hoy future self.
dehins ko alam bakit ako pumatol sa kupal na suggestion na to ni leqleq eh. nadiskubre niya tong kagaguhang website na to dahil sa project namin. tapos inaya ba naman ako na sulatan daw namin future selves namin para magkaroon daw kami ng connection sa past selves namin??? hahaha sabe ko sa kanya "ang jologs mo koplog!" pero tamo, anong ginagawa ko ngayon?? hahahahaha. pero siya kase, jologs talaga. ang future self na susulatan ba naman niya eh yung 18-year-old self niya? eh four years from now lang yun eh!!! parang gago, ano namang malaking magbabago in four years diba???
shet teka akala ko wala akong masasabe sayo hahahaha. siguro ngayon, kung buhay ka pa, 35 years old ka na. yak, shet, ang gurang mo na!!! yak, nag-aarthro ka na siguro hahahahahahahahaha
ano ka na ngayon??? kanina, tinanong ako ni leqleq kung ano pangarap kong trabaho. sabe ko sa kanya, gusto kong maging businessman. tanong niya, ano raw business. sabe ko, wala pa. basta gusto ko lang marami akong pera saka may sarili akong cubicle saka de-aircon yung papasukan ko araw-araw wahahahaha. tinanong ko naman siya kung anong gusto niya. sabe niya, basta kahit anong trabaho na gumagamit ng computer kasi ayaw niyang magsulat hahaha kupal talaga. tapos sabe ko, sa business ko na lang siya magtrabaho para solid kame, walang iwanan. basta raw the price is right, maaasahan ko raw siya hahaha
hindi ko nasabe kay leqleq na wala pa naman talaga akong solid na pangarap. gusto ko lang kumita para kay mama. gusto ko lang na tumigil na siya sa pagbebenta ng isda sa palengke kase naaasar ako pag umiiyak siya kase napalayas na naman siya sa pinuwestuhan niya. tangina, gusto kong upakan yung mga nanggagago kay mama. kaso di pwede. mawawalan ako ng scholarship saka sasapakin ako ni leqleq.
sabe pala ni leqleq, bagay raw akong maging pilosopo. sabe ko, gago siya hahaha. kelan pa naging trabaho maging pilosopo??? teacher daw kasi ibig niyang sabihin. ang dami ko raw kasing alam, bat di ko raw pagkakitaan. hahahahaha gago
nga pala, nakapagtapos ka ba?? anong course mo??? business talaga?? o sinunod mo yong suggestion ni leqleq at nag-educ ka??? pero paano yon?? bobo ako sa math eh. nangongopya nga lang ako ng assignments kay leqleq eh wahahaha. nairaos mo yon?? hahaha kung hindi ka nakatapos, ano ka ngayon???? tangina, please wag ka naman sanang artista. kadiri yon, daming magbibigay sayo ng mababaw na pagtingin. yak yak yak hahahahaha
tangina, ang dami ko nang natype ah. hahahaha dadagukan ako ni leqleq neto pag nalaman niyang pinatulan ko yong "jologs" niyang ideya hahahahahaha
peace out,
keben @ 14
p.s. bespren mo pa rin ba si leqleq??? o ano... never mind hahahahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/191628331-288-k178623.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Future Keben
Ficção GeralMaalat ang 2030 ni Kevin. Matumal ang raket sa showbiz, palaging busy si misis, at hindi pa rin sila magkaroon ng baby na mapapamanahan niya sana ng kanyang apelyido at sandamukal na talino at talents. Malapit na siyang uminom ng antidepressants nan...