CHAPTER 28

24 11 0
                                    

PSALEM'S POV.

Ganun kami araw araw ni Sky hatid sundo ang peg. Kung weekends naman kung hindi siya pumupunta sa bahay eh namamasyal kami. Pinagkakamalan nga kaming KAMI!  Ang sweet niya na pati asin siguro nilalanggam na charrooot!

May time pa na dinadalhan niya ako ng snacks sa room tapos mapapa ayiiii nalang yung mga kaklase ko.

Hindi ko nga alam kung bakit botong-boto yung kuya ko sakanya close pa!

Nag uuniform na rin ako thanks to Sky! Pinilit niya kasi ako! Kaya ayun mapapa babae man o lalaki napapalingon sakin.

Tas na alala ko pa yung mga sinasabi nila nung napadaan kami ni Sky.

"Wow! Her legs are like a doll legs."ano daw? Haha

"Her skin are like porcelain. I wish I had legs like hers."

"That was the perfect legs I've ever seen."

"Pag ako nagka legs ng ganyan, ibabalandra ko yan sa buong mundo!"

"Totoo ba yang legs na yan?gosh!"

Yan yung mga naririnig ko.Pero hindi ko nalang pinapansin. Alagang alaga kasi ako noon ng nanay ko tsaka maarte ako nung bata ako iiyak talaga ako pag may putik na  namamantsa sa damit ko o kahit sa mukha ko. Clumsy clumsy ako once na madapa ako at masugatan kahit ganu pa yan ka liit o kalaki ipapa derma yan ng mga magulang ko. Kaya lumaki akong ganito! Pero ayukong pinapakita ito sa tao. Ewan ko rin kung bakit pero ayuko.

Minsan pa nga natatawa nalang kami ni Sky.

Oops na alala ko pa kung pano niya sinapak yung lalaking nasa nursing department dahil narinig namin siyang sumipol nang mapadaan kami. Ay naku!

Mabuti nalang rin at hindi na nagparamdam sakin yung Kurt na yun.

Madalas rin kaming nagbabangayan hindi talaga mawawala yun minsan nga binabatukan ko siya pag iniinis niya ako.

Na alala ko pa nung natutulog ako at mukha niya agad ang bumungad sakin naghabulan kami nun dahil putcha ang sarap ng tulog mo tas kakalikutin ka niya! Pakshet!

But as the days and time pass by he makes my heart falling and falling and kabooom! Im already inlove with this handsome banana I know.

Its already February,month of lovers haha gawa gawa ko lang rin yan haha.

So ano na be? Galaw galaw na jan? Jowang jowa na ako! Pero joke lang naipapangako ko na sa aking sarili na ngayong buwan nato ay sasagutin ko na siya. Huwag kayong maniwala sa author bitter kasi yan walang boypren!

A/N:hoy day! May jowa ako! Imaginary lang rin katulad mo bleee!

Oh ayan na nga may jowa na daw siya! Ngayong mga araw nato eh busy'ng busy ang mga studyante sa gaganaping PROM nang school sa 21! Ayaw ko sanang sumali kaso baka makahanap ng ibang partner yung Sky ko. Ansabeeee??? Lol. Pero hindi pa ako tinatanong ni Sky siguro nga hindi talaga ako ang gusto niyang magkapareha. Napapanguso ako pag naiisip ko yun.

Bohemian ang theme ng Prom hindi naman mahirap maghanap ng susuotin dahil sama sama kaming namili ng mga barkada ko pati na rin yung mga lalaki pati na rin si Kuya palagi pa nga silang nag babangayan ni Krizuh at ganun na rin sina Edryle at  Carla well there's something between that two hehe. Bakit ansaya ko ngayon? Pakinengshet!

Nakabili na rin kami ng headrest yung mga boho look boho look nayan gosh! Nakaka stress! Hindi pa naman ako pamilyar sa mga ganyan mabuti nalang at may mga kasama akong namili siguro kung ako lang mag isa maghahanap ako ng may butas.(only kinaray-a knows)tapos namili pa kami nung mga earrings na may feathers feathers. Daming bigabels!

