Kabanata 2. Bakit ko ba pinatulan iyon?

95 6 0
                                    

Bakit ko ba pinatulan iyon?

Napalunok ako nang makitang meron na naman akong email mula sa sarili ko two decades ago. No'ng una kong mabasa 'yong unang email, natawa ako, e. Pinabasa ko pa nga kay Nikki kasi mukhang gago lang 'yong concerns ko sa buhay at 14 years old. Pero no'ng mabasa ko na siya nang tatlong beses, limang beses, siyam na beses... parang lalo akong na-depress.

Paano nga kaya kung itinuloy kong mag-aral ng kursong Business? Paano nga kaya kung sinunod ko 'yong suggestion ni Leqleq na mag-aral ng Education? Paano nga kaya kung hindi ako artista?

Hindi sana ako tengga ngayon--iyon marahil ang sagot ko sa lahat ng tanong ko. Two months na kasi akong walang major project na nakukuha. Hindi ko naman masabing laos na ako kasi may mga nag-o-offer pa naman sa'kin ng mga raket. Iyon nga lang, hindi na kasing-petmalu gaya ng dati. Five years ago, pati yata pag-utot ko, inaantabayanan ng sambayanang Pilipino. Syempre, hindi ko nami-miss iyon--'yong pagtrato sa'yong robot ng fans mo--pero nami-miss ko 'yong clamor... 'yong suporta. Sa panahon ngayong tatlong taon na akong may asawa, solids ko na lang ang natitirang tagapakyaw ng tickets ng mga pelikulang pinagbibidahan ko. Masakit aminin, pero nandoon na tayo... oo, palaos na ako.

Hindi naman masyadong big deal sa'kin ang pagiging tengga. Dami ko kayang talents! Naaalibadbaran lang ako tuwing magtatalo kami ni Nikki dahil halos hindi ko na siya nakikita/nakakasama nang matagal sa bahay. Kung hindi siya nagko-cover ng sports news, nagmo-model naman siya. Ang lagi niyang dinadahilan, kesyo "kailangan naming mag-ipon kung gustong-gusto ko raw magka-baby." Kingina, di ba? Sampal sa'kin iyon kasi marami naman akong ipon sa tinagal-tagal ko sa showbiz. Wala lang akong stable income, ipapamukha na niyang "kailangan naming mag-ipon"?

Valentine's day pa naman bukas. Usually, nagkukumahog na ako ngayon kung paano isu-surprise si Nikki sa araw ng mga puso. Kahit out of the country siya dahil sa trabaho noon, nagagawan ko pa rin ng paraan para mabigyan siya ng regalong di niya malilimutan. Pero ngayon, parang tinatamad na ako. Bukod sa nasa Milan siya para sa isang modelling stint, hindi rin maganda ang pagtatalo namin no'ng umalis siya kahapon. Pinilit ko kasi siyang tanggihan 'yong raket dahil nga Valentine's day. Sinabihan ba naman akong huwag tanga at para naman daw sa kinabukasan namin iyong ginagawa niya.

Pakiramdam ko tuloy ngayon, parang wala na akong kuwenta.

Dumagdag pa 'yong buwisit na email na 'yon. Binalaan ko na pala 'yong sarili ko noon na huwag mag-artista pero sumige pa rin ako. Matigas talaga ulo ko noon pa man.

Ano na naman kayang laman ng bagong email na 'to? Hayst.

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon