Chapter Four

200 8 0
                                    

Shi's Pov

O, bro, napatawag ka?” tanong ko nang sagutin ang tawag ng kaibigan ko. Pass one na nang tingnan ko ang aking relo. Nasa isang bar ako kasama ng kasalukuyang 'girlfling' ko at ang kabarkada. Hindi sumama ngayon si Steven sa labas namin.

She's missing!” bungad agad nito na tila wala sa sarili.

What? Since when?” alam kong ang kapatid nitong pasaway ang tinutukoy niya. Kaya pala hindi ito sumama ngayon.

Remember when I told you she escaped?” Nag-aalalang sabi nito.

Yeah” that was two days ago. Nakaramdam ako ng kaba.

I thought she'll be home that night or at least the following morning, but she's no where until

now,” tila kinakapos ito ng hininga.

Nareport mo na ba ito sa mga pulis?” Shit! Parang kakapusin din ako ng hangin! Baka kung napano na ang dalaga. Pasaway ang kapatid na iyon ng kaibigan ko at pariwara pero hindi ni minsang may narinig ako mula kay Steven na hindi ito umuwi ng ganon katagal. Bakit ba ganon nalang ang pag-aalala ako sa isiping baka napahamak ito gayong minsan palang ko ito nakikita sa personal? Marahil ang pag-aalala lang ako para kay Steven. Mahal na mahal nito ang kapatid.

Kasama ko si mike, bro. Tumutulong na din ang mga pulis sa paghahanap kay Hikari. Pinasara ko rin lahat ng accounts niya para kung sakali mang nag layas ay bumalik din pag naubusan ng pera,” nahaluan ng galit ang huling mga salita nito. Napabuntong hininga ako. Hay, ang babaeng 'yon talaga, sakit sa ulo. Lalo pa ako nag-alala ngayong nalamang wala itong pag kukunan ng pera.

Bro, baka naman makita niyo siya diyan paki tawagan naman ako o,” pakiusap nito sa nanginginig na tining.

Sige, bro.” nagtataka ako kung bakit tila takot na takot ang kaibigan ko, para bang sigurado ito na may mangyayari sa kapatid nito. Kung sabagay, ang dalaga na nga lang naman ang natitirang pamilya nito mula nang mamatay ang ama.

Salamat,”iyon lang at tinapos na nito ang pag uusap namin.

Anong problema, hon?” malambing na tanong ni Jamaica na siyang date ko.

I have to go, honey. I'm sorry,” sabi niya ko at tumayo na. “Ihahatid na kita, kung gusto mo namang dumito muna ibibilin nalang kita kay Jake.”

I'll stay,” maikling sagot ng tinanong ko.

Matapos kong ipagbilin sa kaibigan ko na ihatid si Mira ay umalis na ako para hanapin ang pasaway na babaeng dahilan ng pagkabog ng kaba sa dibdib ko ngayon.

Magdamag akong naghanap ngunit nabigo ako. It's already 6 A.M. kailangan na ko nang bumalik sa condo ko at magpahinga papasok pa ako ng office mamaya. Tinawagan ko si Steven.

Bro, did you find her?”

Hindi pa nga e. God, Shi what will I do. Papano kung napahamak na ang kapatid ko!”

Yung friend niya tinawagan mo ba?”

Hinalughog ko ang unit ni April pero wala si Hikari dun, bro.” tila may nahimigan siyang inis sa boses nito.

We better take some rest,” pagod kong sabi.

Whoa! We?” tila hindi makapaniwala nitong sabi. “Don't tell me ngayon ka lang naka uwi?” sarcasm colored his voice.

Bro, I'm trying to help here, okey? And correction, sir, pauwi palang ako,”

Woaw! You helped? ”

Yeah, I looked around a bit,”

A bit? ́ pag-uulit nito. ..'bit' e six am na nasa labas ka pa?” makahulugan nitong tanong.

Bro, I really do smell something fishy here,” sabi niya.

Tingnan mo sa lababo, baka naiwan ng cook niyo yung mga isda doon,” sabi ko Tumawa si Steven.

Hindi ako umuwi ng bahay, nandito ako sa condo” sabi ko

Oh, baka nasa bahay na ninyo n'yong pasaway mong alaga.”

Tatawag sila sa akin pag-umuwi si Hikari,”

Okay then, and just so you won't smell something fishy, I'm just trying to help you,”pangngat-wiran ko. Tumawa ito ng mahina. “Thanks. Matulog kana at natulog na ako pagkatapos kitang tawagan kagabi, kagigising ko lang. Ikaw lang ang hindi natulog.” tumawa ulit ito na nang-aasar. natawa na rin ako.

Sige bro.” Alam kong kumikilos na si Mike para ma-locate ang dalaga kaya mabutibuti na ang mood ni Steven ngayon. Bagman tipid sa tuwa, nakakatawa na ito ulit. Nang makarating ako sa unit ko ay naligo ako at humiga sa aking kama ng may pag-aalala parin para sa dalagang pinag-aalayan ko nang pag tingin. May pag tingin nga ba ako kay Hikari? Oo, mabilis na sagot ng pakialamero kong konsensya. Ano namang klaseng pagtingin meron ka para sa kanya? tanong naman ng isa pang bahagi ng isip ko. Kung ano man ang sagot doon ay hindi ko pa naisip. Pagod na ako at walang tulog kaya naman nahimbing akong nakakunot ang noo.

My Lovely Girl (Chapter Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon