Hikari's Pov
Hikari!
Naulinigan ng kalahating tulog kong diwa ang mahinang pagtawag na iyon.
Hikar!
Palakas iyon ng palakas na tila nagsasabing hindi ako dapat mag paubaya sa kaway ng antok. Naramdaman ko ang takot sa tinig na iyon.
Hikari!
There were other words this time but all I can understand is my name. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. “Hikari!” nagising ang diwa ko sa malakas na sigaw na iyon at napabalikwas ako ng bangon.
“Hikari,” naramdaman ko nalang ang kanyang higpit na yapak sa akin. “Thank God.”
“What happened?” litong tanong ko nang tingalain ko si Shi. Bakas sa mukha nito ang matinding takot, hinihingal ito at pawis na pawis. Ano kayang nangyari? Kinabahan ako sa itsura niya. Nawala bigla ang antok ko.
“What is it, Shi?” nag-aalalang tanong ko. Nanaginip kaya ito ng masama? Napaderetso ako ng upo nang makita ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi nito.
“I thought-” nagpunas ito ng luha. “I just thought-” hindi na niya tinuloy ang sasabihin at niyakap nalang siya ng mahigpit.
“You thought what?” tanong ko habang kumakalas sa kanya. Ano ba ang nangyari? Gusto kong malaman kung ano ang nangyari, ano ang dahilan ng pagluha nito? Kalalaking tao nito, umiiyak? Ay sorry naman, lumuluha pala.
“Nothing,” sabi niyang tinabihan ako sa folding bed habang yakap parin ako.
“Shi, you won't cry for nothing,” malumanay kong saad. “Or would you?” sarkastiko kong sabi. Ano nanaman bang drama nito? Kanikanina lang nag-walk out ito sa masarap naming 'lunch' tapos ngayon parang maamong ewan, butiki siguro. Ay hindi, masyadong guwapo ito para sa butiki, maamong Shi nalang. O di ba bongga! singit ng etsusera kong isip. He cupped my face, “I will never leave you alone again. That's a promise.” sabi niya saka niyakap niya ako ulit.
“Come on, Shi,” naaasar na sabi ko. Ano ba n'tong taong to kung makapagsalita kala mo naman big deal kung maiwan akong mag-isa dun e lagi naman ako mag-isa. “I'm always alone.” sabi ko.
“You will never be,” madamdaming sabi niya. Maikling mga kataga lang ang mga iyon pero lumundag ang puso ko. I touched his cheek, “Please, Shi, tell me what happened, surely those tears aren't for nothing” malambing kong sabi. Kumunot ito at bumuntong hininga. “I didn't see you in your room or anywhere else inside,” anitong hindi makatingin sa akin.
Weird.
Akala ba nito tumakas ako? Ang takot bang nakita ko sa mga mata nito may ilang minuto na ang nakalipas ay dahil takot itong mawala ako? At ang mga luha nito, para saan ang mga iyon? “Were you afraid I was gone?” tanong ko. Nag-iwas ito ng tingin at saka tumango. Hindi ko maiwasang mapangiti.
“Natatakot ka na baka takasan kita?” pero hindi naman siguro ito luluha ng ganon kung iyon lang ang dahilan. “Akala mo ba may nakapasok na rito, pinilipit ang leeg ko at isinabit ako sa balkonahe?” walang ano-anong sabi ko. Natigilan ito, at tumingin sa akin nanlalaki ang mga mata, “Don't you ever say that again!
That will never happen to you! I won't let it happen to you!”
“Why?” naguguluhang tanong ko. Mahalaga rin kaya ako sa lalaking ito at naiyak pa ito isiping tumakas ako? O kaya naman may nangyaring masama sa akin? Napangiti ako sa isiping iyong, ngunit napalis din iyon. At bakit naman nito iisiping may mang yayaring masama sa akin? E bakit hindi mo kaya tanungin sa lalaking yan, di ba? ang etsusera niyang konsensya. Ngunit bago pa ako makapagtanong, “Steven entrusted you to me, pag may nagyaring masama sa iyo, I'm dead.” sabi nito. “Cried for kuya Steven?” nakakainis naman ito. Ang babaw akala ko ako ang iniiyakan. Hindi ito sumagot. Napaismid ako. May hindi ito sinasabi sa akin. Naglilihim sa akin ang love ko? Oh, no. pag-iinarte lang naman ng isip ko. Love mo? pakikialam ng impakta kong konsensiya. Yes, I love him. Iyon ang sagot ko sa mga katanungan ko kanina. Mga katanungang halos makatulugan ko na.
Hikari 1: Grabe ka Kim ha, muntik ka nag ma deverginize kanina. Buti nalang umayaw si Shi.
Kung bakit, wag mo akong tanungin
Hikari 2: I do not intend to have sex with him. Just tease him........(Chukles)
Hikari 1: Kung natuloy ba yung kanina, hindi mo kaya pagsisihan?
Hikari 2: (Nag-isip) Hindi.
Hikari 1: Sigurado ka?
Hikari 2: Siguradung-sigurado. It's the second time, by the way. How can he turn his back to me again?
Hikari 1: Engot ibibigay mo ang sarili mo sa mokong na iyon e hindi ka naman sesryosohin nun.
Hikari 2: E kahit na, gusto ko siya ang first ko.
Hikari 1: Bakit?!
Hikari 2: Dahil, because love ko siya!!! Nagulat pa ako sa sagot ko.
Hikari 1: Ilang araw palang kayong magkasama nang taong iyon, may pa love love ka nang nalalaman.
Hikari 2: Pake mo?
“Hikari?”
Napatingin ako sa katabi.
“Time to eat. Hindi pa tayo nagla lunch,” sabi nito sa paos na boses. E kasi po iniwan mo ako dala ang pang 'lunch' ko.
“You haven't answered my question yet,” pag-aakusa ko.
“I'll answer all your quiries after we eat,” sabi nito. Nagluto ito ng tanghalian, 3pm na kaming nakakain. Tahimik lang kami habang kumakain, wala itong imik na tila ang lalimng iniisip. Automatic ang kilos nito at wala sa sarili.
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)