Kabanata 3. "Manong ka na talaga, Keben."

74 6 0
                                    

"Manong ka na talaga, Keben."

Sinimangutan ko si Leqleq nang combo-han pa niya ng pagtawa 'yong pang-aasar niya. Valentine's Day ngayon at nakiusap akong makipag-meet sa kanya. Buti na lang mahal din ako ng asawa niyang si Yosh at ng anak nilang si Alexi—na, by the way, ay meron na naman yatang binu-bully sa play area ng kinaroroonan naming restaurant.

"Mana talaga sa'yo 'yong anak mo, o. Sama rin ng ugali, wala pang three years old," pag-iiba ko ng usapan habang nakatunghay kay Alexi na pinapamaywangan ang kalaro nito. "Lakas talaga ng dugo ng berdugo."

Pinaikutan lang ako ng mga mata ni Leqleq. "Alam mo, imbes na pakialaman mo ang anak ko, gumawa na lang din kayo ni Nikki ng inyo! Nauna pa kayong magpakasal sa'min ni Yosh, ah."

"Ano, may race?"

"Ang akin lang, alam ko namang dati mo pa gustong magka-baby," ani Leqleq. "Hindi pa rin ba pumapayag si Nikki?"

Nagkibit-balikat ako. "Mag-ipon daw muna kami, eh."

"May budget na naman kayo kahit hanggang college pa ni baby, ah! Sa kuripot mo, ang dami mo na kayang anda!"

"Kulang yata, eh. Wala kasi ako masyadong raket ngayon. Feeling yata ni Nikki, maghihirap kami dahil sa'kin."

Natahimik si Leqleq. "May sa-laos ka na nga rin kasi talaga, ano?"

"Salamat, bespren, ah! Salamat!"

Tumawa siya nang makitang totoong nasaktan ako sa sinabi niya. "Pero gwapo ka pa rin naman! Saka ang dami-dami mong kayang gawin, eh. Kung gugustuhin mo nga, pwede kang mag-scriptwriter o director kasi kaya mo naman!"

"Hindi ako tapos ng college."

"Eh, ano naman? Sina Bill Gates at Mark Zuckerberg ba, tapos din ng college?" Hinarap ni Leqleq ang mukha ko sa kanya nang mag-iwas ako ng tingin. "Pwede kong kausapin si Nikki pero alam kong kupal ka at nakakaliit ng bayag mo 'yong 'tulong' na kaya kong ihatid sa relasyon ninyo. Kaya ang mapapayo ko lang sa'yo, bespren, i-explore mo na ulit 'yong iba mong skills. O kaya kung nahihiya ka talagang di ka tapos ng pag-aaral, mag-aral ka ulit. May open universities din naman na pwedeng..."

Hindi ko na masyadong napakinggan ang sunod na mga sinabi ni Leqleq. Gano'n talaga siya kahit noong mga bata pa kami. Parang laging may solusyon sa lahat ng problema. Kaya niyang pagmukhang maliit kahit ang pinakahiganteng suliranin. Kaya no'ng masaktan siya dati, sobrang tindi ng galit ko kay Yosh noon. Ginagawa ni Leqleq ang lahat para mapasaya ako sa pinakamalulungkot kong araw—kaya kahit nahihirapan ako, gagawin ko ang lahat para mapasaya rin siya kapag malungkot siya.

"...may kilala rin kami ni Yosh sa UP na professor na pwedeng—" Natigilan si Leqleq nang makitang may hinugot akong bouquet ng rose candies sa bag ko. "Ano iyan?!"

"Happy Valentine's day, bespren," bati ko kay Leqleq. "Alam ko namang mapupuno na ng bouquet ng roses ang bahay n'yo mamaya dahil kay Pareng Yosh. Kaya kendi na lang sa'kin."

Ngumisi si Leqleq. "Ang sweet naman nito ni bespren! May maganda rin palang naidudulot pag-aaway n'yo ni Nikki, eh."

Humalakhak ako. "Hindi lang sa'yo iyan, 'no! Hati kayo riyan ni Alexi!"

"Bawal siya sa sweets. Kami na lang ng babe mong si Yosh ang maghahati rito."

Lalo akong napahalakhak. Leqleq never changed.

I kinda wish now that some things happened a little too differently...

Dear Future KebenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon