CHAPTER 69

9 4 0
                                    

PSALEM'S POV.

We are on our way to visayas. Sumakay kami sa isang private chopper na syempre exclusive para samin ng family ko.

At dahil parang part of the family na rin si Skyshun eh pinasakay nalang namin siya. Utos rin yun ng reyna.

Ewan ko ba dun at napapraning sila. Hindi naman ako mamamatay sa syudad. Dzuhh! Kung oras mo na oras mo na talaga yun!

Mga bwesit kailangan ko pang pumunta sa visayas para dito?

Sabi pa nila.

"Doon walang wifi, gadgets, signal and everything. My foods roon bastante sa kagamitan ang bahay ng lola natin so dont you worry. At para may time kayo ni Sky sa isat isa."

Kita niyo? Mga kunsintidor. Sila pa nagtutulak sakin!

Anong gagawin ko dun? Eh puro puno ang nandoon? Yes I want to build a house on a hillside but damn! Gusto ko naman yung may signal! Jusko!

Pag etong tutuluyan namin hindi maganda at kung bahay kubo aba'y mag tago na silang lahat!

Hayyy jusko! Buhay probinsya nanaman ako!

Oo  naka punta ako sa visayas noon kasama si Noah pero may wifi naman, nakakapunta pa ako ng mall, nakaka gala pa ako.

Pero eto? Shet lang!malayo sa sibilisasyon!

Hayyy balita ko wala pang ilaw doo pag gabi at tanging lampara lang huhu. Makakaya ko ba to?

"Hey."napatingin ako kay Skyshun, nakangiti eto sakin.

"Baket?"walang ganang tanong ko.

"Are you ok?kanina ka pa hindi mapakali eh."sabi nito.

"Ahh oo, iniisip ko lang yung tutuluyan natin. Feeling ko ampanget panget nun."napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Hindi naman siguro."tugon niya na parang alam niya at nakapunta na siya sa lugar na iyon.

"Nakapunta kana ba dun?"kaswal siyang umiling.

Pinagkunutan ko siya ng nuo.

"Eh bakit--"tinakpan niya yung bibig ko.

"Shhh."dahan dahan niyang pinikit ang mga mata niya.

Amp! Matutulog pa ang gagu! Siya yung kumausap sakin tapos patatahimikin ako? Aba lang ha?

Kinuha niya yung kamay niya sa bibig ko at humalukipkip na nakapikit ang mata.

Tutulugan nga niya ako. Kaya napapahalukipkip rin ako sa inis. Wala akong ginawa kundi tanawin ang mga nadadaanan namin.

Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na rin pala ako... Sa balikat ni Sky.

        
                         ***

Nagising ako nang dahil sa ingay ng paligid. Kumurap kurap ako at namalayan ko nalang na nandito na kami.

Bumaling ako sa katabi ko at tulog parin siya.

"Uyyy, nandito na tayo."hindi siya natinag. Kaya bahagya ko siyang niyugyog.

"Mmmm."he groan.

"Nandito na tayo!"sigaw ko dahil maingay ang chopper.

He groan again at hindi ko inaasahang yinapos niya ang bewang ko.

"Dito kalang."base sa pananalita niya ay inaantok pa rin siya. Inalis ko ang mga braso niyang nakayapos sa bewang ko.

"Tatayo ka jan o kakaladkarin kita!?"pananakot ko. Hindi siya natinag.
"Isa! Pag eto umabot ng tatlo!"dali dali siya napabalikwas at nakangiting humarap sakin.

With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now