Kim's Pov
“O, ano? Kumusta ang lakad mo? Nasapak mo ba yung walang hiya mong kapatid!” nanggigigil na sabi ni April. Aba bumalik na yata ang tunay na April. Kahapon kasi parang wala ito sa sarili. Tahimik lang ito nang dumating sa klase na una na kasi akong sa pagpasok kasi magwi-withdraw sana ako. Nang magkwento ako tungkol sa palpak na mga ATM ko, at sa tingin ko ay may kinalaman ang kuya ko sa kapalpakang iyon, hindi ito kumibo. Ngayon naman gigil na gigil. Tindi talaga ng topak ng kaibigan kong to. Nagkibit-balikat na lamang ako.
“O ano? Ba't nakatanga ka lang dyan? Tinatanong kaya kita no,” Nilagpasan ko lang ito at tumuloy sa sala. “I feel lost, sis,” umupo ako sa sofa at tumingala. Tinabihan naman niya ako . “Pinagtanggol ako ni kuya kanina.” Nangunot ang katabi ko. ”Kuya?” sabi nitong nag tataka. Nilingon ko siya at ngumiti ng malungkot. “Yeah, Kuya.” inulit ko ang katagang iyon at tumungala. “I feel good to refer to him as kuya”....Lumingon ulit ako sa kanya, na naka kunot parin ang noo. “It's weird, isn't it? One moment I don't even accept him as my brother, at ngayon kuya na ang tawag ko sa kanya" sabi ko
"you don't hate him anymore?” tanong nitong hindi ko maintindihan kung natutuwa ba o nagagalit.
“I still hate him. But I begin wishing he'll stop hating me. I don't know sis. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.”Matagal niya akong tinitigan, pagkuwan ay ngumiti ito at tumango tango.
“What?” tanong ko rito, sa itsura kasi n'ya parang nahanap nito ang sagot sa isang mahalagang tanong.
“You love him,” tumingin siya s'kin at ngumiti. “You love that fool.”
“Ano? Hindi ah, kadugo ko kaya yun no,” nagrerebelde kong sa sinabi. Hindi ako in love sa kuya ko sigurado ako dun. Tumawa ito ng malakas. “That's not what I mean” Sumeryoso siya. “You love him as your brother, long before now. Kaya lang inis ka sa kanya kasi feeling mo nagkaroon ka ng kaagaw sa dad mo and because he hates you. What you want is for him to love you, too, to treat you as his precious little sister. Naiinis ka kasi you want him to take care of you and protect you, pero....”
Pinutol ko ang iba pang sasabihin niya at inu nahan ko siya,, “..pero puro sigaw at galit ang napapala ko sa kanya. Gusto ko alalahanin din naman niya ako, pero lagi nalang niya akong kinukulong sa bahay. Sermon sa agahan, sermon sa hapunan. Buti nga sa office siya na nanghalian kung hindi, pati tanghalian sermon padin.” Ngayon malinaw na ang damdamin ko para sa Kuya ko. I doesn't hate him for any other reason, ikina tatampo ko lang ang pag paparusa niya sa akin. Humarap sa akin si April at hinawakan n'ya ang magka bilang balikat. “Ni minsan basinaktan ka na ng kuya mo sa pisikal na paraan?”
“Hindi. Lagi naman niya akong sina saktan sa emotionally.” sagot ko.
“Don't you think yung mga pagkukulong niya at pagbabawal niya sa'yo ay paraan niya para protektahan ka? Yung mga galit niya, hindi kaya nag-aalala lang siya? At yung mga panenermon niya sa'yo ay dahil mahalaga ka sa kanya kaya ayaw ka niyang mapahamak. Di ba kahit ako man sine sermonan ka rin? Hindi nga lang kasing lala ng magaling mong bro.” Nakangiti pa ito sa mga huling sinabi. Oo nga naman all this time wala namang ginawang masama si kuya sa akin maliban sa paghihigpit niya. Baka protective lang siya kasi pina pahalagahan lang niya ako, sabi ko sa sarili. Pero teka nga....
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)