CHAPTER 2

7 2 0
                                    

CHAPTER 2: WE ARRIVED

"YOU HAVE ARRIVED AT KOREA. WELCOME!"

"Dali na. Mamaya hindi na natin maabutan tatay niyo eh. Ang babagal niyo!" sita sa amin ni Mommy. Anubayan! Kabababa lang naman sa eroplano, dali kaagad. Di pwedeng magpahinga saglit para namang sasali kami ng marathon nito.

Naglalakad na lang kami kasabay ni Mommy sa likod niya. Atat na atat si Mommy kala mo naman hindi matatapos ang araw na hindi makikita si Daddy eh. Yung isa naman ang bagal maglakad. Siya na nga mas matanda saakin at siya na nga mas matangkad saakin ang bagal pang maglakad.

"Alex, dali naman. Parang ikaw pa maliit sa atin eh" sigaw ko sakaniya paano ba naman kasi. Ang layo na namin ni Mommy siya andoon palang sa gate.

Kakamadali ko, may nabangga tuloy ako. Hay naku! Nahulog tuloy yung bag ko. Yumuko ako para tignan kung nasaan nahulog bag ko, yuyuko na sana ako kaso naunahan ako nung lalaking nakabangga sa akin.

"Joseonghaeyo (I'm sorry)" sabi lang nung lalaki at binigay na yung bag ko at mabilis na tumakbo papunta sa loob ng airport. Napatingin tuloy ako bigla sakaniya. Hindi ko kasi napansin yung mukha niya eh. Sayang!

"Hoyy nakatulala ka naman Crystal. Nagpapamadali ka saakin ikaw naman na ang mabagal ngayon." Reklamo ni Alex saakin. Minsan panira talaga sa mood si Alex, sarap tadyakin eh.

Kinusilapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Di ko tuloy nakita yung lalaki na nakabangga ko, paano kung gwapo diba? Nakita na namin si Mommy at Daddy. Malapit sa kotse na ....? I think, binili na naman ni Daddy dito sa Korea ito.

"Hi Daddy" bati ko kay Daddy. Tagal ko rin pala hindi nakita si Daddy kahit papaano, namiss ko rin naman siya eh. Ikaw ba naman na wala man lang magandang panahon at oras para magbonding kami dahil sa busy nga si Daddy. At tyaka si daddy lang may kayang ipagtanggol kami kay mommy pag binubungangaan kami ni Alex ni Mommy.

"I've missed you my princess" sabi sa akin ni Daddy sabay yakap niya saakin. Tumingin siya kay Alex at tila ine-examine ang buong katawan at pagkatao ni kuya. Hindi ko napansin na parang tumatanda na si kuya. Halata na parang magkakaroon na siya ng balbas eh.

"You've grown Alex." compliment ni Daddy kay Alex. Binigyan niya din ng yakap si Kuya.

"Of course Dad. Mabigla ka Daddy kung di ako lumaki diba?" biro ni kuya kay Daddy

"Hahaha. So let's go na. I know you're all hungry. Let's go the restaurant which is famous here at Korea. Then you can have your relaxation when we arrived home. Sounds good?" tanong ni Daddy sa amin. Tumango na lang kaming lahat. Nakakapagod din kayang bumiyahe ng ke-layo layo. Not to mention na ang aga-aga kaming ginising ni Mommy.

Si Mommy naman kasi eh, ang layo-layo kasi porket andito si Daddy akala mo naman mawawala si Daddy sakaniya.

Ah oo nga pala, Si Daddy kasi ay may lahing Koreano. May mga business siya sa mga ibang bansa kaya laging palipat-lipat siya ng pinupuntahan. Ngayon lang kami ulit pumunta sa Korea since malapit sa Philippines. Si Mommy kasi, hindi magawang iwanan si Daddy akala mo naman aahasin ng mga Koreana dito sa Korea eh. Lagi namang pinapaaalala ni Daddy na siya lang mahal niya eh. Ang corny noh? Pero sweet naman.

Aaminin ko, maganda si Mommy. Syempre nagmana ako sa ganda ni Mommy. Hindi naman sa insecure si Mommy, siguro talagang love na love niya lang si Daddy. Kaya siguro ganun siya nagsasacrifice.

*****

Unexpected (SHORT STORY)Where stories live. Discover now