Kabanata 7. Ikasiyam na Liham

41 4 0
                                    

Hoy, future self.

Akalain mong graduate na ako ng high school. Shet ang sarap hindi maabutan ng k to 12 ba yon???? hahahaha

Wala ako sa honor roll kasi lumot lang naman akong palutang-lutang sa klase. Kung walang saving grace ni leqleq, baka nga ilang beses na akong bumagsak sa math. Si leqleq??? Ayun, wala rin sa honor roll!!!! HAHAHAHA. Pero marami siyang medals kase kung saan-saang lugar siya ipinambato sa IT competitions. Pucha, nag-champion nga yun sa Nationals eh. Na-special mention din pala ako kase 2nd place ako sa National Secondary Schools Chess Tournament. Oha??? Di halatang proud ako at binuo ko pa hahahaha. Sabay kaming umakyat ni leqleq sa stage kahapon para sa special mention sa'min. Tangina, medyo nakakaproud. Lumot man sa klase, lumutang naman sa national competitions. Nyaahahaha san kayo, mga ulol!!!

Isa pa palang nakaka-proud moment kay leqleq. Out of 60 sa klase namin, isa si leqleq sa kinseng magka-college sa UP. At tatlo lang sila sa Diliman!!!!! Partida, wala sa honor roll yan!!!! Nyahahahahaha. Ako naman, di ko sigurado kung sa UST o sa NU. Tangina, akalain mo yon???!?? Hahahaha. Sabe ng sponsor ko, pag sa UST ako, libre tuition ko pero wala akong stipend. Pag NU naman, may stipend ako. Naisip ko na sa NU pero gusto ng nanay ko mag-UST raw ako kase pangarap niya raw mag-aral dun dati. Sabe ko nga, edi siya mag-aral don. Inupakan ba naman ako. Minsan talaga, pakiramdam ko, iisa sina mama at leqleq eh.

So anong pinili ko, brad??? NU? UST??? O di ako nag-aral???? Hahahaha parang mas posible yung huli ah.

Peace out,

Keben @ 16

P.S. Tangina, makakaya ko ba ang college life na wala si leqleq???? wala akong kokopyahan ng assignments????

P.P.S. Hindi ko talaga kayang panindigan yung writing style ni leqleq. Salamat at may auto capitalization yung word dito sa net shop.

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon