Pias,San Fernando, La Union
Day 2
PSALEM'S POV.
Isang araw na ang nakalipas simula nung makita ko yung lalaking yun na nagpabaliw ng sistema ko!
May 18 na ngayon at bukas na yung birthday ko. Ano kaya gagawin ko bukas?
Kagagaling ko lang sa banyo para maligo.
Bababa na sana ako nang may tumawag sakin.
Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit wala naman akong makitang tao.
Luhhh!? Minumulto ba ako?
"Pst!"ay adik si koya!
Nanlaki ang mata ko nang may makita akong bulto na tinatabunan ng kurtina sa may terrace.
Kaya dahan dahan akong tumungo doon.
And wtf?bakit siya andito?
"Hi!"naestatwa ako sakanya.
Bat' mas gwapo siya sa malapitan.
Pumitik siya sa harapan ko kaya napabalik ako sa wisyo.
"A-anong ginagawa mo rito!?"hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi siya. Bat ang gwapo niya talaga?
Jusko naman author sana hindi mo na binigyan ng twist nagpapakahirap ka pa eh!
Nanlalaki pa ang mata ko nang lumahad siya ng bulaklak galing sa likod niya.
"Pinabibigay ni Sky. Puntahan mo daw siya sa manggahan."tiningnan ko ang bulaklak na binigay daw ni Sky at tinanggap iyon.
"Baby's breath?Saan naman nalanghap ni Sky to?"tanong ko sa sarili ko.
"Haha. May taniman kasi dito si Lala eh."tinatanong ko ba siya.
"Oh bakit nandito ka? Baka uso pumasok sa pintuan?"tanong ko.
"Wala lang! Trip trip lang."nagshashabu ba to?
"Eh kung mahulog ka?jusko!"
"Haha. Uhmm! Khryss Willyms Fortin Dolloso."tinaasan ko siya ng kilay dahil naglahad pa siya ng kamay.
"Tinatanong ko ba pangalan mo?Ang haba pa ng pangalan mo mabuti at kasya yan sa one-fourth?"tinawanan lang ako amp! "Psalem! Psalem Audi Thorn."tinanggap ko ang pakikimay niya.
"Halika na Ms. Thorn kanina pa tayo hinihintay ni Stug."Stug nanaman?
Hindi ko na siya kinibo. Umalis na kami. Dito na kami dumaan sa pinto. Wala kasi akong lahing unggoy katulad niya.
Wala namang tao rito. Kaya malaya kaming naglakad. Hawak ko parin ang bulaklak.
Mas namangha pa ako nang makita ko na sa malapitan ang hacienda nila.
"Ang ganda no? Pero mas maganda ka."nakamaang akong napatingin sakanya. Ngumiti lang siya sakin.
"Saan ba si Sky?"tanong ko nalang bigla para naman hindi maging awkward ang atmosphere.
"Dun sa may gazebo."tumango ako at mas binilisan pa ang pag lakad.
"Bat ang bilis mo naman mag lakad? Ayaw mo bang makasama ako?"ang lakas naman ng apog nito!
"Tss."asik ko.
Hindi na sana ako magsasalita kaso may naalala akong itatanong sakanya.
YOU ARE READING
With you in my life(Patrician Series 1)
RomansaShe's a girl-lady? Whatever! She have something about her life issue. Even she have all she always acted the simpliest lady in town. One day she met a guy who turned her life upside- down. With him in her life is like a colorful rainbow-eh colorful...