Kabanata 4b. Nakakatawa.

70 6 0
                                    

Nakakatawa.

Siguradong habang sinusulat ko 'yong last email na natanggap ko, kilig na kilig ako noon. Naaalala ko 'yong tindi ng crush ko dati kay Nikki. Parang gusto kong bilhin lahat ng pambabaeng gamit noon para iregalo sa kanya. Diyosang bumaba sa lupa talaga kasi ang tingin ko sa kanya noon. Para siyang may ekstrang sinag ng araw na kasa-kasama niya kahit saan siya magpunta.

Pinagmasdan ko ang babaeng nakahiga sa tabi ko ngayon. Nakasimangot siya, medyo nakanganga pa. Napaka-oily ng mukha niya, may papatubo pang pimple. Pwede nang pamugaran ng ibon ang napakagulo niyang buhok. Kararating lang niya from Milan kagabi kaya bakas sa hitsura niya ang sagad-sagarang jet lag at pagod.

Nakakatawa kasi natupad ko 'yong "pangarap" ko noong bata pa ako. Nagawa kong gawing "Izrael" ang apelyido ni Nikki. Higit sa lahat, nagawa ko siyang piliting matulog sa tabi ko kahit ang tindi ng pag-aaway namin kagabi.

Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung saan nagsimula 'yong away namin at kung ano mismo 'yong pinag-awayan namin. Oo na, oo na. Lasing din kasi ako. Basta ang natatandaan ko lang, ayokong matulog nang hindi kami nagkakaayos o hindi kami nagtatabi sa pagtulog. Hindi pa rin yata kami ayos, pero at least katabi ko siya ngayon.

Hoy, past self...

Sana hindi ka na lang tumanda.

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon