"Kingina?!"
Hindi ko alam 'yong mararamdaman ko habang nakatingin sa subject at sender ng email na na-receive ko ngayon-ngayon lang. Naka-seventh look na ako pero di pa rin ako makapaniwala.
"Totoo pala iyong kagaguhan ni Leqleq no'n?"
"Bee, kinakausap mo na naman sarili mo," narinig kong komento ng asawa kong si Nikki mula sa CR. "Matuluyan ka niyan."
Hindi na ako sumagot at ngumisi lang. Gano'n kami maglambingang mag-asawa—balahuraan. Binalikan ko ang email ko.
From: kebenxrated69@dearfutureself.com
Subject: A message from the past you! (via DearFutureSelf.com)
Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan akong buksan. Sa totoo lang, hindi ko na maalala 'yong time na sinulat ko 'to. Pero tanda ko, kada may mangyayari sa'king kakaiba o special no'n, ini-email ko 'yong sarili ko na dated sa taong ito: 2030. Parang marami-rami rin akong napadalang email noon kaya mukhang araw-araw akong may matatanggap na sulat mula sa "past self" ko mula ngayon.
Dati, korning-korni ako habang sinusulat 'yong "future letters" ko, pero ngayon... tangina, bakit kinakabahan ako?
Nilunok ko 'yong namumuong laway sa lalamunan ko at t-in-ap ang email. 'Tangina, tapos virus pala, eh, 'no?
A trip to memory lane starts now, indeed.
BINABASA MO ANG
Dear Future Keben
General FictionMaalat ang 2030 ni Kevin. Matumal ang raket sa showbiz, palaging busy si misis, at hindi pa rin sila magkaroon ng baby na mapapamanahan niya sana ng kanyang apelyido at sandamukal na talino at talents. Malapit na siyang uminom ng antidepressants nan...