Kada sunday eh sabay kaming nagsisimba ni Sky panata na daw namin yun kasi dun kami nagkita diba? Naalala niyo yun? Sabi niya pa nun "kung hindi lang dahil sa nanay ko hindi kita makikilala, siya yung pumilit saking mag simba nun eh."ay naku Sky.

Sabado ngayon at tinatamad nanaman akong bumangon gusto kong bumawi sa mga araw na hindi ako masyadong natulog dahil sa pag review namin para sa Finals  namin dahil ang rami naming dapat reviewim dahil nga ngayon lang kami nakapasok. Isama niyo pa ang darating na prom huhu nakakapagod talaga!

Sinabi na rin sakin ni tito na baka mga april pa daw yung closing huhu dami pa naming outputs and research na ipapasa! Siguro mga March 12-13 kami mag fa-finals. At nahuli pa nga kami sa ibang lessons yung kaming mga transferees kaya ayun sunog-kilay kami sa pag rereview at pag babaklas ng mga topic na na-disscuss nila.

Mabuti pa yung kuya ko fast learner eh ako?kulang nalang magbigti nalang ako! Huhuhu!

Nakadapa ako sa may kama ko at niyakap ang unan na hinihigaan ng ulo ko.

At sa sobrang boring eh nilaruan ko ang lamp shade ko na may-style na baboy kung si Psamen mahilig kay pan-pan ako mahilig sa baboy pero hindi ibig sabihi nun gusto ko yung ex ni Sky ehw no way. Ino-off at ino-on ko yun hanggang sa magsawa ako at bumalik sa pagkapikit.

Napalalim ang pagkapikit ko nang walang ano-ano'y may kung anong bagay ang tumama sa nuo ko dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang wala akong makita eh binalik ko na naman sa pagpikit ang aking mga mata.

Walang ibang tao sa bahay kundi si Psam alam kong kinukulit niya nanaman ako. Hindi naman pwede si----"oh my god Sky!"napabalikwas ako ng bangon nang akalain na baka si Sky yun!

"Sino si Sky?"napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at....

"Nay!?"dali dali akong tumakbo papunta sakanya at dinamba siya ng yakap.

Hinagod niya ang aking likod at humikbi ako sakanya dahil sa sobrang tuwa.

"Childish."umangat ang ulo ko,pinunasan ang luha at tiningnan ng masama si Sky na nasa gilid lang pala namin, at nakahalukipkip at napapailing.

"Bakit ka narito?"kumalas na rin ako sa pagkayap ni nanay.

"I was waking you up.So instead of harshly waking you up I grab your hair clip and throw it to you,unfortunately it hits your forehead."sinamaan ko siya ng tingin at ibinaling kaagad kay nanay.

"Anong oras po kayong dumating!?myghaaad! Nanay! I miss you so much!"yumakap ulit ako sakanya.

"Hay kanina lang dumiretso agad ako rito sa kwarto mo etong namang si Psamen brutal at binato  ka ng hairclip."napanguso ako. Nagpapabebe.

"Oo nga nay, hindi niya ako lab."dumila pa ako kay Psamen.

Tumawa si nanay.

"Kayo talaga! Halina at magluluto ako ng paborito mong bistek."napahiyaw ako sa kilig at sabay sabay kaming lumabas ng silid ko akmang aapak ako sa hagdan ng pigilan ako ni Psamen.

"Take a bath first."napanguso ako at nagpapadyak papasok ulit ng aking aking silid. I heard him laugh kaya umirap ako sa hangin.










A/N:Hey pencilsssss!!! Paperjean's here. Pasensya na at maikli lang gusto ko lang kasi ng may mai-update kasi naman yung real life Krizuh natin nag aabang rin, enjoy na enjoy sa character niya haha hi Kriz!

Uulitin ko ha? Hindi to story naming mag ex o mag boyprend ah bahala kayo jan! Haha bunga ito ng maganda kong imahinasyon.

Amat amat ta lang ka update kay kapoy man.

Oo po! Taga visayas po ako! Hehe  labyu all!!!

-paperjean-


With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now