Kabanata 7a. Keben!

111 8 4
                                    

"Keben!"

Kahit masama ang pakiramdam, hindi ko napigilang mapangisi sa sabay na pagbati sa'kin ng mag-asawang Leqleq at Yosh. Bumisita ako sa opisina nila sa QC para magpalipas ng oras. Kung hindi kasi ako aalis sa bahay, pakiramdam ko, mababaliw na ako. Ang laki-laki ng bahay na iyon. Ang laki-laki niyon kasi gusto namin dati ni Nikki ng malaking pamilya.

Nakakatawa lang, kasi hanggang ngayon, ako lang ang madalas na matulog sa bahay na iyon.

"May gusto ka bang kainin o inumin, Keben? Sabihin mo lang, magpapakatay ako ng baboy para sa'yo," ani Leqleq, nakangisi.

Umiling-iling ako. "No need. Ako lang 'to, guys. Ako lang 'to."

Inakbayan ako ni Yosh at iginiya sa receiving area. "Anong gusto mo, Kev? Coffee, tea, or my tit—"

"Hoy! Mga lintik kayo!" sita ni Leqleq, pinaghiwalay pa kaming dalawa ni Yosh. Tawang-tawa naman ang masuwerteng asawa ng bespren ko. "Tahasang bastusan, ano? Kung maglalandian kayo, huwag naman sana sa presensya ko."

Kinurot ni Yosh ang pisngi ni Leqleq. "Napakaselosa naman po ni love. Minsan lang naman kami magkita nito ni babe. E, ikaw, gabi-gabi kang busog sa'kin."

Namula yata pati bumbunan ni Leqleq sa narinig. Sa sobra yatang pagkapahiya, kinotongan na lang niya si Yosh. Bilib din naman ako sa bespren ko, e. Kaliit na babae, kayang mangotong ng kapre.

Pinigilan ni Yosh ang mga combo pa sanang kotong sa pamamagitan ng yakap. Hindi pa nakontento ang kapre, pinaghahalikan din niya ang ulo at mukha ni Leqleq. Ilang segundo pa, opisyal nang nagharutan ang mag-asawa. Sa harap ko. Sa harap ng kaibigan nilang nagdadalamhati at sawing-sawi.

"Ehem, ehem, ehem, ehem!" singit ko, iniiwasang tumingin sa ka-sweet-an ng dalawa. Hindi ko alam pero naba-bad trip ako. "Office hours tapos nasa opisina, naglalampungan. My ghad! Anong ehemplo kayo sa kompanya n'yo?"

"Dami namang 'ehem' no'n," komento ni Yosh. Nakangiti nitong pinakawalan si Leqleq na tila gusto pang magprotesta. "Anong ehemplo raw tayo, love?"

"Ehemplong 'lakompake kasi kami nagpapasahod dito, pwede kaming maglampungan saan o kailan man namin gusto.'"

Napailing-iling ako sa sagot ni Leqleq. "Lalandi n'yo, buti hindi pa nasusundan si Alexi?"

"Balak naming sundan kapag four or five years old na si Alexi," sagot ni Yosh na tinanguan ni Leqleq. "Para maturuan na rin namin siya ng sense of responsibility by being an ate to her baby sister or brother."

Shet. Parang may bumarang squid ball sa lalamunan ko. Sana all. Sana all ng mag-asawa, handa sa idea ng pagkakaroon o pagkakaroong uli ng anak. Sana all confident. Sana all understanding.

Tumango-tango ako para pagtakpan 'yong inggit at bad trip ko. "Kaya n'yo namang mag-provide, so tama lang. Happy for the two of you."

"Kaya mo rin namang mag-provide, ah?" sagot ni Yosh. "Ayaw pa rin ba ni Nikki na—"

Dinig ko ang biglang pag-igik ni Yosh dahil sa marahas na pagsiko sa kanya ni Leqleq. Mukhang nagkausap na ang dalawa tungkol sa mga echas ko ngayon. Kaya nga rin yata dalawa silang sumalubong sa'kin ngayon kahit pareho silang boss ng opisina.

Tangina. Ano ba naman 'to, nakakahiya. Pati sa mga kaibigan ko, nagpapabuhat pa ako.

"Uh... sige, alis na ako. May pupuntahan pa talaga ako, e. Dinaanan ko lang kayo," pagpapaalam ko. "B-ba-bye."

Kita ko ang tila pagkataranta sa mga mata ni Leqleq. Bigla itong nagpipindot sa cellphone nito. "T-teka, Keb! Huwag ka munang umalis."

Sumang-ayon naman ang asawa. "Oo nga, dito ka na mag-lunch."

"Hindi, meron talaga kasi akong—"

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita, halos ingudngod na sa akin ni Leqleq ang hawak na cellphone. "Nakausap ko na 'yong prof namin dati. I have the checklist of everything you need if you wish to continue studying. Pero hindi na sa UST, but in UP, either in Diliman or via Open University. Kinuha na namin ni Yosh ang transcript mo sa UST, pati birth cert mo sa PSA. I'll take care of the reference letters. Essay na lang kulang—pwede kong gawin iyon, actually—pero mag-effort ka naman. Ha-ha!"

Noong nag-aaral kami, lagi kaming nasa "Noisy" ni Leqleq dahil hindi namin hinahayaan ang isa't isa na angkinin ang huling salita. Pero ngayon, wala akong maisip ni isang tamang salita para isagot kay Leqleq. Parang mababaw ang salitang "salamat."

Mula noon hanggang ngayon, si Leqleq ang nagbibigay ng direksyon sa buhay ko.

Tangina, Leq.

Tangina, 'wag mo namang hayaan na mahulog ako ulit sa'yo. 

Pigilan mo ako.

Nahuhulog na uli ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon