Chapter Three

236 5 1
                                    

Kim's Pov

Sa wakas nakatakas din ako sa parusang bahay na iyon. Hindi na ako babalik doon. Doon

 nalang ako kay April. Sa condo ni April ako tumuloy matapos takasan ang mga kasambahay at guard sa bahay namin.

Kain na, sis,” tawag niya sa akin.

 “Yup, coming,” sabi ko at lumabas na ng room. Dalawa ang silid sa condo ni April. Sa kuya nito

 dati yung isa pang kwarto pero nang mag-asawa ay bumili na ito ng sariling bahay.

 “Wow! Mukhang masarap ang niluto mo a,” nakangiting saad ko pagpasok sa kusina.

 “Para hindi ka na umuwi,” tugon naman niya.

“Dito ka nalang ha? Nakakalungkot ang walang kasama e,” pinapungay pa nito ang mga mata.Magkaklase kami mula noong 1st year Highschool. Parehong Mass Communication ang course na kinukuha namin ngayon at nasa 1st year palang kami. Nagging magkaibigan kami dahil ipinagtanggol ko siya sa campus bitch naming si Rubellen nang minsang awayin itong muli.

Count on that, sis,” tugon ko dito.

“Hindi na ako babalik sa palasyo ni King Steven Feeling,” dugtong ko pa.Tumawa ito. Inis din ito sa Steven na yon. Ikaw ba naman ang nananahimik sa buhay tapos pagsasabihan ka na bad influence ka, maruming babae ang palayaw ni Steven sa kanya. Susme nag-init nga ang ulo ng bestfriend ko noh. Ang bait bait pa man din nito. Mataray nga lang pag feeling nito inaapi ito. Mula nang mag-away si April at si Steven madalang pa sa pag ngiti ng huli kung pumunta ito sa bahay namin, at pag pumupunta pa ito doon sinisiguro nitong wala si Steven. Pag nag pang-abot naman ang dalawa ay nakakamatay na irapan ang magaganap, hindi lang mag salita mga ito, pag nagkagayon ay sumasabog sa sigawan ng dalawa napailing ako sa naisip.

O, di naman kita tinatanong iiling-iling ka jan,” nakatawang biro nito.

 “Naisip ko lang kung ano na ang itsura ngayon ni King Steven Feeling. I bet he looks like King-kong already,” natawa kami pareho sa sinabi ko. Natakasan ko ang kapatid ko at siguradong naka uwi na at nag-iinit ang ulo nito ngayon. Napatingin ako kay April nang salinan nito ng kanin ang plato ko. Para talaga itong nanay ko. Maasikaso kasi ito sa akin.Nakakatawa nga kaming dalawa ni April e, kung iisipin malabong maging magkaibigan kami,magkaibang magkaiba kami. I'm a devil, April is an anghel, ako tamad, ito masipag. ako ayaw mag-aral, ito pala aral. Ako walang alam sa gawaing bahay, ito madami ako masungit, ito mabait. Ako saksakan ng yaman, ito bagaman hindi mahirap ay hindi naman ganoon kayaman. Kung ako alak ang tinitira, ito pineapple juice. Ako nga ang laging ng yayaya rito para mag bar hopping e, sumasama naman ito pero hindi upang makipag-inuman kundi para bantayan ako, at pag sinabi nitong ayaw uminom, kahit anong gawin mo ay hindi ito iinom.

Uy,” utag niya.

“Na-iinlab ka na sa akin no? Kanina ka pa nakatitig e,” humalakhak ito ng malakas.

Huwag ka ngang ganyan,” sabi kong natatawa rin.

“Sabi nga ni James, Que barbaridad!” pinalaki ko ang tinig sa huling sinabi upang gayahin ang kapatid ko. Sabay ulit kaming tumawa. Naghuhugas kami ng pinag kainan nang magtanong ito na ikinabigla ko.

Siya nga pala, nakita mo na ba ulit si Mr. Papalicious?” Napakunot ako sa sinabi niya.

