hoy future self.
tandaan mo, pupuntahan kita at sasakalin kita kapag hindi mo tinupad yong binitawan mong salita kanina. sinasabi ko sayo.
gawin mong izrael ang apelyido ni nikki oh.
patunayan mong mali na sinabihan ka niyang "dream on" kanina nung sabihin mong ideal girl mo siya. patunayan mong karapat-dapat ka sa kanya.
higit sa lahat, patunayan mo kay leqleq na hindi ka niya dapat tinawanan at kinantiyawang "torpe." arrrrrgggh, nanggigil ako kay leqleq, sarap tirisin!!!!!
peace out,
medyo brokenhearted na keben @ 15
p.s. sana nagantihan mo na si leqleq sa mga pambabasag niya sayo. sama ng ugali niyang bespren mo, bwiset!!!!
BINABASA MO ANG
Dear Future Keben
Fiksi UmumMaalat ang 2030 ni Kevin. Matumal ang raket sa showbiz, palaging busy si misis, at hindi pa rin sila magkaroon ng baby na mapapamanahan niya sana ng kanyang apelyido at sandamukal na talino at talents. Malapit na siyang uminom ng antidepressants nan...