Kim's Pov
“How dare you!” Nagulat pa ang mga empleyado ni Steven sa sigaw ko. Akmang papasok ito sa pinto ng opinsina nito na nasa dulo ng pasilyong kinatatayuan ko. Lumingon si Steven . “Hikari,” sa tono nito ay para bang nabunutan ito ng malaking tinik sa dibdib, relief flooded on his beautiful face, ngunit galit ako para pansinin pa iyon.
“Anong karapatan mong ipa-close ang mga account na binuksan ni Daddy para sakin?!” Sumisigaw parin ako. Masamang-masama ang loob ko. “Those were the only proof na pinanghawakan ko para maniwalang mahal ako ng daddy ko.” Lalapit sana ito nang magsalita nanaman ako. “You, bastard!” Natigil ito sa paglapit at nagtiim ng bagang. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa eksena namin. “Si Daddy ang nag-open ng mga accounts na yon! Wala kang karapatang ipasara” Naiiyak na ako. “Papabagsakin ko ang kumpanyang ito para mabawasan yang kayabangan mo!” napasinghap ang mga nakarinig sa akin.
Nagulat pa ako nang may humablot sa braso ko. Pabalibag akong isinalya ng isang lalaki sa pinto ng elevator habang hawak nito ang magkabilang braso ko. Kilala ko ito. Hindi ko pwedeng makalimutan ang guwapong mukha nito kahit pa sabihing isang beses ko lang nakita iyon.
Shi: “Hindi ikaw ang uri ng babaeng magpapabagsak sa pinaghirapan ko” mariing sabi nito na galit na galit. Napamaang ako dito dahil sa takot sa nakikitang poot sa mukha nito. Tila nagliliyab ang mga mata nitong maiitim. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay. tuluyan na akong napaluha. Bigla naman itong nawala sa harap ko.
“That is my sister!” sinuntok pala ito ni Steven at nakahiga ito ngayon sa sahig nakahawak ang kamay nito sa tagiliran. Parang ako ang nasaktan sa nakikitang sakit ngayon na nakalarawan sa gwapong mukha nito. Oh my! Parang gusto ko itong lapitan at yakapin. Ano ba itong pinag- iisip ko. singhal ko sa sarili, kaaway mo n'yang guwapong mayabang na n'yan.
“Are you ok?” lumapit sa akin si Steven at niyakap ako ng mahigpit. Ano na bang nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo at tila may himig ng pag-aalala sa boses ni Steven? Gusto niya itong yakapin at umamot ng lakas dito, pero kaaway ko ito, kaaway din ang tingin nito sa akin. Kumalas ako dito at tumakbo sa hagdan pababa ng building. Dahil gulong-gulo na ako sa inakto ni Steven at sa nararamdaman kong awa sa kaibigan nito, inilibas ko sa pamamagitan ng galit ang emosyon ko. Kailan man ay hindi pa ako nakramdam ng pagkaawa, natutuwa pa nga akong panoorin ang mga taong inaapi at sinasaktan dahil para sa akin mahihina nag mga ito. Isa pa sa ginawa ni Shi ay napahiya ako sa mga empleyado ng firm.
“I hate him,” naghihimutok na bulong ko habang nagdadabog pababa ng building. “Ang yabang talaga ng mokong na i'yon.” Naaasar ako sa Shi woo na i'yon, “Ni hindi pa nga ako nasasaktan ni kuya, tapos siya nasalya na niya ako sa diding! Kainis!” Ang kinakaasar ko pa, inaalala ko kung kumusta na ang mokong, sa nakita ko kanina ay labis na sakit ang nararamdaman nito. Kumusta na kaya ito?
“Whatever!” Frustrated na sigaw ko. Napatingin pa sa akin ang dalawang receptionist salobby. “What are you looking at!” singhal ko sa mga ito. Buwisit ang lalaking i'yon pinahiya pa siya sa harapan ng madaming impleyado. “At anong kind of woman naman ang ibig niyang sabihin?” mataray na bulong ko.Hanggang sa marating ako sa malalaking pinto ng building na iyon ay bumubulong bulong parin ako.
“Akala mo kung sinong magaling. Bwisit!!!” nilingon ako ng mga tao sa labas ng building.
BINABASA MO ANG
My Lovely Girl (Chapter Completed)
RomanceKon'nichiwa mina This is my first story hope you like it... Enjoy reading... Arigato Gozaimasu mina-san Dedicated to Voyager Internet Cafe :)