*Rob's pov*
lexie.. lexie.. lexie... hays.. kelan kaya ako magkakaron ng lakas ng loob para mapagtapat ko na gusto ko sya? ang hirap kasi.. baka di nya ko gusto and masira pa friendship namin... kaso baka maunahan ako netong drew na to.. badtrip naman.
Naglalakad na ko pauwi and nakasalubong ko yung drew -.- di ko na dapat papansinin kaso tinawag ako..
"Rob! rob right?" sabi ni epal
"oo baket?"
"tatanong ko lang sana kung nasan si alex?" walangya kang hinayupak ka
"umuwi na baket?"
"yayayain ko sana sa mall ahaha sayang.."
"hindi din sasama yun kasi pagod. asa ka pa" i lied HAHAHA sama mo rob pero ok lang yan >:3
"ah.. ok.. sige thank you nalang" hahaha buti nga sayo.
mall mall ka pang nalalaman dyan letche. uuwi na nga lang ako. iniwan kasi ako ni lexie eh huhuhu sana nakauwi sya ng safe..
pero kailangan ko na talaga magplano.. gusto ko sya.. mahal ko na ata sya.. ayokong bestfriends lang kami... ayoko ma-friendzone... bakit ganto... lagi nalang akong nagseselos pag magkasama sila nung drew.. pag nakikita ko syang masaya kasama si drew... oo selfish tignan pero... masakit eh.. bukas na bukas pagtatapat ko na nararamdaman ko!
~
*next day*
ok..ok.. rob, breathe... kaya moto... siguro nandun na yun si lexie.. may hinulog kasi akong letter sa locker nya..
-letter-
Hi! umm.. kita tayo sa garden 3:00pm :) hihintayin kita alex! <3
-unknown
yes.. ayun yung nakalagay.. bat di ko nilagay name ko? kasi para surprise.. may dala akong boquet and chocolates.. mahilig kasi si lexie sa chocolates and favorite nya white roses.. eto na.. papunta na kong garden.. oo may garden and campus namin. dun ko naisipan makipagkita kasi wala masyadong tao.. and maganda yung paligid.. sumilip muna ako and nakita ko si lexie..ang ganda nya talaga.. bumibilis tibok ng puso ko.. sheeet..
papalapit na sana ako kaso.....
Aray...
humito tibok ng puso ko nang makita kong nandun si drew....lumuhod sya sa harap ni lexie.... may flowers and........... tinanong nya si lexie kung pwedeng maging sila............ umo-o si lexie...... ang sakit sakit! nabitawan ko yung mga dala ko and tumakbo palayo.. pinipilit ko wag umiyak pero may isang luhang nakawala sa aking mata..
napunta ako sa music room.. walang tao.. ang sakit saki.. ang tanga tanga ko kasi..bat di ko sinabi nung una pa naunahan tuloy ako.. ang sakit sakit.. bakit ganto ang daya daya naman!.
lumabas na ko ng room after 30 mins. and nakasalubong ko si lexie and.......... drew....
"Rob!!!!" hi lexie.. oo mahal kita.. iwanan mo na si drew ako nalang sana.. lexie ang sakit.. wag mong gawin sakin to... mahal na mahal kita....
"HUY ROB!" sigaw sakin ni lexie....
"o-oh... h-hi" sabi ko
"may sakit ka ba? bat ang tamlay mo" kasi sinaktan moko lexie.. ang sakit sakit..
"ah.. wala.. bagong gising lang kasi ako.. hahaha" ang totoo nyan kanina pa ko umiiyak lexie...
"ehem..ehem.." nandun nga pala si drew.. sa likod nya..... magkahawak sila ng kamay...
"ay! rob may goodnews akoooo!" ang saya saya ni lexie.. makita ko lang mga ngiti nya ang saya saya ko na
"ano yun?" sabi ko
" KAMI NA NI DREEEEW!!" pinakita nya sakin yung holding hands nila.......
"ah.. haha. congrats." nag smile ako kahit ang sakit sakit
"oh? di ka ba masaya para sakin?" hindi lexie..mas masaya kung tayo nalang
"masaya.. masama lang talaga pakiramdam ko.. sige una na ko. congrats ulet...."
iniwan ko na silang dalawa dun and naisipan kong umuwi nalang.. ang sakit sakit bat ganto... ayun na eh.. ready na ko magtapat bat nabitin pa? ang tanga ko talaga... sa katorpehan ko ano ako ngayon? eto umiiyak and tinitiis yung sakit....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
WHUUUU yung tipong ngayon lang nag update kasi walang wattpad na naka install sa phone ko -.- kaya sorry xD hahahaha labyuuu oll :*
![](https://img.wattpad.com/cover/24457584-288-k268484.jpg)