hoy future self.
ilang babae na nabigyan mo ng flowers???? napasulat ako ngayon sayo para ipaalala sayo yung tanginang feeling ng first time na magbibigay ng flowers. whoo shet tangina parang washing machine dibdib ko ngayon hahahaha
ngayon ay feb 13. bukas, valentine's day. wala naman talaga akong pake sa mga lab-lab kagaguhan na yan pero kase... ahhhhhh, nakakabwiset paano ko ba ikukuwento to!!!!
kanina sa palengke, tinulungan ko si mama na mag-ubos ng paninda. tapos malapit sa pinuwestuhan namin eh si manong na nagbebenta ng roses. pucha bukas pa yung araw ng kalandian, blockbuster na agad si manong. tapos napansin ko si mama na nakatingin dun sa mga lalaking bumibili. tangina, parang minartilyo yung puso ko. wala kase akong tatay. binuntis lang ng gagong hayop na yon si mama tapos iniwan din. ni hindi man lang binigyan ng pagmamahal na deserved ng nanay ko. bigla akong napahugot ng tres sa bulsa ko at napatakbo kay manong na nagbebenta ng bulaklak eh. sabe ko, pabile para sa mama ko. kaso tinawanan ako ng gunggong. petals lang daw mabibile ko sa tres. bwiset!!!
pero syempre, di ako susuko nang ganon lang. nanguha ako ng tanso sa sampayan ng mga kapitbahay namin tapos binenta yon sa junk shop hehehe. binalikan ko si manong para bumili ng roses. kingina ni manong, meron na akong trenta! may pang-internet pa!!! hahahaha kaso takte, pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si mama, may hawak nang roses. tinanong ko siya kung saan galing yon. binili niya raw para sakin. sabe ko, baket??????
para daw may maibigay ako kay leqleq.
di ko alam pero di agad ako nakapagsalita. akala siguro ni mama kanina, para kay leqleq yung bibilhin kong roses nung magkasama kame. ang dami na tuloy naming roses sa bahay!!!!!
pagkabigay ko kay mama nung binili kong roses, inabot niya sakin yung binili niya. pinilit akong ibigay ko raw kay leqleq. sabe ko, baket ako magbibigay kay leqleq ng bulaklak??? shota ko ba siya??? kinindatan ako ni mama. apakamalisyosa!
hindi ko nga alam kung baket kabadong-kabado ako ngayon. saka kung bakit tinalian ko pa ng red na ribbon yung mga roses na ibibigay ko kay leqleq. iniisip ko, baket naman hindi di ba? bespren ko si leqleq. importante siya sakin. deserved naman niyang mabigyan ng roses. pero baket nga kase ako kinakabahan????!!??
whooo tangina. ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa valentine's day.
peace out,
keben @ 14
p.s. nagustuhan ba ni leqleq yung roses?????\
BINABASA MO ANG
Dear Future Keben
Fiksi UmumMaalat ang 2030 ni Kevin. Matumal ang raket sa showbiz, palaging busy si misis, at hindi pa rin sila magkaroon ng baby na mapapamanahan niya sana ng kanyang apelyido at sandamukal na talino at talents. Malapit na siyang uminom ng antidepressants nan...