Kabanata 3a. Ikatlong Liham

75 6 1
                                    

hoy future self.

di ko nabigay kay leqleq yung roses. tangina.

gago kasi si jc eh. ribbon pa lang ng roses nakikita niya sa bag ko, inasar na akong inlab kay leqleq. sabe ko, paano siya nakakasiguro na para kay leqleq yung bulaklak?? si leqleq lang naman daw kase yung hinahayaan kong lumapit na babae saken. parang ang sungit-sungit ko raw sa mga nagkakacrush saken pero pagdating kay leqleq, ang bait-bait ko raw. sabe ko, malamang!!!! bespren ko yun eh!!!! kaya tinanong na lang niya ako kung para kanino yung roses.

tangina, di ako makasagot.

nung makita ko na si leqleq, parang mas malakas pa sa buong drum and lyre band yung kabog sa loob ng ribs ko. parang gago amputa. siguro nakabenteng lunok muna ako bago nasagot yung good morning niya sakin. tinanong niya ako kung may sakit ako kase namumutla raw ako. lakas ng halakhak ng gagong jc.

patapos na yung klase, ni hindi ko pa nalalabas sa bag ko yung roses. tangina, nanguluntoy na yung petals hahahahaha. pawis na pawis na yung mga kamay ko ten minutes bago mag-ring yung bell. nung nag-ring na, para na akong nakalunok ng buong stork na candy at di na ako makapagsalita. para matapos na yung paghihirap ko, inabot ko na lang kay mrs. antonio yung animal na roses nung mag-dismiss na siya. kinilig masyado si mommy, binigyan ako ng isang pack ng binebenta niyang tocino hahaha. puta ayos, rapsa ng gabihan namen.

inasar ako ni leqleq paglabas ko ng room. di niya akalaing may pagnanasa raw pala ako kay mrs. antonio. tawa siya nang tawa, napakapit pa siya ng mahigpit sa balikat ko.

tangina, future self. ayokong aminin pero parang...

puta, parang kinilig ako?????

yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaakkkkk

peace out,

keben @ 14

p.s. sana nakapagpa-check up ka na sa puso. gago, hindi talaga normal tibok niyan kanina.

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon