~alexandra's pov.~
"Rob san ba talaga tayo pupuntaaaa?" pang limang tanong ko na to sakanya pero ayaw nya padin sabihin..
"basta wait ka lang." yan din yung sagot nya kanina pa.
after 15 mins. of driving huminto si rob sa isang abandoned park. parang nakapunta na ko dito.. pero di ko sure..
"Rob anong ginagawa natin dito?"
bumaba na kami and nagstart maglakad lakad sa park. walang bata dito and halatang matagal na di napupuntahan kasi medyo madumi na yung mga swings and slides.
umupo si rob sa swing and sabi nya umupo din daw ako sa kabila.
"Lexie may kwento ako."
"ano bayan rob. pumunta pa talaga tayo dito para lang sa kwento mo. ano to teleserye? hahaha"
"baliw hindi! makinig ka nalang."
"sorry. sige ano bayon?"
"nung bata kasi ako.. lagi akong nandito. dinadala ako ng yaya ko." sinimulan nya.
"tapos?"
"and then until one day. may na-meet akong little girl. she was crying here.. on this swing set. so nilapitan ko..."
"o...k..."
"tumayo ako sa harap nya and tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak... humarap sya sakin and.. wow.. her face was pretty and i think na-love at first sight ako."
"woah woah! walang ganun!" di ako naniniwala dun ehehehe
"wag ka nang maingay! makinig ka na nga lang diba?"
"ay sorry."
"naka pig tails sya.. and she's wearing some pink glasses ang cute nya.. i think nung araw na yun.. mga 2 years younger sya sakin.. kasi 10 years old ako nun. so yun nga tinanong ko sya kung bakit sya umiiyak. and then sabi nya.. kasi daw nag away mom and dad nya.. iniwan na daw sya ng dad nya... iyak sya ng iyak."
wait... parang.. Oh.. my.. god.. this can't be.... sya ba.. nononono.. malay mo lex iba diba?
"tapos ano ginawa mo?" i looked at him.. kasi alam ko nung 8 ako pumunta ako dito kasi iniwan kami ni papa and there's a cute boy na lumapit sakin... BUT may binigay sya sakin.. di siguro si rob yun kasi madaming batang naglalaro dito nung mga panahon na yun...
"I told her na, magiging ok yan! wag ka nang umiyak! magbabalikan din mommy and daddy mo! and she smiled weakly at me.. i smiled back ofcourse.. tinanong ko name nya and di sya nagsasalita.. sabi ko nevermind tatawagin ko nalang syang pigtails and tawag nya sakin is batman kasi naka batman akong shirt nun.. it's funny kasi we've been talking for like 2 hours pero di ko parin alam name nya... ang cute nya talaga and ang sarap nya kausap."
I was shocked and i looked at him with wide eyes.. sya nga! sya yung childhood friend ko na nakilala ko dito! i can't believe it.. after all these years nakita ko na sya! di nya napansin na nagulat ako kasi he's still telling me the whole story ng di tumitingin sakin..
"but then.. tinawag na ko ng yaya ko.. sabi nya uuwi na daw kami.. i looked at her and parang bigla syang nalungkot. so ginawa ko, binigay ko sakanya yung suot kong silver ring na batman.. and i made a promise. sabi ko, don't worry pigtails, we will see each other again.. balang araw magkakabanggan ulit tayo and you'll tell me all your problems ulit and i'll be your batman again.. i smiled and she smiled back.. sabi nya, pi---" i cut him off.. tinuloy ko yung sasabihin nya..
"Pinky promise?" he looked at me shocked and i smiled at him with teary eyes..
"pano mo? pano mo nalaman?" sabi nya confused.
may kinuha ako sa loob ng dress na suot ko.. it's a necklace and dun nakasabit yung silver ring na batman.. nilagay ko sya sa necklace kasi di na kasya sa finger ko.
"l-lexie? y-yan yung silver ring na batman!" sabi nya habang tinitignan yung singsing.
"oo rob eto nga...." i smiled and he's still shocked
"I can't believe it! after all of these years nakita ko na ulit si pigtails! alam mo bang everyday dumadaan ako dito and hinihintay kitang bumalik? pero di ka na bumalik."
