Shi's Pov
Paglabas ko ng silid ay narinig ko ang tunog ng door bell. Nagsuot nalang ako ng shorts at pinagbuksan ang panauhin. Bakit ba ngayon pa dumating ang mga damit kung kailan mamatay matay na ako sa pagnanasa.
“Benos dias.” nakangiti ang matandang babaeng napagbuksan ko ng pinto. “Señorito, heto na po yung mga pinabili niyong mga damit.”
“Gracias, yaya Melinda.” kinuha ko ang mga dala nitong paper bag.
“Hindi na ako magtatagal, iho, e uuwi pa ako sa malaking bahay,” ang bahay ng grandparents ko ang tinutukoy nito. Sa Spain na kasi nakabase ang mga ito mula nang bumalik ako sa pilipinas para pamunuhan ang mga negosyo ng aking abuelo at yumaong ama.
“E yaya, apat na oras na biyahe pa yon. Ba't di nalang po kayo dumito muna hanggang tanghalian?”
“Ay hindi na iho. Kasama ko naman si Gino.” ang anak nito ang tinutukoy ng yaya ko. Buong pamilya kasi nito ay sinama ng lolo't lola ko nang mag migrate ang mga ito sa Spain,
“Dinala niya ang sasakyan ng malaking bahay para mabilis kaming makarating dito.”
“Sige po, yaya, kung iyan ang disisyon niyo.”
“O sige iho at aalis na ako at nang makapagpahinga ka na.”
“Salamat po ulit.”
“Walang anuman, basta ikaw,” sabi nitong nakangiti. Pagtalikod niya ay muli ko itong tinawag. “Ya, may nakakaalam po bang nandito ako?”
“Maliban sa lolo mo ay wala na iho. Ang sabi niya ay mahalagang walang makaalam na nandirito ka. Maging iyang si Gino ay hindi alam na ikaw ang pinuntahan namin ang sabi ng Don ay kaibigan niya ang pupuntahan namin.” mahabang paliwanag nito.
“Salamat po, yaya.”
“Aba'y ikaw talagang bata ka hindi ka nanaman natapos magpasalamat,” Natawa ako sa sinabi nito. Laging iyon ang sinasabi nito sa akin tuwing nagpapasalamat ako. Paano naman kasi e naka ilang pasalamat ako rito. Pagkaalis niya ay pamasok na ako sa loob. Kahit papaano nabawasan ang init na nararamdaman ko.
“Who was that?” si Hikari. Nakatayo ito sa pinto ng silid.
“Ang yaya, hinatid niya itong mga damit natin,” Kailangan kong paglabanan ang sarili. Ipinagkatiwala siya sa akin ni Steven. “Maligo ka na, naroon ang banyo,” pagkasabi ko ay ibinigay ko sa kanya ang dalawang paper bag na hawak, sumunod naman ito. Mabilis aking nagbihis para lumabas ng bahay pero nag bilin ako nang note para sa kanya....
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)