~alexandra's pov.~
*lakad dito.. lakad dun..* kelan kaya mapapagod tong si micha? *sighs*
"uy! alex tignan mo! ang ganda ng dress oh!" pinakita nya sakin yung black dress with pink ribbon.. tube cocktail dress sya.. it looks cute but i don't really wear dresses nga diba?
"ah.. oo ganda. sukat mo." sabi ko na parang tamad na tamad.
"ikaw nalang kasi di ko makikita pag ako eh..." ako.pa.talaga.pinagsukat.
"micha naman parang di mo naman ako kilala.. di nga ako nagde-dress diba? ayaw ko nga.."
"sige na alex.. please? minsan lang naman to eh."
"no"
"please"
"ayoko talaga"
"sige naaaa! *puppy eyes*"
"di gagana sakin yan this time. huh!" sinubukan kong di tumingin sakanya..
"please please please pretty pleaaaase!"
"HAY NAKO OO NA AKIN NA! JUSKO!" nako naman ano pa nga ba magagawa ko ang kulet neto -_-
"YEY!!!! WHUUU!! ETO NA DALI SUOTIN MO NA!" binigay sakin yung dress and then tinulak sa loob ng fitting room
at dahil masunuring bata ako sinuot ko nga.. after 10 minutes of struggling with this fudging dress lumabas na ko..
"wow..." nakanganga si micha sa harap ko
"ano masaya ka na?"
"a-alex ang ganda mo pala pag naka dress walangya ka" abay na walangya pa ko -_-
"oo na micha huhubarin ko na. nakita mo na eh." bumalik ako sa loob and then nagbihis na ulit ng damit ko. lumabas na din ako kagad.
"alam mo alex, bilin mo yang dress na yan."
"para san naman. di nga ako nagso-suot ng ganto. nako naman."
"kakailanganin mo yan. kasi malay mo may party sa school parang aquitance party mga ganun.."
"una sa lahat micha, kahit magkaganun man sa school, di ako pupunta. pangalawa, wala naman akong ka-close masyado ikaw lang. pangatlo, nakakahiya noh."
"hay nako alex, basta pag nagkaganun sa school pupunta at pupunta ka padin. kasi! pupunta ako mehehehe sasamahan moko"
"no way"
"yes way"
habang nagtatalo kami ni micha may tumawag sakanya.. nanggaling sa likod namin eh.. sino kaya yun.
"Michaelaaa!" sabi nung guy
"basta ale--" tumingin si micha sa likod nya at nanlaki yung mata
"oh anyare sayo teh?" tumingin din ako aaaand si daniel pala yun -_- kaya pala! ang all time crush ni micha jusmiyo.
"alex si daniel..." nafe-feel ko na.. eto na.. 3... 2.... 1..
"ARAY KO MICHA!" kinukurot na nya braso ko. grabe. eto lang ang masasabi ko sainyo
'Wag kang tatabi sa kaibigan mong kinikilig kung ayaw mong masaktan'
lumapit na samin si daniel at ayun si micha ang laki ng ngiti.
"hi micha nandito din pala kayo hehehe ano ginagawa nyo dito?" sabi ni daniel
"ah eh.. w-wala nagsho-shopping lang" na uutal na sabi ni micha. ano bang meron kay daniel bat nagkakaganto sya.. pero di ko naman sinasabing panget si daniel.. matangkad sya, basketball player, may dimples din.. maganda yung ngiti nya.. actually bagay talaga sila ni micha..