sino yun.
"Ikaw?" takang tanong ko.
"Sorry, I don't understand you" sabi niya saakin. Ay naalala ko nasa Korea pa rin pala ako
"I mean, how did I come here? And who are you?" tanong ko sa lalaki. Mamaya baka rape-in ako nito. Iba pa man din yung damit na suot ko.
"Oh, maybe you don't recognize me. I'm Joshua. Lee Joshua Soonyoung" pakilala niya saakin
Bakit parang familiar yung name niya saakin? Saan ko na ba nakita yun? Hmmmm ....
"AAHHHH! Sorry. I really didn't recognize you." paumanhin ko, nag-bow din ako
"Nah, it's okay. No need to bow, Ailue" tumawa siya ng mahinhin at ngumiti saakin.
Waaaahhh! Ang gwapo niya hah. Ang cute nung dimples niya. Parang kumikislap mga mata nya, yung kutis niya parang ang kinis at malambot tapos yung labi niya kissable.. Ay ano ba yan Ailue? Tandaan mo, wala ka sa damit mo baka nakita nya inaalagaan mo? Jusko!
"So, are you okay now?" tanong niya saakin. Concern hah. Hay naku Ailue! Imagination mo na naman.
"Yes, thank you. Hmmm .... Who changed my clothes?" Syempre kailangang itanong ko na. Mamaya nakita niya ang ka-flatan ng hinaharap ko noh.
"Ohh, my maid did it for you. I'm not permitted to do it. I'm still a boy, right?" tanong niya saakin. Bwisit! Ang sarap pisilin nung pisngi niya. Ang cute talaga ng dimples niya. Bwisit yan!
"Oh okay. Is this your room?" tanong ko sakaniya. Syempre kahit naman papaano kailangan kong malaman kung bahay niya 'to. Mamaya hindi pala. Nanghimasok lang siya tapos kidnapper pala siya tapos ngayon niya ako rape-in. Ohmyghad! Imagination ko talaga.
"Well, it's not literally my house. It's my parents' house. But yeah, it's still my house" sabi niya saakin. Ewan ko ba kung mahahanginan ako sakaniya o hindi
Tumango na lang ako at inilibot ang mata ko sa buong kwarto niya.
"Maybe, you want to eat breakfast. Our maid cooked breakfast for us" sabi niya. Tumango na lang ako at sumunod sakaniya.
Kaloka! Mawawala ata ako sa bahay nila dito eh. Mas malawak pa ata bahay nila kaysa saamin eh.
Nakarating na kami sa dining area nila. Nakahanda ang iba't ibang pagkain. Mukhang puro Korean food 'to hah. Pero paano yun, di ako pwede sa mahanghang. Hmmm... paano ba 'to?
"Hmmmm .... Joshua, is this all spicy?" hiyang tanong ko kay Joshua. Ako na ang nahihiya sakaniya. Korea 'to malamang mahanghang ang pagkain
"Not all, why? You can't eat spicy food?" tanong niya saakin. Tumango lang ako sakaniya at tila nag-iisip ng solusyon sa nangyayari ngayon.
Maya-maya tinawag niya ang isang maid niya, may binulong 'to sakaniya pero di ko narinig. Ang layo niya kasi saakin eh. Pagkatapos nun, tumingin lang siya saakin at ngumiti.
"It's already settled Ailue. Please have a seat" sabi niya saakin.
Maya-maya dumating yung maid na inutusan niya. May inilagay siya harap ko na isang malaking bowl ng ..... Ano 'to?
"That's a seaweed soup, Ailue. I just thought you'd love to try it" sabi niya saakin. Maya-maya may ibinigay na naman yung maid.
"That's a japchae" dagdag niya. Para siyang pansit hahaha
"Mokja (Let's eat)" tumango na lang ako, at sinimulang kumain. Nagutom din ako hah. Hindi pala ako nagdinner.
Nang matapos kaming kumain ni Joshua. Nagpahangin muna kami sa garden nila. Tila parang inaaliw ang sarili naming dalawa.
"Ailue" tawag niya saakin. Bakit yun? Pag tawag niya saakin parang kinabahan ako
"Yes?" tanging nasabi ko na lang
Tinignan niya lang ako na para bang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba o hindi. "Hmmmm... Nevermind" sabi niya na lang.
Ibubuka ko palang bunganga ko, saktong pagdating nung maid niya na isa. Ibinigay niya yung damit ko na ginamit ko kagabi. Nag-bow ito at saka umalis na rin.
"Come. Let me show you where the bathroom is so you can change your clothes" tumango lang ako at sinundan siya.
*****
YOU ARE READING
Unexpected (SHORT STORY)
Teen Fiction"Your plans were never meant to happen, sometimes life can be full of surprises" ©jane_janyaaang23 Start:June 20, 2019 Full Polished and Edited: June 17, 2020