“Bakit naman bigla mong naisip yang si Mr. Papalicious ko?” maarte kong sabi.Minsan ko palang nakita ang lalaki yon pero hindi na naalis sa isip ko ang guwapo nitong mukha. Inulan nga ako ng tukso mula sa kanya nang i-kwento ko ang pagkikita ko at ang paghanga ko sa lalaking yon. Laging ang lalaking yon ang laman ng kuwentuhan nimi mula noon. But that was long time ago, kaya naman nagtataka ako kung bakit nito iyon natanong ngayon.

Wala lang, naisip ko lang,” nagkibit balikat ito.

“Medyo wala na kasi tayong napag uusapang boylet mo ngayon e, kaya naisip ko lang i-update ang encyclopedia ko tunkol kay Mr. Papalicious”

It's been two years sis,” sabi ko dito.

 “So, di mo na siya crush?”

 “I never saw him after that evening. And I don't know kung crush ko pa siya.”napaisip ako bakit nga ba? ang lapit lang naman ng lalaking yon kung tutuusin pero once ko lng ito nakita. Hindi naman kasi ito pumupunta sa bahay namin bukod sa una naming pagkikita.

…...

Flashback

.

.

.

Ano ba!” singhal ko sa lalaking basta nalang umupo sa tabi ko at inagaw ang alak na iinumin sana ko.

Drinking wine like a sucker at 15 is not good,” sabi nitong sumandal sa table sa harap ko at ininom ang para dapat sa akin.

Ano bang pakealam mo? E kung si daddy nga hindi ako pinagbawalan ikaw pa ang

magbabawal sa akin, who are you anyway? You're no one!” patuyang sabi ko dito. Ngumitiito na para bang nagsasabing u Really now? And your someone? lalo pa akong nainis.

“Don't you smile at me like that,” lalong lumapad ang ngiti nito. “Get lost!” Binawi ko dito ang baso at nag salin muli ng alak mula sa bote.Kinuha nanaman ito ni unggoy. “I'm your brother's bestfriend, so may karapatan din akong pagbawalan ka,” sabi nitong nakatingin sa hawak nitong alak. Tinignan ko ito nang masama dahil nainis ako sa mayabang nitong pagsasalita. “Bestfriend ka lang niya!” isisigaw sana ako pero nalunok ata ang dila ko. That's new, bulong ko sa sarili. Nakatitig lang ako dito, unang pagkakataong naki pagtitigan ako. In fairness he is gorgeous. Napangiwi ako sa adjective na ginamit, mukhang kulang na kulang ang adjective na yon para i-describe ang lalaki. Ang sarap pagmasdan nito sa suot nitong business suit. Wala itong neck tie at nakabukas ang unang tatlong butones ng polo nito. Sa ayos nito ay lalo pa itong naging mas sexy sa paningin ko. Napalunok ako. The man is oozing with sex appeal. Oist! Magtigil ka nga kinse anyos ka palang no, saway ko sa sarili. Tumitig ako sa mukha nitong bahagyang nakatagilid sa akin. Katamtaman ang tangos ng ilong nito, mapupula ang manipis nitong mga labi. Masarap kaya itong humalik? Sa isip ko. Kaaya-ayang pagmasdan ang bukas ng mukha nito. Lumingon ito sa akin. Napahugot ako ng hininga nang matitigan ang mga mata nito. Maiitim iyon na parang kumikinang. Or was it just the lights? Bilugan ang mga iyon ngunit may pagkasingkit sa mga gilid.

Do you like what you see?” napitlag ako sa tanong nito. “I'm sure nalagpasan ko ang standards mo,” mayabang itong ngumiti na ikinainis ko.Grabe ang hangin a. Super!

Pareho kayo ni Steven, mayayabang!” tumayo na ako at iniwan siya. Pagdating ko sa silid ay pabalibag kong isinara ang pinto non. “Ang kapal ng mukha! “ inis na sabi ko dahil napahiya ako sa kanya. Pero aminin, may ipagyayabang naman talaga, anang isang bahagi ng utak ko. Napangiti nalang ako sa naisip.

Flashback end..........

.

My Lovely Girl (Chapter Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon