Hikari's Pov
“Mmmm,”: ako
“Mukhang ini-enjoy mo ang pagpapak sa kutsara mo a.”: siya
“Ang sarap mo talagang mag luto. Sooo yummy!”: ako
Tumawa lang siya. Limang araw na mula ng dumating kami at hindi na rin namin pinag-usapan ang nangyari sa amin nang unang araw namin sa Spain. Madalas siyang nasa labas habang ako ay pinag babawalan naman niyang lumabas. Pumapasok lang ito pag kainan na. Nung una nagsusungit pa ito, at halos walang oras na hindi kami nagbangayan, pero ngayon parang maganda ang mood nito.
“Oy, baka mapudpod iyang kutsara,” pagbibiro niya. Kanina ko pa kasi dinidilaan ang kutsarang hawak.
“Excuse me mister, hindi muriatic acid ang laway ko no!” pakunwaring pagtataray ko. Tumawa lang siya, “To that I shall agree,”
“Aba dapat lang”: ako
“Sige na, iyang nasa pinggan mo ang kainin mo, h'wag yang kutsara mo”
“Hmp, inggit ka lang!” inirapan ko siya. “Palibhasa, nahihiya kang pa-akin iyang kutsara mo.”
Tumawa ulit siya.
“Namiss ko tuloy si April, yung best friend ko. Ang sarap sarap kasi niyang magluto e. Kaya kung wala ako sa bahay andun lang naman ako kila April at nagpapaluto ng kung anu-ano sa kanya.”
“Sana nag share ka rin ng pambili ng mga pinapaluto mo,” pang-aasar niya.
“Ayaw naman ni April ng ganon. At saka matindi iyong maka pagsermon kaya hindi ko kinokontra,” tumingin ako kanya nang may naisip. “Come to think of it, para rin siyang si kuya in so many ways.”
“Interesting pair huh,” mahinang sabi niya bago pinagtuunan ng pansin ang pinggan niya..
“Shi?” inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
“Yup.” nakayuko ito at nasa pinggan parin niya ang atensyon, still smiling.
“Can you be my wife?”
Napatingin siya bigla sa akin. “What?!”
“You look horrified. Am I such a bitch to marry?” Kumunot ito. Nagdilim nanaman ang mga mata nitong abuhin. Nitong mga nakaraang mga araw ay nakikita ko ang pagbabago sa kulay ng mga mata nito kapag nagagalit, or that time when we nearly have sex. Umiitim ang mga iyon.
“O, wag ka nang magalit, jowkness lang naman yun e.” baka magalit nanaman ito. Ngumiti siya. “Not if you ask me to be your husband not your wife,” I giggled, “I just thought wife' will be more appropriate, coz you're gonna be in the kitchen....all the time.”
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)