"di na ko bumalik kasi di na ko pinapalabas ng bahay simula nung maghiwalay sila mama.. over protective na si mama sakin nun kaya yun. school and bahay nalang ang mga lugar na pinupuntahan ko. hahahaha"
"oh.. pero ok lang yun! ang mahalaga nakita na ulit kita! hahahaha ang saya saya ko!" he hugged me so tight and wala akong magawa kung hindi yumakap pabalik.
i think eto yung sinasabi nilang destiny? na, kahit gaano pa kayo kalayo sa isa't isa, kung para talaga kayo sa isa't isa, magkikita't magkikita padin kayo ulit.
"ang galing no? actually di ako naniniwala sa destiny pero ngayon.. napatunayan natin na totoo yun. hehehe" yes rob you're right.
"hehe oo nga eh."
"ang cute mo kaya nun nung time na yun. ang laki ng glasses mo tapos naka pigtails ka tapos ang liit mo.."
"oo na rob! hahahaha tama na! hahaha ako na..maliit dati."
"hanggang ngayon naman eh. hahahaha" ginulo nya buhok ko and saka tumawa ng tumawa.
"aray. lika na nga! gabi na oh. baka kung ano pa makita natin dito hahahaha" ang dilim na and takot ako sa dilim hehehe
"tara hahahaha"
he drove me home.. and sabi nya ingatan ko daw sarili ko... pumasok ako and i saw my mom sleeping on the sofa. bukas yung t.v tapos may beer sa tabi nya.
kumuha ako ng blanket tsaka pillow. nilagay ko yung pillow sa ulo nya and kinumutan ko sya. kahit ganto tong si mama, mahal na mahal ko padin sya. because without her, wala ako dito.
i kissed her forehead and bumulong ako ng goodnight. pinatay ko na yung t.v and umakyat na ko sa kwarto ko. nagpalit na ko ng pajamas and inayos ko na sarili ko.
i just remembered. may pasok pala bukas. haaaaay. pero ok lang! atlis makikita ko si rob ulit hehehehe..
di na nagtagal nakatulog na din ako.. this is the best night ever.
~~~
~Rob's pov.~
dinala ko si lexie sa isang memorable place para sakin. yung abandoned park kung saan dinadala ako ng yaya ko lagi nung bata ako.
umupo kami sa swing set and nagsimula na kong nagkwento kung bakit to memorable sakin. i told her na dito ko nakilala yung love at first sigh ko..pero di sya naniwalang may ganun talaga.
nagulat ako kasi alam nya yung sinabi sakin nung little girl.. 'Pinky promise?' and then pinakita nya sakin yung necklace na may silver ring na batman. wich is yung binigay ko kay pigtails. parehong pareho and sabi nya sya si pigtails..
ang tagal ko nang hinahanap yung little girl na yun and i can't believe it na all this time nasa harap ko na pala sya.. i hugged her tight and she hugged back..
ang saya saya ko kasi simula nung day na makilala ko yung little girl na yun, lagi ko nang pinipilit yaya ko pumunta dito sa park na to. but di ko na sya nakita ulit.
tama nga siguro sila, totoo yung destiny.. una di ako naniniwala dun pero.. ngayon.. napatunayan na namin na totoo yun.
after that nagyaya na sya umuwi kasi medyo madilim na.. and it's kinda creepy there actually. so hinatid ko na sya pauwi and sabi ko ingatan nya sarili nya sa mom nya.. ayaw ko nang maulit yung nangyari sakanya.
umuwi na din ako sa bahay and wala naman dun parents ko. nag over time nanaman yata. i think this is the consiquence of being rich. wala lagi parents mo kasi busy.
so umakyat nalang ako sa kwarto ko and started thinking about lex. kung anong ginagawa nya.. or kung ano nang nangyari sakanya. di din nagtagal nakatulog na din ako. this is the best night ever.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Boom! hahahaha yey! update na ulit! kahit may exam pa ko bukas, update padin hehehe. patay ako kay mami kat. anyways. hope you like this one guys ;) labyuu :* <3