CHAPTER 6

51 19 2
                                    

SKY'S POV

Nanlaki ang mga mata ko ng automatikong bumukas ang gate. Taka pa kong napapasok, habang naglalakad ako papasok may narinig akong boses na hindi ko alam kung saan nangagaling.

"Go to the rooftop!"nanlaki ang mga mata ko isang makapangyarihang boses ang narinig ko, whew creepy! nakikita ba ako dito?

Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan  nanggaling yun,kaso wala akong makitang tao para siyang pinakonekta sa kung anong bus na hindi ko naman makita! Wala naman akong makikitang cameras rito na posibleng makita ako rito.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos ng kung sino man yun. Pero base sa iniisip ko na si Psalem yun.

Sa sobrang lapad ng place hindi ko alam kung paano papuntang rooftop! Im here at the backyard pero di ko alam kung saan ako pupunta!

"Who are you?"napatalon pa ako sa gulat ng makarinig ako ng isang estrangherong boses sa likuran ko.

"Im Sky, pinpapunta ako ni Psalem sa rooftop, pero di ko alam kung saan rito eh....p-pwede bang m-magpasama?"hindi nako nagpaligoy ligoy pa inilahad ko na sakanya ang pakay ko.

"Oh hi Im Frances, follow me Sky."wala akong nagawa kundi ang sumunod rito kay Frances, nakasunod lang ako sa likuran niya. Hindi nako magtataka kung sabihin niyang bakla siya, kasi sa paglalakad palang malalaman mo na na bakla siya. At sa pananalita niya mismo may kunting kembot ahha may nakakasama na kasi akong nga bakla, may pinsan rin akong bakla kaya alam ko kung ano yung mga galawan nila. Papasok na kami ngayon sa isang pinto, akala ko cr pa ang papasukan namin akaya napalunok pa ako dahil sa itsura ng sa labas at yung pinto niya ay parang makikita mo lang sa cr pero bahagya apa akong ngulat ng tumambad samin ay hagdan.

"Halika na"yaya niya sakin, hindi nako sumagot at sumunod nalang ako sakanya.

Habang papaakyat wala kaming kibuan lakad lang siya ng lakad ako naman sunod lang ng sunod.
Mga ilang steps rin ng hagdan ang inakyat namin bago kami tumigil sa isang sa isang sliding door, dahil glass yun nakita ko na kung ano ang sa loob. ISANG NAPALAKING SWIMMING AREA!
Sa sobrang lutang ko hindi ko namalayang nakapasok na pala si Frances kaya napapahiyang nagtuloy nalang ako.

"Oy Psa may bisita ka"narinig kong sabi ni Frances sa nakatalikod na si Psalem na nagwawalis.

'Tsk tsk ang yaman yaman walang yaya?'napailing ako sa sarili kong naisip.

Dahan dahang lumingon si Psalem pati narin yung mga kasam niya.

'All eyes on me'napalunok ako.

Agad tumama ang mga mata namin si Psalem. Well she's is pretty today. I mean always. Napatitig ako sa maamo niyang mukha.

"Uhum"narinig kong tumikhim si Faith kaya napabaling ako sakanya.

"Ahh na receive mo ba-----"natigilan ako.

"Na kay Psamen"seryosong sagot ni Psalem. Mukhang alam na niya ang pakay ko.

"Ahh sorry, here"ini abot niya sakin ang bracelet ni Jomalyn.
"I found that in the 'bahay kubo"kumunot ang nuo ko sa sinabi ng lalaki.

'Anong ginagawa niya sa bahay kubo'

Tumigin muli ako kay Psamen.

"Ah thanks bro"inabot ko ang bracelet.

"Yeah anytime"ngumiti siya sakin pero di ko parin makuhang ngumiti.

'Siguro napadaan lang sya ron'napaisip ako.

"Ahh...y-you want some drink?"naputol ang pag iisip ko ng tanungin ako ni Psalem. Napailing ako, hindi ko magawang sumagot!

"T-thank you p-pala rito, s-sige una nako"lutang na lutang talaga ako! Hahakbang na sana ako patalikod ng pigilan ako ni Psalem, marahas niya akong hinawakan sa braso tinignan ko pa ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago ko siya tinignan. Putcha seryoso talaga shet!

"I have something to tell you."sa pagkakataong ito marahan niyang inalis ang kamay niya sa braso ko. Napalunok ako ng bitiwan niya ang mga salitang yun.

"A-ahhhh"napamaang ako.
"S-s-ssss---sige"wooh putcha! Nauutal ako sa babaeng to!

