~Robbie's pov~
"HOY ROB BUMALIK KA DITO!!! PATAY KA SAKEN!!!"
"SORRY NA KASE!! DI KO NAMAN SINASADYANG MADAPA KA SA HARAP NYA EH!"
"KAHIT NA! KASALANAN MO YUN! HINARANG HARANG MO KASI YANG PESTE MONG GALAMAY! NAPAHIYA AKO!"
"HAHAHAHA SORRY NA!"
tumatakbo ako ng tumatakbo kasi hinahabol ako ng tropa ko. kasalanan ko bang di sya nakatingin sa nilalakadan nya at madapa sya sa harap ng gusto nyang babae? actually natawa nga ako eh. kaya yun galit na sya.
tumatakbo ako sa hallway ng may bigla akong nabanggang babae, medyo madami syang dala kaya nabitawan nya lahat yun.. kumalat tuloy sa hallway. hay nako. nag sorry ako ng nagsorry pero ang sungit nya! grabe! kala mo kung sinong maganda hay mga babae nga naman.
pero mabait naman ako kaya tinulungan ko nalang :) kaso pagtingin ko sa likod si daniel hinahabol padin ako.. kaya nataranta ako at nabagsak ko ulet lahat ng gamit nya... and i kinda run again while saying sorry.. pero, nagalit yata sya lalo... i think her name is.. a.. ano yun? aaaa... AH! alex! oo nakita ko yung notebook nya alex nakalagay.. teka? panlalaki yun ah.. baka bakla sya? HAHAHA. joke sama ko talaga.
"HOY ROB!"
"huh? ano yun? san na?"
"ANONG SAN NA? walangya ka pre.. naka shabu ka ba?"
"HA? hinde ah! baka ikaw!" antagal ko na pala nakatulala kakaisip dun sa panget na yun hahaha.. may tawag na ko sakanya! Nerdy Girl! dahil muka syang nerd.
"ewan ko sayo. pero pre, di ko talaga makakalimutan atraso mo sakin eh, pinahiya moko sa harap nya!"
"nag sorry na nga eh tsaka di naman nya masyadong napansin."
"ANONG HINDE? TINAWANAN NGA AKO EH!"
"ay. HAHAHA"
"kita mo pati ikaw sama mo talaga sasapakin kita eh"
"SORRY NA NGA KASE!" hay nako. ngayong araw na to, andami kong sinabing sorry.
~~~~~~~~~
~alexandra's pov~
"ALEXANDRA HERNANDEZ!"
"BAKET MICHAELA CRUZ?!" sya ang nag iisa kong bestfriend. si michaela cruz.. kadamay ko sya sa lahaaaat as in lahat ng lungkot at saya ko. kaya may kasabihan ako!
'Mas mabuti nang isa lang ang kaibigan mo kesa madami nga, mga plastik naman.'
Tama ba ko o tama ako? syempre tama ako! hehehe
"wala lang.. kase may ke-kwento ako sayo gurl"
"ano nanaman yun?" lagi nalang syang may kwento hay puro lablayp naman.
"kase si *lumapit and bumulong* daniel nadapa kanina sa harap ko hihihi"
"oh ano naman?"
"ANG CUTE NYA MADAPA!"
"hay micha. lahat nalang!" alam nyo ang laki ng pagkakaiba namin ni micha.. una sa lahat! sya ay maganda, full support ang parents nya sakanya and maayos sya sa pananamit at maayos sya sa lahat ng bagay. di katulad ko... im more with a jeans, shirt, and sneakers kinda girl. i dont like dresses and heels. di ako tomboy ha! iba lang talaga taste ko sa pananamit.
"palebasa kasi ikaw alex, puro ka aral dito aral dun. try mo kaya maghanap ng lalake mo hahahaha!"
"First of all micha, wala akong time dyan and wala namang magkakagusto sakin noh."
"alam mo alex. maganda ka naman eh kaso.."
"kaso ano? kaso panget ako?"
"gaga. kaso di ka marunong mag ayos. alam mo one day dadalin kita sa nag aayos sakin papaayos kita dun"
"hay nako micha. wala nang pag asa tong face ko. kita mo naman, braces palang pak na pak na."
"braces lang yan teh. pwede pang tanggalin yan anokaba."
"oo na.. shemay nandyan na si sir.. wag mo na ko daldalin"
"hay oo na magtetext nalang ako. nakakatamad yan eh"
"shush."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Boom Nerdy girl yan ihh! aahahaha maganda naman pala si alex eh! eto kasi itsura nya, imagine nyo guys ha... meron syang long hair.. medyo brown yun... lagi syang nakatali. and then braces.. may dimples din sya... and then these glasses.. nerd glasses. sya yan. hahahaha xD know you know.