Kim's Pov
Gumising akong masakit ang ulo. Ano bang nangyari? Tanong ko sa sarili. Baka hang over na naman...uminom ba ako kagabi? pilit kong inalala ang mga kaganapan nang nagdaang gabi. Niyaya nga pala ako sa mga mga ibigan ko na mag-inuman. Tapos sinamahan ako ni April umuwi. Tapos....Oh my! Natutop ko ang aking bibig. Ang kuya! I'm sure he's mad at me. Tumayo ako ng mabilis.
“Ouch!” nasapo ko ang ulo at napaupo sa kama ko. Nanatili ako sa gonoong pusisyon hanggang humupa ang pagkahilo at sakit ng ulo. Tumayo ako ng dahan-dahan at dumeretso sa pintuan. Kinapa ko ang door knob. Wala.... Kinapa ko ulit wala talaga. Kinapa pa ulit wala parin. Makinis ang bahaging iyon walang palatandaan nga may pinto Walang pinto!!!!... Nagmulat ako ng mga mata.
“Oh no! Ang pintuan ko! Sinong nagnakaw ng pintuan kooo!!!”ang matinis at malakas kong sigaw. Natigilan ako nang may marinig na marahang pagtawa. Lumingon ako sa pinang galingan tawa at nanlaki ang mga mata ko.
“Mukhang hindi ka pa gising,” nakangiting sabi nito. “Talagang walang pinto dyan dahil andito ang pinto.”amusement was in his voice. Nakasandal ito sa hamba ng kulay puting pinto, hindi ko pinto.
“Shi?” anong ginagawang mokong na ito sa kuwarto ko.
“As you can see, this is not your room, querida,” sabi nitong tila nabasa ang iniisip ko. Nilinga ko ang paligid. Maliit lang ang silid na iyon. Kasya lang ang isang may kalakihang kama, may maliit na table sa right side nito, at maliit na cabinet naman sa kaliwa. Kulay dilaw ang diding at may dalawang maliliit na bintana na may manipis na yellow curtains. Naa amoy ko pang-umagang simoy ng hangin ang dagat. It must be early morning and there is something in the breeze that speaks of out-of-my-country something. Bumaling sko sa pinto para magtanong sa mokong kung nasaan kami at anong ginagawa namin dito.
“Ay palakang may balahibong wayt!” nagulat ako dahil nasa mismong harap ko na pala siya. Kung hindi pa nga ako nasalo, sa sahig ako pupulutin, literally. Ang lakas ng tawa nitong tila tuwang tuwa. Nakatingala pa ito habang tumatawa. Nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang ko kaya amoy na amoy ko ito. Hmmm.....Ang bango. Halatang kakaligo lang nito. Basa ang buhok nito at amoy na amoy ko ang after shave nito. Tawa parin ito ng tawa. Natawa siguro sa pagkagulat ko.
“Saan ko pwedeng makita ang palakang iyan, querida?” tumatawa parin ito. Nipangiti ko, hinampas ko ito sa dibdib. Tumingin siya sa akin at tumigil na sa pagtawa pero nakangiti parin.
“Ginulat mo kasi ako e,” sabi ko. Anon a ba ang nangyari sa mga neurons ko at nakikipagharutan ako sa lalaking ito. Nawala ang ngiti nito. “Don't do that,” sabi nitong umiling iling. What? Napakunot ako, ano naman kaya ang ginawa ko at nawala ang mga ngiting ngayon ko lang nakita? Ang guwapo mo pa man din pag nakangiti. Lalo lamang akong napasimangot.
“Don't pout,” sabi nitong titig na titig sa akin. Ok, yun lang naman pala e. No problem. Basta ikaw. Nanginginig pa.
I smiled quickly too quick actually. Tumawa ulit ito, mas mahina kaysa kanina. Ewan ko ba kung bakit parang ang saya saya kong makikitang masaya ito at lalo pa akong natutuwa sa kaalamang ako ang dahilan ng pagtawa nito. Hay, what a sight.
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)