"Leave us here"nilingon niya ang mga kasama namin rito, at walang sabi sabing umalis ba sila. Napatingin pa ako sa pinto na nilabasan nila.

Ngayon ko labg napansin na may exit at entrance pala ang pool nato at napansin ko rin na hugis gitara at clor pink ang pool nila. Ngayon ko lang rin na pansin na bibihira ang ganitong swimming pool area sa bayang to.

"Tara dun"tinuro nya ang veranda. Lutang akong napasunod sakanya. Pinihit niya pa ang sliding at lumabas dun at lumapit sa railings, sumunod nalang ako at nung oras na makatapak ako dun na amoy ko ang isang napakagandang sariwa ng hangin, napapikit ako sa sobrang sarap ng pakiramdam.

"Ayos ka lang?"napamulat ako ng mata, ngayon ko lang nalaman na may kasama pala ako.

'Vuvu mo naman Sky!lutang pa more!

Nagtama ang mga paningin namin,ngayon ko lang napansin na may pagka light green ang mga mata niya ang gandang tignan nakaka hipnotismo.

"Hey!"pumitik pa siya lara bumalik ako sa ulirat.

"Ah! Ha! Hahaha!"napatawa nalang ako at napakamot sa sintido ko.

"Ok ka lang ba kako?"pang uulit niya.

"O-oo naman! Ano kaba!"napatingin nalang ako sa paligid kasi di ko matagalan ang pagtitig sa mga berdeng mata niya na parang sinisisid ang kaluluwa ko.

"Nagtaka rin ako kung bakit nandun yang bracelet nayan sa bahay kubo"hindi ako makapagsalita!

"I doubt her."naramdaman kong tumigin siya sakin pero sa kawalan ang paningin ko.
"I felt that she's cold to me, always. But I didn't mind her cause I know, no! I feel that she loves me. But this bracelet made me doubt her hindi niya sinasabi sakin kung saan nanggaling to, at yung nakakabahala pa ay ayaw niyang mawala to! At anong ginagawa ng bracelet nato sa bahay kubo niyo!?" Mahabang litanya ko napabaling ako sakanya.
"Tas kahapon lang sabi ng kapatid ko nakita niyang sumakay ang girlfriend ko sa ibang sasakyan! Tapos ang masakit pa ron hindi niya sinabi saking aatend sya sa party mo, alam ko ring hindi ko rin sinabi ang tungkol sa party pero gindi niya ugali yun eh! Hindi! Sinasabi niyang palagi ang ginagawa niya at kung saan siya pumupunta! Pero ngayon nag iba na!"hindi ko na maitago ang nararamdaman ko, nakatitig lang siya sakin at bakas sa mata niyang berde ang lungkot niya. Napabuntong hininga nalang siya.

'Tama bang sabihin ko sakanya ang mga saloobin ko, hindi naman kami gaanong close kung tutuusin nga kahapon labg kami nagkakilala tas ngayon! Eto ang pag uusapan namin!?wtf is this! Tama bang pagkatiwalaan siya?'

"I can keep secret."napatingin ako sakanya mukhang nabasa niya ang laman ng utak ko.
"It's safe here"ngumiti siya, as in sobrang ganda at natural ng ngiti niya.
"Trust is the most important thing in love, you know why I put cupid and psyches' sculpture there at my fountain?"napaisip ako at napailing.
"Its because they taught me that once you love someone, you have to trust that someone. And the most important is..."Binitin niya pa at ngumiti pa sa kawalan.
"To be in love means being patient, but to be patient you must trust her first.Pasensya lang ang kailangan para maging masaya at mahalin"lumingon siya sakin at ngumiti, nagulat pa ako ng biglang sunod sunod na luha ang dumaloy mula sa mga mata niya.
Kumapa ako sa bulsa ko kung may panyo ba ako ron, pero bago ko pa makuha ang panyo ay siya na mismo ang nagpahid sa mga luha niya gamit ang  manggas ng damit niya at tumawa.

"Hahaha sorry Sky, napakaiyakin ko kasi"napatitig lang ako sakanya na bahagya pang kinusot kusot ang ga mata niya na parang batang inagawan ng tinapay sumisinghot singhot pa siya.
Hinawakan ko siya sa kamay at inalis ko mga daliring kumusot kusot sa mata niya. At hindi ko rin inasahan ang ginawa ko.

'YINAKAP KO SIYA!'naramdaman ko kasi ang lungkot niya. Naramadaman ko ring nagulat siya.

With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now